Her POV.
Kring!! Kring!!!
"Class dismiss!!" sabi ni Ms. Pal atsaka lumabas ng pintuan
Agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko atsaka nag-unahang lumabas kaya hinintay ko nalang na mawala sila bago lumabas.
Nga pala, magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Loria Nicia Gold. 18 years old. Kaka-18 ko lang last week.
Wala akong ina at ama. Yon ang alam ko, kinupkop kasi ako ni Lola Esmeralda.
Ang sabi niya, nakita niya ako sa harap ng bahay nilya na nasa basket daw. May nakasulat doon na pangalan ko, birthday atsaka edad. Nagtataka nga siya kung bakit ako itinapon ng mga magulang ko. Pangmayaman daw kasi ang apilyedo kong Gold.
Hindi naman siya mayaman pero may kaya siya sa buhay. Nakakalungkot nga lang at pumanaw siya nong nakaraang taon. Dala na rin ng katandaan niya.
Kaya ngayon, ako na lang mag-isa. May trabaho naman din ako. Sa umaga, nagtitinda ako ng dyaryo pagkatapos ay pupunta sa paaralan para pumasok. At dahil hanggang 1 pm lang ang klase namin kaya nagsisideline ako sa pagiging waitress sa isang coffee shop. Hanggang 9 pm ako doon.
Agad naman akong tumayo nang mapansing wala ng mga estudyante ang nag-uunahan sa pintuan. Kung tinatanong niyo kung may kaibigan ako, syempre meron pero hindi lang kami masyadong close dahil nga sa hindi naman ako parating naglalagi sa eskwelahan dahil sa sideline ko atsaka gumagawa ako ng assignment o project pag may vacant.
Agad akong umuwi ng bahay. Malapit lang din naman kasi ito sa paaralan namin eh. Agad akong kumain atsaka naghanda para sa pagpunta ko sa coffee shop. Malapit lang din naman eh.
Nang makarating ako ay agad akong naglagay ng apron atsaka nagsimulang magkuha at maghatid ng order.
Ganoon lang ang ginagawa ko hanggang sa mag-9pm na. Agad akong nagpaalam sa mga kasama ko atsaka ko tinahak ang daan pauwi.
Naglakad lang din ako. May mga streetlights din naman kaya hindi masyadong madilim.
Lakad lang ako ng lakad ng biglang may humarang saakin. Nakasout siya ng itim na cloak at nakahood din siya.
"S-sino k-ka??" tanong ko sakanya.
Nag-angat naman siya ng tingin at nakita ko ang mukha niya. Mukha naman siyang normal na tao kaso nakasout nga lang siya ng hooded na cloak.
"S-saan p-po b-ba k-kayo g-galing?? B-bakit g-ganyan a-ang s-suot n-niyo?" nauutal na tanong ko sakanya.
Nagsimula naman siyang humakbang papunta saakin kaya napaatras ako. Humakbang uli siya kaya hindi ko napigilan ang sarili ko kaya napatakbo ako.
Takbo lang ako ng takbo atsaka ko ulit siya nilingon. Nandoon pa rin siya sa pwesto niya at nakangisi kaya mas kinilabutan ako. Agad naman akong humarap at tumingin sa dinadaanan ko pero laking gulat ko ng makita siyang nasa harap ko atsaka ko siya nabangga kaya napaupo ako.
A-anong?? P-paano s-siya n-nakarating d-diyan.??
Humakbang naman siya papunta saakin kaya napaatras ako habang nakaupo pa rin. Humakbang uli siya kaya agad akong napatayo pero bigla nalang akong hindi makagalaw.
Anong nangyayari saakin??
Naramdaman ko nalang na nasa likod ko na siya atsaka parang may usok na pumasok sa katawan ko.
Unti unti kong naramdaman ang pagkahilo hanggang sa nawalan ako ng malay..
***********
Chapter 1!! Sana magustuhan niyo...
Don't forget to vote and comment.
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasiNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...
