Chapter 4

7.7K 229 0
                                    


Lovely's POV.

Hi Everyone!!! Lovely Whind is the name!! I'm 17 years old. Turning 18 palang.

Btw, naglalakad kaming lima papunta sa Headmasters office. Irereport namin ang tungkol kay Loria.

Nang makarating kami eh agad na kumatok si Kylene atsaka pumasok sa loob ng HM's Office.

"Good afternoon HM" sabay na saad namin maliban kay Marlou.

Sanay na kami diyan. Minsan lang kasi yan umimik eh.

"Good afternoon. Please take your sit" saad ni HM Cyrus kaya umupo kami sa mga upuan sa harap niya.

"Anong balita?" agad na tanong ni HM.

"Kinwento po saamin ni Loria ang tungkol sa nangyari sakanya. Kumikilos na ang mga dark magic user at kumukuha sila ng mga mortal para gawing dark magic user. Isa na doon si Loria ngunit nakatakas siya mula sa kamay ng mga ito at napadpad dito" saad ni Kylene.

Napatango tango naman si HM.

"Nga pala HM, sabi din po ni Loria kung makakabalik pa ba siya sa mortal world?" tanong ko.

"Hindi natin siya pwedeng pabalikin" saad ni HM na ikinagulat namin.

"Bakit po??" tanong ni Allanson.

"May kakaiba kay Loria. Walang sinuman ang makakapasok sa barrier ng buong paaralan natin. Lalo na kung tao. Makakapasok lamang sila kung pinahihintulutan natin pero nakapasok agad siya kaya posibleng hindi siya isang mortal" saad ni HM saamin.

"So sinasabi niyo pong isa siya saatin?" tanong ni Ronaldrin.

"Ganon na nga" saad ni HM kaya nagkatinginan kami.

"Pag-papaaralin natin si Loria dito at tutulungan natin siyang alamin ang kapangyarihan niya" pagpapatuloy ni HM.

Nagkatinginan ulit kami atsaka nagkibit balikat.

Loria Nicia's POV.

Napalingon naman ako sa pinto ng bumukas ito. Mula doon ay pumasok sila Lovely.

"Handa ka na bang lumabas Loria.?" nakangiting tanong ni Lovely.

"Oo, makakauwi na ba ako sa mortal world??" naeexcite na tanong ko.

Nagkatinginan naman sila atsaka ulit tumingin saakin.

"Ahhh.. Pasensya ka na Loria pero busy pa kasi si Headmaster kaya napagdesisyonan niyang dito ka muna" saad ni Kylene.

"Ano??"gulat na sabi ko

" ayos lang ba kung dito ka muna?"tanong ni Allanson.

Napaisip naman ako. Wala din naman akong magagawa eh.

"Ahhh, ayos lang. Saka na lang kung hindi na busy si Headmaster" saad ko.

Ngumiti naman sila atsaka ako nilapitan nila Kylene at Lovely.

"Tara,  ililibot ka muna namin sa elemental academy bago ka namin ihatid sa dorm mo. Siguradong magugustuhan mo dito" nakangiting saad ni Kylene.

Agad naman kaming naglibot at ipinakita nila saakin ang cafeteria, mga classrooms pati na rin ang training room daw nila.

Pagkatapos ay may ipinakita din silang mga mini garden sa academy, ang field at mga hall. Ipinakita din nila saakin ang mga teachers and HM building.

"Pagod ka na ba?? Gusto mo bang pumunta na tayo sa dorm mo?" tanong ni Kylene.

Agad naman akong tumango.

Kaya agad naming tinahak ang daan papunta sa dorm ko daw.

"Boys, hanggang dito nalang kayo. Girls dormitory ito atsaka didiretso na din kami sa mga dorm namin" saad ni Lovely sakanila.

Tumango naman sila kaya nagpaalam na kami sa isa't isa.

Huminto naman kami sa isang pinto.

"Oh hanggang dito nalang kami. Itapat mo lang yong thumb mo diyan sa detector at magbubukas na yong pinto. Una na kami ah. Pagod na kasi kami eh" saad ni Lovely kaya tumango nalang ako.

"Salamat" saad ko sakanila at nginitian nila ako.

Agad ko namang ginawa ang sinabi nila at gaya nga ng sabi ni Lovely ay bumukas ito.

Tinungo ko agad ang isang pinto atsaka tumambad saakin ang malaking kama. Agad akong humiga doon atsaka unti unting bumigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa nakatulog ako.



************

Chapter 4!!!

Enjoy reading lang po......
And don't forget to comment your reaction.
Thank you!!

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon