Chapter 21

5.5K 175 5
                                    


Loria Nicia's POV.

"Hayaan mong magpakilala kami isa isa saiyo Loria" saad ni Goddess Dime kay napatingin ako sakanilang lahat.

"I'm Goddess Dime, Goddess of Nature" saad ni Goddess Dime.

"God Nath, God of Earth" saad ng lalaki na nakaupo sa kulay yellow gold na upuan.

"God Ocear, God of Water" saad ng lalaking nakaupo sa blue na upuan.

"Goddess Airdy, Goddess of Air " saad ng babaeng nakaupo sa kulay gray na upuan.

"Goddess Scy, Goddess of Ice" saad ng babaeng nakaupo sa kulay ice blue na upuan.

"God Flaes, God of  Fire" saad ng lalaking nakaupo sa kulay red na upuan.

"Goddess Wefian, Goddess of all elements" pakilala ni Goddess Wefian.

Bale ganito ang pwesto nila....

                       G.W.
             G.S.         G.F.
       G.O.                 G.A.
G.D.                            G.N.

[G.W=Goddess Wefian
G.S= Goddess Scy
G.F= God Flaes
G.O=God Ocear
G.A= Goddess Airdy
G.N= God Nath
G.D= Goddess Dime]

Bigla namang nagsalita si Goddess Wefian kaya napatingin ako sakanya..

"Ibibigay namin ang aming basbas sa iyo at simula bukas ay itetrain kita para matutunan mong komtrolin at gamitin ang iyong mga kapangyarihan. Gumising ka ng maaga dahil maaga tayong magsisimula bukas" saad ni Goddess Wefian kaya tumango ako.

May lumabas naman na iba't ibang kulay ng bola ng liwanag sa kamay nila maliban kay Goddess Dime. Naibigay na niya kasi saakin ang basbas kung kaya't hindi na niya ako kailangang basbas ulit.

Lumutang papalapit saakin ang bolang kulay yellow gold ni God Nath atsaka pumasok sa dibdib ko. Sumunod ay ang kulay gray na liwanag na galing kay Goddess Airdy. Sinundan din ito ng kulay asul na liwanag na nanggaling kay God Ocear. Pagkatapos ay ang kulay pula na liwanag na galing kay God Flaes. Na sinundan ng kulay sky blue na liwanag na galing kay  Goddess Scy at ang panghuli ay ang kulay Ginto at puting liwanag na galing kay Goddess Wefian.

Naramdaman ko naman na mas lumakas ang enerhiya ng katawan ko pati na rin ang kapangyarihan ko.

"Oras na upang gumising ka Loria" saad ni Goddess Wefian at bago pa man ako makapagsalita ay agad na nandilim ang paningin ko..

Napabalikwas naman ako ng bangon dahil sa panaginip ko. Naramdaman ko rin ang lakas ng enerhiya at kapangyarihan ko.

Nakatulog pala ako?? Tiningnan ko ang oras at 5 na pala ng hapon.

Agad naman akong tumayo at naghanap ng makakain.

Third Person Pov.

Samantalang alalang alala naman ang mga elementalist kay Loria. Kasalukuyan silang nasa HM's office upang makibalita.

"Nahanap niyo po ba si Lori HM?" tanong ni Lovely.

"Pasensya na ngunit hindi pa" saad nito.

"Nilibot niyo na ba ang buong elemental world?" tanong naman ni Lunia.

"Hindi pa ito lubos na nalibot ng mga tauhan ko ngunit wala pa rin silang makitang bakas ni Loria." saad ni HM kaya nanlulumong nanahimik sila.

"Pasensya na kayo pero wag kayong mag-alala. Gagawin namin ang lahat makita lang si Loria. At ipapaalam ko kaagad sainyo kung nakita na siya" saad ni HM sakanila.

Napabuntong hininga naman ang mga ito.

Someone's POV.

Nasaan ka na??

Are you hiding??

May nagawa ba kaming mali??

Bakit bigla kang nawala??

Saan ka nagpunta??

Please bumalik ka na oh..

Miss ka na namin...

Miss na kita.......


*************

Chapter ended....

Yan... Thank you po sa pagbabasa.. Enjoy reading everyone!!!

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon