Loria Nicia's POV."19 years ago, nagsanib pwersa ang dalawang pamilya. Nagkaroon ng pagtitinginan ang huling henerasyon ng dalawang pamilya. Si Luciano Gold at si Niria Flaire ay nag-isang dibdib at nagbunga ito ng isang batang babae. Walang nakakaalam kung anong pangalan niya sapagkat inilihim nila ang pangalan nito sa hindi malamang dahilan.
Isang taon ang nakalipas ay biglang sumugod ang mga dark magic user. Ipinaglaban na bawat pamilya ang lahat ng mamamayan ng elemental world. Hindi naman sila nabigo dahil nanalo tayo pero ang masaklap ay namatay ang lahat ng angkan ng pamilya Gold at Flaire. Hindi man nakita ang bangkay ng bata pero pinaniniwalang patay na rin ito" kwento pa ni Teacher Jin.Ang saklap pala ng nangyari sa pamilyang Flaire at Gold.
Kring!!!Kring!!!
"Bukas ay tatalakayin natin ang tungkol sa Elemental Prince. Class Dismiss!!" saad ni Teacher Jin at umalis.
Nagsialisan na rin ang mga kaklase ko.
"Lori, punta tayo sa garden. May 1 hour vacant pa naman tayo before our next subject eh" saad ni Lovely kaya tumango ako.
Agad naman kaming tumayo atsaka lumabas ng classroom. Nauna kaming tatlo sa paglalakad habang nasa likod naman namin ang tatlo.
Ramdam ko naman ang pagtingin ng mga estudyante saakin pero yumuko na lang ako at binalewala ito.
Ilang sandali lang ay narating na namin ang garden kaya umupo kami sa ilalim ng puno.
May dalawang magkalapit na puno kasi at doon kaming mga babae sa isa samantalang sa kabila naman ang tatlo. Bali nagkatapatan kami.
"Nakakacurios naman yong lecture ni Teacher Jin saatin" biglang saad ni Allanson
"Oo nga eh. Akalain mo yon, dalawang makapangyarihan na pamilya. Pero narinig ko na din ang tungkol sa kanila noon pero mas detalyado pa rin kung ang Teacher natin ang nagsasabi" saad ni Ronaldrin.
"Napansin ko rin, Gold ang apelyido ni Lori diba?" saad ni Kylene kaya napatingin sila saakin.
"Wala akong alam diyan ah. Baka nagkataon lang. Alam niyo namang sa mortal world ako naninirahan eh" saad ko kaya nagkibit balikat nalang sila.
"Curios lang ako, may nakapagpatunay ba na patay na yong anak nila. Alam niyo na, baka kuru-kuro lang nila" saad naman ni Lovely.
"Oo nga no. Wala naman silang ebedensiya eh. Porket hindi nila nakita patay na agad. Hindi ba pwedeng itinago o itinakas lang ng mag-asawa" saad naman ni Allanson.
"Tama ka nga Allan. Posible iyon" pagsang-ayon ni Ronaldrin na sinang-ayonan din namin.
"Ang tragic lang talaga ng ending nila. Pero sila pa rin naman ang bayani natin eh. Kung hindi dahil sakanila, siguro ay nasakop na tayo ng mga dark magic user" saad din ni Kylene.
"Tama ka nga. Sila ang tagapagligtas natin" nakangiting sang-ayon ni Lovely
"Nga pala Lori, kumusta yong first day mo?" tanong ni Allanson
"Ayos lang naman pero nakakailang yong mga tingin ng mga estudyante saakin" saad ko sakanila.
"Pabayaan mo na yon. Ang mahalaga ay ayos ka" saad ni Ronaldrin.
"Potion class" biglang saad ni Marlou at tumayo
"Oo nga pala, malapit ng magtime" saad ni Lovely atsaka tumayo.
Tumayo na rin kami atsaka naglakad papunta sa room.
***********
Chapter 6!!! Sana magustuhan niyo.
Abangan po ninyo ang iba pang mga chapters...
![](https://img.wattpad.com/cover/151622162-288-k822586.jpg)
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasyNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...