Chapter 22

5.5K 190 1
                                    


Loria Nicia's POV.

"Wake up!!!!!"

Agad naman akong napabalikwas ng bangon dahil sa boses na iyon.

Inilibot ko naman ang paningin ko at nakita ko si Goddess Wefian na nakangiti..

"Gising na!! Magtetraining ka pa" saad niya atsaka naglaho.

Agad naman akong tumayo at napatingin sa labas ng bintana.

Madilim pa sa labas. Anong oras pa ba ngayon at wala pang araw?? At bakit ang aga niya akong ginising???

Napailing naman ako at agad na pumunta sa banyo at naghilamos at nagmumug.

Pagkatapos ay nagbihis ako ng komportableng damit  para sa training..

May mga damit kasi dito eh at kasya saakin kaya yon nalang ang isinuot ko.

Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba. Nadatnan ko naman si Goddess Wefian na nakaupo sa isa sa mga sofa sa sala.

"Mabuti at handa ka na. Tara at sisimulan na natin ang training mo" saad niya.

"Teka, hindi ba tayo kakain??" tanong ko

"Mamaya na yan. Magwawarp-up lang tayo" saad ni Goddess Wefian atsaka ako hinila.

Lumabas kami ng mansyon at may dinaanan kaming mga puno, bulaklak, fountain at kung ano ano pa hanggang sa makarating kami s napakalawak na lugar..

Mabuti nalang at unti unti ng lumiliwanag kaya di na masyadong madilim.

"Ang una mong gagawin ay ang magjogging. Kita mo ang field na yan, ikotin mo yan ng 10 beses at hinding hindi ka titigil hanggang sa hindi ka matapos. Maliwanag" saad ni Goddess Wefian.

Napansin ko na iba na rin ang suot niya.. Yong damit pangtraining talaga.

"Pero bago ka tumakbo, stretching muna para hindi mabigla ang katawan mo" saad niya atsaka kami nagstretching...

Pagkatapos ay tumakbo na ako at sumabay rin si Goddess Wefian.

Nakaisang ikot pa lang ako pero pagod na pagod at hingal na hingal na ako samantalang si Goddess Wefian eh hindi man lang pinagpapawisan...

Seryoso siya....???

At gaya ng sinabi niya ay hindi ako tumigil at ipinagpatuloy ang pagtakbo ko hanggang sa ikatlong ikot ko ay parang hihiga na ako sa lupa ng dahil sa pagod...

Sobrang nakakapagod talaga... Huhuhu... Help me.....

"Stand up Loria" saad ni Goddess Wefian atsaka ako nilampasan.

Grabe, hindi pa ba siya napapagod???

Wala rin naman akong choice kaya tumayo ulit ako atsaka sinimulan ang pagtakbo.

Nang makalimang ikot ako ay tuluyan na akong napahiga.

Hingal na hingal na ako at feeling ko sasabog na ang puso ko...
Nagiging itim na rin ang paningin ko at anumang oras ay maaaring mawalan ako ng malay.

Nakarinig naman ako ng pagtawa at nakita ko si Goddess Wefian na papalapit saakin..

"Okay Loria, since first time mo palang okay na iyong tinakbo mo. Atleast nakalahati ka.. Uwi muna tayo sa mansyon para makapagpahinga at makapag-almusal ka" saad ni Goddess Wefian at inialok ang kanyang kamay.

Kinuha ko naman ito atsaka bumangon.

Grabe, hindi ko namalayan na may araw na pala.

Naglakad lang kami papunta sa mansyon. Para na daw din yong training sabi ni Goddess Wefian eh.

Pagpasok ko sa loob ay agad akong umupo sa sofa at napapikit...

Grabe, nakakapagod talaga..

"Hintayin mo nalang yong pagkain mo dyan Loria ah. Atsaka ito tubig. Uminom ka" saad ni Goddess Wefian.

Tinanggap ko naman ito atsaka mabilis na uminom.

"Salamat" saad ko at ngumiti lang siya.

Naglakad na si Goddess Loria papunta sa kusina kaya't muli kong ipinikit ang mga mata ko at unti unti akong nilamon ng kadiliman.

**************

Chapter End.....

Sa lahat po ng sumusuporta thank you very much. Thank you for reading, voting, and commenting...

This chapter is dedicated to all of you...

Thank you!!!
Kamsamnida!!
Gomawo!!!
Arigatuo!!
Shishi!!!(tama ba speeling)

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon