Chapter 33 (Part 2) : Date

1.2K 38 5
                                    


DANG IT! 

I just can't believe! Pano ko nasabi yun sa kanya!? Ugh cmon! Lasing lang ako nun kaya ko nasabi yun! Bakit niya ba sineseryoso!? URGH!!! 

"Jimin! Lasing lang ako nun kaya ko nasabi yun sayo. Ano kaba" Sabi ko. Hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa door knob. KASH! MULTUHIN MO NGA'TONG SI JIMIN! 

"Hahaha. Baby chubs?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pinapaala pa talaga niya saken kung anong tawag ko sakanya nung gabing yun! Shocks! Nakakahiya!

"Umalis ka na nga dito Jimin!" 

"Wag mo nga akong paasahin Rose. Cmon. Pumayag akong makipag date sayo kaya magbihis ka na." Sabi niya na nakangiti. 

Wala akong choice. Pinapasok ko siya sa dorm at ako nagbihis. Eh? Ako kasi ang nag-ayang makipag date sakanya eh. And now...Nagsisisi na ako. Sana pala hindi nalang ako uminom nung gabing yun. 

Pano ko ba malulusutan to? Makakalusot pa ako, kasi hindi pa naman ako full nakabihis. 

Aha! Tatawagan ko si Manager. Baka sakaling may duty pala kami ngayon kaya hindi kami pwedeng mag hang out or something. Yes!

*Dialing Manager Chae.* 

"Hello Manager Chae? Pwede po ba kaming lumabas ngayon?" 

Please say no. [Oo pwede. Wala naman kayong sched ngayon eh. Tsaka na move yung photoshoot niyo with BTS and Winner. Mga next month pa daw yun. Sige bye]

"Manager chae! Hello? Hello!?" 

T_T. Yan! Wala na akong pag-asa. I guess...Makikipag date talaga ako with Jimin. No Choice. 
Tsaka date lang naman toh. Friendly date. But.....HINDI NAMAN KAMI FRIENDS! Ang yabang yabang ng lalakeng toh.

Simple lang ang suot ko ngayon. Malamang Black ripped jeans at Black t-shirt. Hindi naman siguro kailangan maging bongga yung suot kapag date noh? Wala pa akong experience diyan eh. First time ko toh. First date ko si Koala. 

Bago ako lumabas ng kwarto, sinuot ko muna yung bwhite na converse. Mukha na akong pupunta ng lamay. Bahala na. Pagkatapos, lumabas ako ng kwarto at nadatnan ko si Jimin sa salas na nanonood ng T.V 

Tch. Feeling at home pa. 

"Tara na" 

Pagharap niya sa akin. Nagulat ako kasi parehas kami ng attire. Kaso lang plain light blue yung t-shirt niya. Ngayon ko lang nabantayan na ang gwapo at ang hot niya pala tingnan sa suot niya. Dang it. 

"Done checking me?" Napaangat ang tingin ko sa kanya. 

"Tch." Lumabas kaagad ako ng dorm. Baka mag open nanaman yun ng topic at matatagalan nanaman kami. 

***

Nasa Private parking lot na kami ng Yg ent. Nung mapadaan kami sa hallway ng Yg ent. Wala kanang ibang makita dun kundi ang mga mukha nilang hindi makapaniwala. Eh ako rin naman eh! Hindi ako makapaniwala na Inaya kong ma Date si jimin. Sineryoso naman ng uguk.

Pagkapasok na pagkapasok naming dalawa ni Jimin sa Loob. Pinaandar niya ang kotse niya. Kasabay nun ang pag tug tug ng kanta. Kanta yun ni Taeyang oppa na Eyes,Nose,Lips.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nagbiya biyahe.

"San Tayo?"

"Eh ikaw, kahit saan gusto mo. Ikaw naman ang nag drive eh." Sabi ko habang naka tingin parin sa labas.

"Ikaw ang nag aya ng date tapos di ka prepared. Tch"

Eh! Ngayon ko nga lng maalala yung nangyari eh! Tsk! 

♡MY BOYFRIEND IS AN IDOL♡ BLACKTAN♡SLOW UPDATE♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon