Loria Nicia's POV.Nandito ako ngayon sa isa sa mga kwarto dito sa mansyon. Nagbabasa lang ako ng libro na nakita ko sa bookshelf dito..
Basa lang ako ng basa hanggang sa may liwanag na nagbubuo at naghugis katawan ng tao.
Tumambad saakin ang babaeng nakangiti na nakasuot ng damit na pangdyosa na kulay puti. Mayroon siyang ocean blue na mata at mayroon siyang flower crown.
Napatayo naman ako dahil sakanya.
"Sino ka?" agad kong tanong sakanya.
"Loria" saad niya na ikinagulat ko.
Yong boses niya.. Pamilyar saakin.
"Y-yong b-boses mo. Kasing boses ng nasa panaginip ko" gulat na saad ko sakanya..
Ngumiti naman siya..
"Ako nga iyon" saad niya ng nakangiti.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sakanya.
"Ako si Wefian, ang dyosa ng lahat ng elemento. Ang nagtataglay ng kapangyarihang liwanag" saad niya.
" Bakit palagi kang nasa panaginip ko?Anong gusto mong iparating saakin??" tanong ko sakanya..
Ngumiti muna siya bago sumagot.
"Malapit na Loria. Malapit ka na sa katotohanan. Unti unti mo ng malalaman ang iyong katauhan" saad niya
"Katauhan??" naguguluhang tanong ko sakanya.
"Loria, minsan ba ay naisip mo kung sino ang mga magulang mo? Kung anong nangyari sakanila??" saad niya saakin.
Napaiwas naman ako ng tingin sakanya.
Noon, iniisip ko talaga kung nasaan na sila. Kung bakit nila ako iniwan, kung anong nangyari sakanila pero matagal na panahon ang lumipas eh hindi ko na inaalala pa sila.
Napabuntong hininga naman ako.
"Ewan ko, ilang taon na rin ang nakalipas at hindi ko na inisip kung nasaan sila. Tumigil na ako sa kaaasa na darating sila" saad ko sakanya atsaka umupo sa kama at tumingin sa ibang direksyon.
Naramdaman ko naman na tumabi siya saakin.
"Wag kang mag-alala Loria, malapit na. Malapit ka na sa katotohanan na dapat mong malaman. Basta't maging matatag ka lang at manatiling may mabuting kalooban. Wag kang papadala sa galit mo. Wag kang magtanim ng sama ng loob sa puso mo. Dahil ikaw lang ang magdudusa dahil dito" saad niya
Agad ko naman siyang nilingon ngunit wala na siya sa tabi ko.
Nasaan na siya??
Anong ibig niyang sabihin???***********
Chapter End....
Shortest Update po ito...
Sana magustuhan niyo..
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasyNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...