Chapter 33

5.2K 139 1
                                    


Third Person's POV.

Nang mabasag ang harang ay agad na nagsimula ang laban sa pagitan ng mga dark magic user at ng mga studyante at guro ng academy.

Agad namang pinalibutan ng mga dark magic user si Lovely. Agad siya nitong sinugod kaya't nilabanan niya ito. May nagtangkang sumaksak sa kanyang likuran at agad niya naman itong iniwasan atsaka sinaksak ang dark magic user na nagtangka sakanya.

Naramdaman niya na may paparating na atake sakanya kaya agad siyang gumawa ng harang na hangin. Naramdaman niyang tumama ang dark ball sa harang niya kaya agad niyang iwinala ang harang at pinatamaan ng air spikes ang dark magic user na nagtangka sakanya.

Nagpakawala rin siya ng napakalakas na enerhiya kaya tumalsik ang lahat ng nakapalibot sakanya ngunit nakaramdam siya ng panghihina.

Mayroon namang paparating na dark arrow kay Lovely ngunit di niya iyon naramdaman. Bago pa man ito tumama sakanya ay naramdaman na lang niya na may yumakap sakanya at napaumba sila sa lupa.

"Ano ba naman yan pandak... Makiramdan ka na. Muntik ka ng matamaan ng pana oh" may inis na saad ni Ronaldrin dito.

"A-aldrin" nasabi nalang ni Lovely.

Agad namang tumayo si Ronaldrin atsaka niya pinatayo si Lovely at pinrotektahan.

Agad naman silang sinugod ng mga dark magic user kaya agad na naghanda si Ronaldrin at pinakiramdaman din ni Lovely ang paligid.

Pagod na si Lovely ngunit hindi siya susuko. Lalaban siya para sa kalayaan nila. Gagawin niya ang lahat kahit na ibuwis pa niya ang sarili niya para lang sa kalayaan.

Samantalang sa bandang silangan kung nasaan sina Kylene ay patuloy pa rin silang lumalaban.
Pagod nila'y hindi nila iniinda.

Sisipain na sana si Allanson ng isang dark magic user ngunit agad niya itong nahawakan sa paa atsaka siya nagpakawala ng kaunting kapangyarihan na pumasok sa katawan ng kalaban kaya ito nahimatay.

Ang pagiging Earth magic user kasi aymay kakayahang magpagaling o magbigay ng sakit sa isang nilalang.

Sa kabilang banda naman ay hawak hawak ni Kylene ang kanyang espadang gawa sa yelo.

Pinapatamaan niya ang mga organ ng mga dark magic user kaya mabilis niya itong napapatumba.

Nakaramdam naman siya ng presensiya sa paanan niya kaya agad siyang umalid sa kinatatayuan niya kasabay noon ay ang pagsabog doon.

Nakaramdam ulit siya ng presensiya sa likuran niya kaya agad niya itong sinaksak kaya hindi ito nakaligtas.

May papalapit naman kay Kylene na 10 dark magic user kaya agad niya itong pinagyelo atsaka biniyak.

'Kailangan ng tapusin ito. Hindi maaaring magtagal pa ang labanang ito' ang tanging nasa isip ni Kylene.

Pinapatay lang nila lahat ng dark magic user na nagtatangkang paslangin sila pero nagtaka sila na mukhang hindi ito nababawasan.

"Ano ba talaga ang plano ng mga dark magic user na ito??"

Natanong nalang nila sa isip nila.

******

Chapter End...

Sana magustuhan niyo...

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon