Special Chapter

6.8K 171 18
                                    


Dalawamg buwan matapos ang digmaan ay naging maayos ang lahat. Pagkatapos naman ng digmaan ay hindi na nila nakita ni katawan ni Loria.

Labis ang lungkot nila.

"Lunia, umamin ka nga. Anong alam mo tungkol kay Loria?" tanong ni HM Cyrus sa kanya

Nasa opisina sila ni HM Cyrus dahil nga pag-uusapan nila ang tungkol dito.

"Hindi po talaga ako ang anak ni Niria Flaire at Luciano Gold. Kundi si Loria. Pinsan ko siya dahil si Tito Luciano at ang papa ko ang magkapatid" saad niya na nagpagulat sakanila.

"Ano??!!" reaksyon ng lahat.

"Pasensya na po. Hindi ko sinabi ang lahat. Ni hindi ko pinigilan ang plano ni Loria. Dahil sabi niya hindi na daw siya mapipigilan kung kaya't wala rin akong ibang nagawa" saad ni Lunia sakanila.

"Kailan mo pa alam na si Loria ay ang pinsan mo?" tanong ni HM.

"Alam ko na po mula sa una palang. Kinausap ako ni Goddess Wefian tungkol kay Loria at sa pagkatao kaya ganun. At ako rin ang dahilan ng pagkawala ni Loria ng isang buwan. Inutusan lang po ako ng mga gods and goddesses kaya ganun" paliwanag ni Lunia.

Napabuntong hinanga nalamang sila.

Taon ang lumipas hanggang sa may magandang balita silang nalaman.

"Buhay si Loria, at nasa mortal world siya" saad ni HM Cyrus sakanila.

Masayang masaya naman sila sa nabalitaan.

"Ngunit hindi na niya kayo naaalala at hindi ko alam kung bakit hindi na niya kayo naaalala" saad ni HM kaya biglang napawi ang kasayahan ng lahat.

Agad naman silang pumunta ng mortal world at doon nila na kita si Loria na naging isang ordinaryong estudyante at nagtatrabaho sa gabi sa isang coffe shop.



Loria Nicia's POV.

Agad naman akong napabangon habang hawak hawak ang ulo ko.

Bakit ang sakit ng ulo ko?

Anong nangyari?

Pilit kong inalala ang nagyari hanggang sa naalala ko ang digmaan, ang mga kaibigan ko at ang pinsan ko.

Napaluha naman ako.

Bakit ko sila kinalimutan? Bakit?

Agad naman akong tumayo at nag-ayos para sa pagpasok sa eskwelahan. Agad ko naman silang nadatnan sa classroom na may kanya kanyang ginagawa kaya't agad akong nagtungo sa upuan ko.

Dumaan ang ilang klase hanggang sa uwian na. Agad akong nagtungo sa garden at naramdaman ko namang sumunod sila.

"Loria" rinig kong tawag saakin ni Lunia.

Agad ko naman silang nilingon at nakita ko sila na papalapit saakin.

Magsasalita pa sana sila Lovely ng niyakap ko ang tatlong babae.

"Sorry" saad ko.

Naramdaman ko namang niyakap nila ako pabalik.

"Masaya kami at nakabalik na ang iyong ala-ala" saad ni Lovely

"Group hug!" rinig kong sigaw ni Allanson.

Minsan talaga sa isang buhay, kailangan mo lang magpakatatag para malampasan mo lahat ng iyong problema.

May mga bagay kang nakakalimutan pero may mga bagay ka rin na matutunan.

At palagi mong tatandaan na ang pamilya at kaibigan ay palaging nandyan para saiyo.

At ang swerte swerte ko dahil nandyan sila na mga kaibigan ko.

*********

Chapter End...

Naku, ang ewan naman ng ending ko.

Sorry po talaga hindi kasi ako masyadong marunong gumawa ng ending kaya sana magustuhan niyo pa rin..

Uulitin ko po, wala na pong book 2.

At sana tangkilikin niyo ang new story ko na....

Laxians:Saving The Galaxy

Yan lang po at nagpapasalamat po ako sa bumasa, nagcomment at nagvote sa story ko.

I really appreciate it...

Thank you po talaga..

As in DAGHANG SALAMAT in Bisaya...

GOMAWO in Korean....

ARIGATOU in Japanese....

SHISHI in Chinese......

Basta super duper malaking thank you sainyong lahat..

Hope to see you again to my next story..

Love yah!!!

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon