Chapter 7

6.5K 202 4
                                        


Loria Nicia's POV.

"Sa cafeteria tayo. Gutom na ako eh" saad ni Allanson.

Katatapos lang ng morning classes namin at lunch na. Gutom na rin naman din ako eh.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa cafeteria at bawat madadaanan namin ay tinitingnan ako atsaka nagbubulungan.

"Sino kaya siya??"

"Bakit kasama niya ang mga elementalist?"

"Pero maganda siya ah"

"Oo nga eh"

"Sipsip"

"Gold digger"

Rinig kong positive at negative na mga bulong bulungan.

Nga pala, silang lima pala ay tinatawag na elementalist sapagkat sila ang humahawak sa mga elemental magic.

Pagkarating namin doon ay agad kaming umorder atsaka naghanap ng pang-animang pwesto.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa nagpahinga muna kami sandali bago bumalik sa classroom. Tinatahak namin ang daan papunta sa classroom ng biglang nagsalita ang speaker sa academy.

"Proceed to the HM's office elementalist"

Saad ng speaker. Nagtinginan naman sila bago tumingin saakin.

"Ahh.. Mauna ka na ha. Pupunta muna kami sa office" saad ni Kylene at tumango naman ako.

Naglakad na sila paalis kaya't ako nalang mag-isa ang naglalakad patungo sa classroom.

Lakad lang ako ng lakad ng biglang may humarang saaking tatlong babae.

Magaganda sana sila pero nasobrahan lang ng kapal sa make-up.

"Well, well, well. Look who's here" saad ng parang leader sa grupo nila.

"A-anong kailangan niyo?" tanong ko sakanila

"Sino ka ba?? Bakit mo palaging kasama ang elementalist?? Ano ba ang kapangyarihan mo??" mataray na tanong pa rin nito

"Bakit?? Hindi ba pwedeng samahan ang elementalist??" tanong ko.

"Aba!!! For your informasyon, ang mga elementalist ang mga pinakamalalakas na user sa elemental world at walang karapatan ang isang mahinang user na sumama sakanila" galit na saad niya.

"Hmm, yan lang bang kailangan mo??" tanong ko sakanya.

"You bitch!!! Siguro gold digger ka ano o di kaya'y gusto mo lang ng atensyon kaya sumasama ka sakanila!! Famewore!!" galit na saad pa niya.

"Oo nga!!! Gusto mo lang ng atensyon eh!!" sabi ng isang kasama niya.

"Gold digger!! Sipsip" saad rin ng isa.

Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko pero hinablot ng leader nila ang braso ko.

"Aba!! Ang yabang mo ah!!! Weak ka lang naman!! Tandaan mo ang pagmumukha na to!! Janice Ruish ang pangalan. You bitch!!" saad niya at itinulak ako.

Napaupo naman ako sa sahig dahil sa ginawa nila atsaka sila umalis. Napailing na lang ako.

Tumayo naman ako mula sa pagkakasalampak sa sahig atsaka ko naramdaman ang kaunting sakit sa may balakang ko.

Nang makatayo ako ay agad akong naglakad ng mahina dahil na rin sa sakit ng balakang ko.

Langya... May bully din pala dito. Tsk... Pasalamat siya wala akong kapangyarihan. Dahil kung meron man, naku!!!

Makapunta na nga sa klase ko... Baka malate pa ako nito eh.

Headmaster Cyrus' POV.

"Hm, bakit niyo po kami pinatawag??" agad na tanong saakin ni Kylene.

"Pinatawag ko kayo sapagkat nagsalita na ang propesiya at gusto kong malaman niyo ito" saad ko sakanila.

"Ano pong nakasabi?" tanong ni Lovely.

"Someone who lost will return,
Knowing nothing even a single word.
The secrets will be reveled,
Everything will come out.
Knowing, that she is your unexpected savior" saad ko sakanila

Nakita ko naman sa mga mukha nila ang pagkalito. Maski nga ako nalilito eh.



****************

Chapter 7 is done!!!! Pasensya na po sa prophecy. Hindi po kasi ako marunong gumawa eh kaya sana magustuhan niyo pa rin salamat....

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon