Chapter 31: In his Condo (2)

1.4K 53 4
                                    

Pagkatapos Kong Linisin ang kwarto niyang parang dinaanan ng Typhoon, lumabas ako at binato sakanya ang hawak kong unan.

"What the fckkk!???" Nilinis ko na nga ang kwarto niya minura pa talaga ako!

"What the fck what the fck your face! Sabihin mo na agad kung ano pang ipapagawa mo saken para makauwi na ako! Punyeta ka! Ang damak mo pala!" Sigaw ko.

Pinulut niya muna ang unan na binato ko sakanya tsaka nilagay yun sa Couch kung saan siya umupo.

Napansin kong may hagdan....What the?? So may second floor pala dito?

"So ano na?! Gusto mong linisin ko ang buing condo mo para matapos na toh ha!?" Singhal ko.

Jusko. Para akong si-siponin dahil dun sa alikabok ng kwarto niya. Hindi ba siya marunong maglinis ng kwarto niya?

"Uhm Nope....I want you to...Cook for me??"

"Hoy! Yung binili kong pagkain sa Jollibee ang kainin mo! Hindi ka nalang sana nagpabili sakin ng Jollibee kanina kung hindi mo lang naman pala kakainin! Nagsasayang ka lang ng pera! Kaya bayaran mo yun!"

Peste pala siya! Nagpabili pa sakin ng pagkain kanina tapos hindi nman pala niya kakainin! Ano yun?! Display lang sa ref?! Sira ulo pala tong Rabbit na to eh.

"Aysh! Just cook for me you manang bangs. Nasa loob ka ng condo ko kaya lahat ng gusto ko masusunod"

Aba! Ginawa niya ba akong katulong!?

"Edi lalabas ako! That's simple!"
Aakmang na lalabas ako ng condo niya ng magslita siya.

"Go on. Kung lalabas ka. Make sure na walang makakita sayo. Tandaan mo, Nasa loob ka ng condo ko..Kaya maghanda ka nalanag sa mangyayari kung lalabas ka dito"

Inis akong humarap sakanya. Alam kong parusa ko to! Pero pwede naman niya ako gantihan gamit ng pang aasar niya saken o kahit ano basta wag lang ganito! Peste! Bat ba kasi ako pumayag eh.

"Pumayag ka na parusahan kita kaya panindigan mo"

"As if I have a choice! Blinackmail mo ko!" Oo nga pala, Blinackmail niya pala ako kaya ako napapayag.

"I was just joking about that. Ayokong magsabi ng kasinungaling sa mga tao noh. Kung totoo talagang may gusto ka sakin...Hinding hindi ko parin gagawin yun. Ano nalang sasabihin nila? Na si Lisa na panget na gurang tingnan nagkagusto sa isang gwapo na macho na si Jeon Jungkook"

*woosh woosh* !! Hangin pa more!

Inis akong tinalikuran siya at umupo sa couch. Wala akong pake alam kung nasa gilid ko siya. Basta kailangan ko ng pahinga.

*bzzztt*

May nag vibrate na Cellphone, Alam kong sakin yun kasi nasa likod ko lang yung backpack ko kaya ramdam ko yung pag vibrate.

Kinuha ko yung cellphone ko at lumayo ng kaunti sakanya para sagutin ang tawag.

"Oh??"

[Hey Princess! How's life being a kpop idol??]

Ommo! It's Kuya!

"Okay naman kuya, Challenging" Sinungaling. "Ikaw Kuya. Musta ka na?? It's been a month since nung huli kitang makausap! I miss you"

Haysh. Nagiging Emosyonal na ako. Namiss ko naman talaga si kuya eh! Hindi lang si kuya pati rin Mommy, Si Daddy at yung Si Little lee na nasa Tiyan pa. Bakit nga ba hindi ako kinamusta ni mom and dad kahit sa phone lang? Alam ko naman busy sila sa business pero bakit hindi man lang nila ako tinawagan kahit na kaunting oras lang?? Baka nga nag 'Baby shower' na sila eh. Hindi man lang ako ininform kung babae ba o lalake si little lee. Hayst. Miss ko na family koo. Huhuhu. Namiss ko na ring itapon ang mga alarm clocks ko sa tuwing umaga.

♡MY BOYFRIEND IS AN IDOL♡ BLACKTAN♡SLOW UPDATE♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon