Chapter 08: Concert

1.6K 69 2
                                    

Lisa's Point Of View


So nandito na kami sa loob,like sinundo kami ni Kuya. Yung tatlo naman parang himamatayin sa kilig ng makita nila ang kuya ko....pano nalang kaya kung makita nila yung anim? Ano St.Peter na? lol.


"Stupid" Mahinang mura ko para di ako marinig ni Kuya..Sana alam niya na ayaw ko sa kpop pero baka ma offend yun dahil parang ayaw ko narin siya kasi kpop idol siya


"Hi Lisa!..Sino sila?" Nilingon ko silang tatlo na nakatulala at namumula. Jusko po.

Hinarap ko ulit si JR. "Yan si Rose,Jennie at si Jisoo." sabi ko sabay turo sa kanilang tatlo .

"Nice to meet you Rose,Jen,Jisoo. Ako nga pala si-----"

"Yeah We know,We know." Sabi ni Jennie at nakipag kamay kay JR. Ganun rin yung ginawa ng dalawa.


"Anyways JR,Asan si Brother?" Tanong ko.


"Nasa dressing room Lis." Sabi niya,tumango lang ako at umalis nadun.

Dressing room? Taena,may ganyan ganyan pa pala?
May nakadikit na mga signs sa wall na papunta sa dressing room kaya sinunod namin yun.
Madami-dami rin yung mga tao dito pero I guess,staff yun.


Kinatok namin yung pintuan at naabutan namin sila dun na nag lalaro? What the?
Si Kuya naman ay may hawak na Video camera so siya ang camera man.

Napatigil naman sila sa pag laro nang sumigaw si Mark sa pangalan ko kaya nagulat ako nung tumakbo siya papunta sakin at niyakap ako,kaya anong nangyari? Edi natumba kami nakapatong siya sakin. Yung tatlong babae naman tumatawa lang. Psh HMP.

"U-Umalis ka nga!!" Agad naman siyang tumayo.

"Sorry Lisa hehe" Inirapan ko lang siya at humarap kay Kuya.

"Alam mo Mark kung may gusto ka sa kapatid ko,sabihan mo ko dahil ito yung matatanggap mo" Sabay kita ni Kuya sa fist niya.

Tumawa silang lahat maliban sakin. Eh? Ano naman nakakatawa dun?

"Anyways, this three girls are my bestfriends. This is Jennie,Rose and Jisoo" Nag bow lang yung tatlo at kumaway. Nakita ko si JB na grabe makatitig kay Jennie,bro? Easy lang tutulo na laway mo oh. Nilipat ko ang tingin ko kay Mark na sobrang makatitig kay Rose,hoy wag pagnanasaan ang kaibigan ko!


"So ano to titigan challenge?" Sabi ko na may halong pang-aasar. Napa face palm silang lahat. Psh.


30 minutes nalang at mag sisimula na sila.

"Kuya san banda kami uupo?" Tanong ko.


"Sa pinaka harap ng stage." Sabi niya. Umalis na kami dun at pumunta sa pwesto namin. Yup may apat na upuan dun..Para tuloy kaming judge.


Maraming tao na pala ang naghihintay at naghihiyawan. Kaya kinuha namin yung light stick na binigay sakin ni Kuya at Pinaandar ito.

Maraming nagtataka kung bakit kami dito.
Kahit malayo sila ng konti samin ay rinig ko ang mga bulungan nila.


'Hala Girl,familiar yung likod nila' g1
'Looks like nakita na natin sila sa school' g2
'Bakit sila nandiyan ? Huhuhu kaiingit naman sila' g1
'Girlfriend ata ng apat sa got7 huhuhuhuhu' g2
'Ay nako di ko kakayanin' g1


Ganyan pala maging fan girl no? BUti nalang at hindi ako isa sa kanila. Isa lang naman akong hater pero di naman ako basher.


"Omg I can't wait" -Jennie.

"25 minutes nalang girls! Konting tiis nlang" -Jisoo

Tahimik lang si Rose at naka focus sa Stage. Hmp.


Tapos na ang iniintay nila na 25 minutes and it's showtime.
Una yung intro.
Maganda naman.

Pagkatapos nun lumabas silang pito dala dala ang mic,and their trying to look hot.
TRYING HARD MASYADO.KAWAWA.

Halos mabingi na ako sa sigawan ng lahat. Ako lang ata tong babaeng sinapian ng katahimikan eh. Malamang di ako fan nila. I'm just here to support my brother and to watch my brother.

Lumingon ako sa gilid ko,grabe naman makasigaw si Jennie at Jisoo parang nakakain ng whistle. Nasa huli si Rose kaya tiningnan ko rin siya. Wow,for the first time and forever di lang pala ako nag-iisa sa mundong ito. Nakatitig lang siya sa stage kaya tiningnan ko kung sino ang tinitigan niya. JR? Whatever baka a-attract siya sa lalakeng yun kaya ganyan siya.

Napailing nalang ako at tiningnan ang kuya ko. Galing pala sumayaw ng kuya ko ah.

"GO KUYA!" Yan lang ang naicheer ko para sa kanya. Kumindat si Kuya sa mga fan girls dahilan para mas lalong sumabog ang ear drums ko. Grabe.


Tiningnan ko ulit si Jennie at Jisoo , enjoy na enjoy sila samantalang si Rose nakatitig parin kay JR. Anyare?



_____


1 hour nalang at matatapos narin to...Mag 10:30 pm narin.
Di parin napapagod ang mga fan girls nila sa kasisigaw.

"Jen let's buy water." Rinig kong sabi ni Jisoo. Tatayo na sana sila pero pinigilan ko.

"Mag suot kayo niyan tsaka yan " Turo ko sa shades at mask...sinabihan kasi ako ni kuya niyan kanina para iwas gulo. Kakalbuhin kami ng mga fan girls nila pag malaman nila ang totoong anyo.

Sumunod naman sila sa sinabi ko at umalis na. Habang wala silang dalawa ay tinabihan ko si Rose.

"Rose may problema ba? Kanina ka pa tahimik ah?" Nagulat naman siya sa biglaang pag sulpot ko.HIHI sorry na nga.


"Ako ta-tahimik? H-hindi nu! Party!Party!" Nag kuware pa siyang nag enjoy kahit hindi naman talaga.


"Sige.Magsinungaling ka. Akala ko ba bestfriends tayo?" Napatigil naman siya at umayos ng upo.

"Wala akong problema Lisa,I just remember someone" Seryoso siya sa sinabi niya. Humarap ulit siya dun sa stage at nanood. Sakto naman bumalik si Jisoo at Jennie kaya bumalik na ako sa dating position ko.

"Oh ito binilhan narin namin kayo" sabay bigay samin ng tubig.

"Thanks :) " I said.


-----


♡MY BOYFRIEND IS AN IDOL♡ BLACKTAN♡SLOW UPDATE♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon