Chapter 28

5.5K 171 1
                                        


Loria Nicia's POV.

Agad naman akong napagawak sa noo ko. Grabe, nakakahilo pala yong maglakbay patungong nakaraan..

"May katanungan ka pa ba Loria?" tanong ni Goddess Wefian.

Napaisip naman ako..

"Paano po nalaman ni Lunia na may kapangyarihan siya?? Eh di ba magkatapat lang naman ang bahay na pinag-iwanan saamin. Tapos hindi ko pa siya nakikita mula pagkabata ko" taning ko.

"Sapagkat ang umampon kay Lunia ay katulad din natin. Mga magic user sila na nanatiling tumira sa mortal world. At dahil nga sa naramdaman siguro nila na kakaiba rin si Lunia kaya naisipan nilang bumalik dito sa elemental world" saad ni Goddess Wefian.

Kaya pala, pero....

"Pero paano nalaman ni Lunia ang tungkol saakin??" tanong ko.

"Sapagkat sinabihan namin siya. Kayong dalawa nalang ang natitirang Gold kaya nararapat lang na magkasama kayo. Atsaka sinabihan namin siya tungkol sayo at tungkol sa pagkatao niya kaya nalaman niya na isa siyang gold at may pinsan siya at yun ay ikaw" saad ni Goddess Wefian.

"Pero bakit siya?? Bakit niyo siya pinagpanggap na ako??" tanong ko.

"Sapagkat siya lang ang makakapagtago ng tunay na katauhan mo. Isa rin siyang Gold kaya hindi siya paghihinalaan doon. Sana maintindihan mo Loria. Gusto lang namin na maprotektahan ka" saad ni Goddess Wefian at naglaho.

Napabuntong hininga lang ako.

Sana ayos lang sila doon. Sana walang nangyaring masama sa academy.

Headmaster Cyrus' POV.

"Headmaster. Unti-unti ng nasisira ang barrier sa bayan. Marami na ding mga dark magic user ang nakapalibot sa academy at pilit na tinitibag ang barrier" saad ng taga-ulat sakin.

Napabuntong hininga naman ako.

"Makakaalis ka na" saad ko atsaka umupo sa upuan ko.

Talagang nagsisimula na sila. Sigurado akong malapit ng magsimula ang digmaan.

Pero bakit ang aga naman yata. Dalawang buwan pa bago ang digmaan.

Napabuntong hininga ulit ako.

Kailangan na talaga naming madaliin ang pagsasanay sa mga estudyante. Ilang araw man mula ngayon ay nasisiguro kong lulusob at lulusob ang mga kalaban.


Someone's POV.

"Papaanong nangyaring buhay pa ang tagapagmana ng Gold at Flaire?!!" sigaw ko sa tauhan ko.

"Hindi po namin alam. Nalaman nalang po namin na buhay siya dahil sa biglaang pagsulpot at pagpapakilala sakanya" saad niya.

Napasapo nalang ako sa noo ko.

Hindi maaaring mangyari ito..

Matagal ng patay ang anak nila....

Ahhhh!!!!

Maghanda sila!!

Siguradong hindi pa rin ako matatalo dahil sa Tagapagmanang iyon.

Nag-iisa nalang siya!!!

Hindi niya ako makakaya!!

Hindi!!!!!

**********

Chapter End.....

Maikli lang po ang chapter na ito..

Pasensya na po. Masakit talaga ang ulo ko atsaka lately nagtetraining kami para sa math quiz kaya hindi ako masyadong nakaka-update. Sana maintindihan niyo.

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon