Third Person's POV.
Nilaban ng mga elementalist, ni Lunia at ni HM Cyrus si Blaise.
Sabay nilang inatake si Blaise ngunit walang kahirap hirap niya itong inilagan.
Agad naman siyang nagpakawala ng kapangyarihan na ikinatalsik nila.
"Ang hihina niyo naman. Yan na ba ang sinasabi nilang mga elementalist, ang magaling daw na Headmaster at ang nawawalang anak ng Gold at Flaire??!! Ang hihina niyo" malamig na saad niya na ikinainis nila.
Agad silang tumayo atsaka isa-isang sinugod si Blaise ngunit ni isang atake man ay hindi nila ito matamaan.
Agad na nagpakawala ng fire spikes si Marlou ngunit naharangan ito ni Blaise. Kaya't sinugod siya ni Marlou ng fire punch at bago pa man niya masuntok si Blaise ay agad siyang nasakal nito atsaka siya nito itinapon palayo.
"Marlou!!" sigaw ng mga kaibigan niya.
Agad namang sumugod si Headmaster Cyrus at nagpakawala ng kuryente patungo kay Blaise.
Isang special magic ang kapangyarihan ni HM dahil isa lang sa isang dekada ang nagkakaroon nito.
Agad naman itong nablock ni Blaise at bigla nalang bumalik ang atake ni HM Cyrus sakanya kaya agad siyang umiwas.
Inatake naman ni Kylene ng ice spikes si Blaise at agad iyong naramdaman ni Blaise at umiwas pero nahagip pa rin siya kaya nadaplisan siya sakanyang braso.
Nakaramdam naman sila ng sobrang lakas na aura galing kay Blaise kaya napaatras sila.
Tumingin ito sakanila at nagulat sila ng purong itim na ang mga mata nito.
Sa isang iglap lang ay natumba silang lahat at nagkaroon na ng mga sugat sa iba't ibang parte ng kanilang katawan.
Pinilit nilang bumangon ngunit di na nila magawa dahil sa kanilang mga sugat na kumikirot.
Halos malupig na sila ng mga kalaban.
Halos lahat ng mga estudyante,guro at ng mga mamamayan ay napuruhan na at hindi na makakilos.
Lahat ay nawawalan na ng pag-asa dahil lahat sila ay bumagsak na maliban nalang kay Loria na pinalilibutan ng mga kalaban.
Sinasaksak niya ang mga ito at ginagamitan ng kapangyarihan.
Nagtaka siya dahil parami na ng parami ang mga kalaban na nakapalibot sakanya.
'Anong nangyayari?? Bakit dumadami sila?'
Saad ng kanyang isipan.
"Loria" biglang sigaw ni Lunia.
Napalingon naman si Loria dito at nakita niyang may malubha itong sugat.
Agad siyang nagpakawala ng berdeng liwanag kaya't lahat ng nakapalibot sakanya ay natumba at nawalan ng buhay.
Inilibot niya ang kanyang paningin at nakita niya ang lahat na nahihirapan at may sugat na.
Napalingon naman siya sa gawi ni Blaise ng bigla itong magsalita.
"Akalain mo nga naman at may isa pa palang hindi man lang nasugatan" saad ni Blaise dito.
May mga maliliit na sugat siya pero hindi naman malala.
"Anong ginawa mo sakanila?" mahinahon na tanong ni Loria kay Blaise.
"Wala naman.. Naglaro lang kami pero sadyang mahihina sila kaya naging ganyan ang nangyari sakanila" saad ni Blaise at ngumisi.
"Pakawalan mo sila" saad ni Loria pero tinawanan lang siya ni Blaise.
"Pakawalan?? Hah!! Ang dapat sakanila mamatay!!" saad ni Blaise at sinenyasan ang kanyang mga naiwang alagad na sugurin si Loria.
*************
Chapter End....
Abangan pa po ninyo ang next

BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasyNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...