Chapter 3

8.3K 234 5
                                        


Loria Nicia's POV.

"Who is she?"

"She's beautiful right"

"Yeah! Like me"

"In your dreams!!"

"Manahimik nga kayo. Baka magising siya"

Nagising ako dahil sa iba't ibang boses na iyon.
Unti unti ko namang iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang puting kisame.

Anong nangyari?? Asan ako?

Inilibot ko ang paningin ko at may nakita akong limang tao. Dalawang babae at tatlong lalaki.

Napalingon naman sa gawi ko ang isang babe na may hanggang baywang ang buhok. Maganda siya lalo pa at bagay sa kanya ang buhok niyang mahaba at tuwid.

"Gising na siya" saad niya kaya napalingon ang iba sa gawi ko.

Agad naman silang nagsilapitan sa pwesto ko maliban sa isang lalaki na nanatili pa ring nakaupo sa sofa.

"Ayos ka lang ba?" napagawi ang tingin ko sa babaeng may buhok na kasing haba ng siko niya.

Agad naman akong tumango atsaka umupo sa kama. Agad naman nila akong inalayan.

"Anong pangalan mo?" tanong ng isang babae na siyang nakapansin saakin sa paggising ko.

"Loria Nicia Gold" paos na saad ko.

"Ako nga pala si Kylene Skuost" saad niya.

"Ako naman si Lovely Whind " saad ng isa pang babae.

"Hi!! I'm Allanson Natuen" saad ng isang lalaki na may pagkahyper.

"Ronaldrin Bluer" maikling saad ng isa pang lalaki.

"At siya naman si Marlou Reame. Cold at masungit yon kaya pagpasensyahan mo na" saad ni Lovely kaya tumango ako.

"Nga pala, anong nangyari sayo?? Nakita ka nalang kasi naming nakabulagta ka sa Right Wing nitong academy eh" saad ni Kylene.

Inalala ko ang nangyari atsaka ko ito ikinwento sakanila.

"Ibig sabihin, galing ka sa mortal world?" tanong ni Lovely

"Mortal world?" saad ko

"Mundo ng mga tao" saad ni Allanson

"Bakit?? Hindi ba to mundo ng mga tao o tinatawag na mortal world??" tanong ko sakanila.

Nagkatinginan naman sila bago sumagot.

"Wala na tayo sa mundo ng mga tao. Ang lugar na ito ay tinatawag na elemental world. Kung saan lahat ng naninirahan dito ay may kakaibang kakahayan o magics. At yong dumakip saaiyo kanina ay tinatawag na dark magic users. At ang lugar na dinalhan nila saiyo kanina ay tinatawag na dark world. Sila ay mga masasama at naghahasik sila ng lagim. Sila rin ang kalaban ng mga tulad naming light magic user na siyang lumalaban para sa kabutihan" mahabang paliwanag ni Kylene.

Hindi ko alam pero naguguluhan ako sa sinabi ni Kylene. Magics?? Totoo ba iyon??

"Magics?? As in kapangyarihan?? Totoo ba yon??" naguguluhang tanong ko.

"Oo, totoo iyon. Kaming lima ay nagtataglay ng iba't ibang magics. Ang magic ko ay Air o hangin, kay Kylene naman ay Ice o yelo, kay Allanson na Earth o lupa, kay Ronaldrin na Water o Tubig at kay Marlou na Fire o apoy" paliwanag ni Lovely.

"Ibig sabihin, wala na ako sa Earth??" tanong ko

"Hmm.. Sabihin na nating nasa earth ka pa pero nasa ibang dimensyon ka nga lang" saad ni Allanson.

"Kung tama ang pagkakarinig ko,tinatawag ang lugar na ito na elemental world. Kung gayon, saang parte ng elemental world tayo naroroon?" tanong ko.

"Nandito tayo sa clinic ng elemental academy. Kung saan ang paaralan ng mga taong may iba't ibang kakayahan" saad ni Ronaldrin.

"Makakabalik pa ba ako sa mortal world?" tanong ko.

"Wag kang mag-alala Loria, pupuntahan namin si Headmaster para ipaalam ang kalagayan mo kaya magpahinga ka nalang diyan. Babalikan ka nalang namin mamaya" saad ni Kylene atsaka ako ipinahiga.

Agad naman silang nagpaalam saakin bago lumabas. Tiningnan pa ako ni Marlou pero hindi na siya umimik atsaka lumabas.

Hayyy... Sana makabalik ako sa mortal world.

*************

Chapter 3 is done!!! Sana magustuhan niyo.

Keep reading everyone!!

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon