LOVE IS ALL THAT MATTERS (POEM)

22.1K 302 9
                                    

Love comes unexpected, comes in no time, and sometimes you can't even tell when did this fancy feeling hits you....

Itatanong mo pa sa sarili, bakit? kailan pa? at pano nangyari?,

Pero hindi mo masasagot ang iyong mga tanong lalo pa kung patuloy mo itong itinatanggi sa sarili,

Mararamdaman mo na lang, talagang tinamaan kana, at kahit na anong ilag ang gawin mo, wala ka ng magagawa pa,

Makakagawa ka ng mga bagay na ni minsan ay hindi sumagi sa isip mong magagawa mo, pero itinuro iyon ng puso mo, dahil alam nyang para iyon sa taong mahal mo.

There comes a time that you will even ask yourself why him? why her? why this person??....

Kadalasan ay may mga imahe na tayo ng taong gusto nating mahalin sa ating isipan,

Buo na iyon at sila ang mga tinatawag nating ideal girl o ideal man,

Pero dahil mapaglaro ang tadhana minsan, nahuhulog tayo sa mga taong malayo doon sa tinatawag nating IDEAL,

Ang masaklap pa, doon tayo nahuhulog sa mga taong taliwas sakanila.

Sometimes we feel so annoyed with the presence of someone, but when that someone is not around, our day seems to be incomplete....

Sabi nila the more you hate, the more you love daw,

Ayokong maniwala dahil pano mo naman mamahalin ang taong kulang na lang ay isumpa mo,

Pero kung iisipin, kadalasan, lahat ng magandang samahan ay nag-uumpisa sa walang hanggang bangayan,

Malalaman mo na lang, isa pala sainyo ay talagang gusto na ng atensyon ng isa pa, habang ang isa naman ay nadedevelop na.

Love is not love if there is no pain, Love is not all about joy and happiness, Love is about every emotion that a normal human being could ever feel,

Masaya daw ang mainlove sabi ng karamihan, masarap sa pakiramdam at nakakainspire,

Sabi naman ng mga bigo at hindi pa naiinlove, nakakatakot daw ang magmahal dahil kaakibat nito ang masaktan,

Kapag nagmahal ka, dapat handa ka na sa lahat ng maari mong pagdaanan, lahat ng maari mong maramdaman,

Kapag nasaktan ka, ibig sabihin, totoong nagmahal ka, ang importante kayanin mo at huwag kang papadala sa masamang tawag ng tukso.

Love can be so playful at times. You are already inlove with someone, but someone else makes the butterflies in your stomach fly,

Alam mong may mahal kana, pero malilito ka kapag may isa pang taong nakakapagparamdam sayo ng saya,

Isa yang dahilan kung bakit may mga nasisirang relasyon, may mga taong nasasaktan, may mga taong natatakot na muling magmahal,

Mahirap talaga ang magmahal ng dalawa, pero dahil normal na tao ka, isa lang ang puso mo at kailangang isa lang ang mahalin mo,

Hindi mo kailangang malito, basta kung sino ang palaging binabanggit ng puso mo, siya ang taong pinakamamahal mo.

When you fall in love, you'll feel it, no more questions. That's real love.

Hindi mo kailangan ng maraming sagot sa mga tanong, hindi mo kailangan ng maraming opinyon,

Kapag nagmahal ka, puso ang nakataya doon kaya marapat lamang na puso ang pangibabawin mo,

Hindi mo kailangang gamitin ang mata o pakinggan ang iyong isipan, depende na lamang kung mas pipiliin mo ang magpakapraktikal,

Dahil kung pagmamahal lang din ang usapan, kahit nakapikit kapa, dampi lang ng kamay nya sa balat mo, malalaman mo ng siya ang taong itinitibok ng puso mo.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

A poem dedicated for this story. Haha malayo yung title nya sa mismong laman ng poem. Hehe trip lang. It's all about love kasi. Bakit ba! Hehe

Dedicated din ang poem na ito sa kauna-unahang nagvote at nagcomment sa story, at syempre nagbasa.

Thank You sayo at sa iba pa. ♥_♥

Vote if you like the poem, if you don't ... uhm... hehe vote pa din!

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon