Lisa's Point Of View :
*BigHit Entertainment*
"Sino sa inyo ang nag post ng picture sa Twitter,Instagram at Facebook!!? Sagot!!" Bulyaw ni Manager Chae sa lahat ng nag tarbaho dito sa Bighit. Lahat sila nakayuko. Ngayon ko palang nakita si Manager Chae na galit na galit. Halos mapatakip na ako sa tainga ko dahil sa lakas ng boses ni Manager Chae na nag e-echo sa Studio.
Si Manager Ace, Nasa tabi lang ni Manager Chae. Ang Bts at kami nasa likod lang nilang dalawa.
Katabi ko si Jennie na kanina pa tahimik at nakatulala.
"M-Manager Chae, hindi po kami niyan." Nauutal na sagot nung Babae. Isa siya sa mga make-up artist sa BigHit, minsan sa Yg.
"Kaya nga tinatanong ko kung sino!! Punyeta!!" Pinakita ni Manager Chae sakanila yung pic na nag viral sa social medias."Sasagot kayo o lahat kayo tanggal sa trabaho. Okay lang." Mahinahon ngunit nakakagulat na sambit ni Manager Chae.
"Chae, hindi mo pwedeng gawin yan. Di porket wala si Ceo Baek at Ceo Yui pwede mo nang gawin yan!" Singhal pa ni Manager Ace ay Manager Chae.
"Hindi mo ba alam Ace? Diba ang sabi nilang dalawa na kapag wala sila tayo muna ang mamumuno dito!"
*Boogsh*
Lahat kami napatingin sa Pintuan na bigla nalang bumukas."MA'AM CHAE! CIR ACE! NAKAPASOK PO LAHAT NG MGA REPORTERS SA LOOB NG BIGHIT! ANONG GAGAWIN NATIN!?" Hinihingal na sabi ng Guard. Dahilan para magsilabasan lahat ng mga tao dito maliban kay Manager Ace at Chae.
Shit!
"Blacktan lumabas kayo dito! Pumunta kayo sa Dorm niyo! Bilis! Wag na wag niyong palabasin si Jennie at Taehyung! Maliwanag?! Kami na bahala dito, basta bilisan niyo!" Sabi ni Manager Ace at sabay silang tumakbo ni Manager Chae palabas ng studio.
"Let's Go!" Sigaw ni RM. Hihilain ko na sana si Jennie pero naunahan ako ni V.
"Hoy manang bangs! Tss!" Hinila ako ni Jungkook palabas ng studio. Peste! Hindi ako makagalaw!
Kinaladkad ako ni Jungkook palabas ng studio. Medyo hindi kami makadaan kasi nagkagulo na ang mga tao.
"Shit! Nasa labas ng dorm ang ibang reporters! Samantalang ang ibang Reporters nagkalat dito sa bighit! Hindi tayo pwedeng pumunta dun!" Sigaw ni Rm.
Napahinto kami sandali. "Tara sa rooftop!" Sigaw ni Jhope at naunang tumakbo.
Pinindot ni Jhope ang button ng elevator. Kaagad kaming pumasok buti nalang at walang tao sa loob.
Napatingin ako sa kamay ko. "Bitawan mo nga ang kamay ko rabbit!" Binitawan niya naman agad.
"Jennie,Taehyung wag kayong humiwalay samin. Kayo ang target nila" RM.
Tumingin ako kay Jennie. Tulala parin siya habang hawak ni V ang kanang kamay niya. Parang wala lang sakanya. Nag-alala na ako dito sa kaibigan ko eh. Pucha. Once na malaman ko kung sinong nag post ng picture na yun, di ako magdadalawang isip na patayin yun."Hoy manang Bangs! Tara na!" Hnila ulit ako ni Rabbit palabas ng Elevator.
And there nasa rooftop kami. Binitawan na ako ni Jungkook.
Manager Chae's Point Of View
"Umalis na kayo dito!!" Singhal ko sakanila. Punyeta! Hinahaggard nila ang beauty ko! Mga pesteng reporters!
"Pero Ma'am kailangan mo naming Ma interview si Ms.Blanca"
"Totoo po ba yun o edited lang?"
"Ma'am papasukin niyo po kami kahit sandali lang"
"Magsilayas kayo dito! Mga punyeta!" Kapag naubos pasensiya ko sainyo , pasensyahan tayo pero sementeryo bagsak niyo!"Ma'am papasukin niyo po kami!"
"Alam niyo bang pwede kayong makasuhan dahil trespassing kayo sa BigHit ha!?"
Nasa Labas kami ng Bighit Entertainment. Malamang Pinapalayas namin tong mga walang hiyang reporters. Peste rin tong katabi kong Manager! Walang maitulong!
Gosh! Kumusta na kayo yung mga girls ko? Haysh! Punyeta! Nag text pa naman sakin si CEO Yui na pauwi na raw siya to fix the damn problem! Tapos kailangan ko pang puntahan si Manager Minzu (Manager ng Winner) Para ipaalam na may photoshoot kasama ang Blackpink! Then kailangan ko pang bugbugin tong Manager ng BTS! Then bukas uuwi na ang blackpink sa YG. Then Pagkatapos ng Bukas , photoshoot nanaman ng Blackpink at Bts para sa bagong clothes ng Nonagon.
Jusko! I NEED ASSISTANT!*Ring tone*
"Hello!?"[Manager Chae, Nasa Rooftop po kami]
"Sino toh ha!?"
[Namjoon Manager Chae.]
"Ha!? Bakit kayo nandiyan!?"
[Kasi po may mga reporters na nasa Labas ng Dorm namin.]
"Ganun ba!? Sige, bumaba na kayo diyan! Pinalayas na namin sila."[Okay po. Anyways, Nakakabingi po kayo. heheheh babye]
Hayst!
"You know what, palagi ka nalang sumisigaw."
Lumingon ako sa nagsalita.
"Hoy! You know what rin! Nakakainis ka! Stress na stress na ako tapos ikaw! Keep calm and Watch lang ang peg mo!"Tumawa siya ng mahina. Punyeta kang Ace Ka! Wala kang silbi!
"Chill Chae. Ngumiti ka nga....I found it Beautiful."
O_O
"Pero syempre joke lang....Kahit nakasimangot o nakangiti ka...Ang pangit mo parin."
>O<
"Peste!"
Nag walk out ako at pumasok sa loob ng BigHit. I need to cool down! Punyeta siya. Susunugin ko office niya eh!
BINABASA MO ANG
♡MY BOYFRIEND IS AN IDOL♡ BLACKTAN♡SLOW UPDATE♡
RomanceAKO SI LISA. DAKILANG KPOP HATER. HINDI NAMAN AKO BASHER, HATER LANG. KUNG PWEDE SANA LUMIPAT NG IBANG PLANETANG HINDI USO ANG KPOP...MALAMANG....MATAGAL NA AKONG NAKATIRA DUN....NA MAG ISA. █████ w a r n i n g Para sa mga BLACKTAN/BANGPINK HATER...