Loria Nicia's POV.
Nandito ako ngayon sa library. Ewan ko lang pero may nag-uudyok saakin na pumunta dito.
Nag-excuse nalang muna ako sakanila na masama ang pakiramdam ko kaya pumayag naman sila na hindi muna ako magtraining.
Naghahanap lang naman ako ng libro eh. Wala pa kasi akong mapili. Hanap lang ako ng hanap ng bigla kong masagi ang ilang libro kaya nagsihulugan sila.
Agad ko naman itong pinulot baka kasi pagalitan ako ng librarian. Ibabalik ko na sana ito ng may makita akong isang libro na kulay yellow. Ibinalik ko naman ang ibang libro atsaka ko dinala ang libro sa may upuan at doon ko sinimulang buklatin.
'History of the Elemental World'
Naging interesado naman ako dahil sa history ito ng lugar sa kung saan ako.
Binuksan ko ang libro atsaka binasa.
'Ang Elemental World ay dating payapa at likas na napakapayapa. Lahat ng mga users ay masaya at walang gulong pinapangamba.
Pinamumunuan ng lugar na ito nina Lireya Plare at Frestol Flaire. Sila ang pinakamalakas na user sa panahon na iyon. Nagtataglay ng fire at water si Lireya samantalang si Frestol naman ay earth at air.
Nakapag-asawa si Lireya ng isang lalaking may kakayahang komontrol ng liwanag. Si Greg Gold, ang kauna-unahang user na nakapagkontrol ng liwanag. Naikasal sila at nagkaanak ng lalaki na si Mariano Gold, ang kauna-unahang Elemental Prince.
Samantalang nakapag-asawa naman si Frestol ng babae na si Heyra may kapangyarihan na nullification, kung saan kaya nitong ipawala ang kapangyarihan. Nagkaroon sila ng anak lalaki na si Xenon Flaire, ang kapangyarihan niya ay hangin at ability na kayang humigop ng kapangyarihan at ilipat sakanya.
Lumaki silang dalawa at tinuruan silang kontrolin ng mabuti ang kapangyarihan nila. Nagkaroon sila ng kaibigan na si Jake.
Si Jake ay isang user na may kakayahang komontrol ng panahon. Malakas rin siya. Silang tatlo ay matalik na magkakaibigan.
Lumaking makikisig na binata silang tatlo at nanatili pa rin ang pagkakaibigan.
Isang araw, habang namamasyal silang tatlo sa kagubatan, may nakita silang dalawang babae na nagtatawanan. Nagkatinginan silang tatlo atsaka nila nilapitan ang dalawa.
Nakilala naman nila ito at sila ay si Nicole Frost na nagtataglay ng kapangyarihang yelo at healing ability at ang isa naman ay si Erica Light na nagtatalay ng kapangyarihang kuryente.
Unang kita palang ni Mariano kay Nicole, alam niyang may kakaiba na siyang nararamdaman dito. At lingid sa kaalaman niya ay may gusto rin si Jake kay Nicole.
Mula ng araw na iyon, parating pumupunta silang tatlo sa gubat para dalawin ang dalawa. Isang taon ang nakalipas ay napagpasyahan ni Jake na umamin kay Nicole.
Inamin ni Jake kay Nicole ang naramdaman niya kaya nalungkot si Nicole para kay Jake sapagkat alam ni Nicole na noon pa man ay mahal na niya si Mariano. Inamin niya ito kay Jake at labis na nalungkot ang binata tungkol dito.
Napuno ng inggit at galit ang puso ni Jake. Inisip niya na puro na lang kay Mariano ang lahat. Ang pagiging elemental prince at pati na rin ang pagmamahal ni Nicole.
Mula ng araw na iyon ay hindi na nakita si Jake at nabalitaan nalang nila na naghahasik na ito ng kadiliman sa ilang parte ng elemental world.
Tungkol lang pala sa babae ang dahilan kung bakit naging dark magic user si Jake. Sayang naman siya. Ang daming babae diyan tapos papakamarter siya sa taong di siya gusto.
Nga naman, nagagawa ng pag-ibig...
***********
Chapter 12 is done!!!!
Sana magustuhan niyo po.
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasiNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...
