Chapter 32

5.4K 160 1
                                        

Loria Nicia's POV.

Bukas na ng gabi magaganap ang red moon at ang digmaan kaya ramdam mo talaga ang kaba ng lahat.

Wala na ring masyadong mga estudyante na gumagala sa academy kaya tahimik na tahimik ang buong paligid.

Yong katahimikan na nagwawarning sayo na may mangyayaring masama. Yon ang mararamdaman mo ngayon sa academy.

Nagulat naman ako ng biglang nag-alarm ang alarm ng academy.
Ibig sabihin kasi noon ay may masamang nangyayari.

"Attention students... Unti unti ng nababasag ang barrier na nasa elemental city pero wag kayong mag-alala. Handa na ang lahat na naroroon at may namataang mga dark magic users sa paligid ng barrier pati na rin dito sa academy kaya kailangan niyo ng maghanda. Ilang oras o minuto mula ngayon ay maaaring mabasag na ang barrier natin kaya maging handa"

Saad ng speaker na batid kong si HM Cyrus.

Shit!! Bakit ang aga naman nila.. Bukas pa ng gabi ang digmaan ah...

Ang mga dark magic user na iyon talaga. Napakadumi talaga nilang makipaglaban!!

Agad naman akong naghanda at nagsuot ng komportableng damit pagkatapos ay agad akong lumabas at pumunta sa field.

Nadatnan ko na nandoon na ang iba pang mga estudyante, mga teachers at si HM Cyrus.

Agad naman kaming naghiwalay. Kasama ko si Lunia dito sa south part ng academy tapos sa main gate si Marlou. Sa east sila Kylene at Allanson at sa west naman sila Lovely at Ronaldrin.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga dark magic users na pilit na sinisira ang barrier.

May kasama rin kaming iilang estudyante at si Teacher Jin.

Pilit nilang binabasag ang barrier hanggang sa magcrack ito.

Agad naman kaming nagpalabas ng sandata namin.

Ipinalabas ko ang espada ko na gawa sa kahoy at napapalibutan ito ng mga halaman. Ang alam kasi nila ay nature ang kapangyarihan ko kaya ganun ang ipinalabas ko.

Pero kahit na kahoy lang ito. Napakatalas naman nito. Hindi lang ito halata.

Inihanda namin ang mga sandata namin hanggang sa tuluyang nasira ang barrier.

Agad naman silang lumusob kaya agad rin kaming naghanda upang labanan sila.

Third Person's POV.

Agad na nag-umpisa ang labanan sa pagitan ng mga estudyante, guro at ng mga dark magic user.

Lumalaban para mabuhay. Lumalaban para sa kapayapaan.

Walang nagpapatalo, walang umuurong. Silang lahat ay desidido ng manalo.

Labanan sa pagitan ng kadiliman at liwanag.

Labanan na magpapabago ng lahat.

Someone's POV.

Ganito ba talaga ang plano mo??

Hindi mo na ba iyon mababago??

Hindi na ba kita mapipigilan??

Wala na bang ibang paraan??

Ano ang gagawin ko??

Susundin ko ba ang plano niya??

Hayyy... Ang hirap naman pero wala akong ibang magagawa kundi ang sundin siya pero hindi ako papayag sa nais niyang mangyari.

Hinding hindi!!

***********

Chapter Ended....

The end is near na talaga!!!


Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon