Third Person's POV.Agad na gumawa ng malaking dark ball si Blaise kaya agad na gumawa naman ng fire ball si Loria para sanggain ang atake nito.
Nagtaka at naguluhan naman ang lahat dahil sa ginawa ni Loria.
Sino nga ba siya???
Bakit may kakayahan siyang gumawa ng fire ball??
"A-anong??" nagtatakang saad ng lahat.
"Loria" mahinang saad ni Lunia.
Sunod sunod naman ang pagbato ni Blaise ng dark ball kay Loria kaya tinutumbasan din ito ni Loria ng mga fire balls, air balls, ice balls, earth balls, water balls at kung ano ano pang maaari niyang ipangtapat.
Gulat naman tumingin si Blaise.
"I-ikaw. I-isa k-kang Elemental Princess!!" gulat na saad ni Blaise.
Ngumisi naman si Loria.
"Ganun ba?? Ibig sabihin pala non ay matatalo kita" nakangising saad ni Loria na ikinainis ni Blaise.
"Kahit pa na ikaw ang elemental princess!! Hinding hindi mo matutumbasan ang aking lakas!!" saad ni Blaise atsaka siya nagbigkas ng mga lenggwaheng hindi mo maiintindihan.
Ang mga naiwan namang mga dark magic user ay umilaw ganun rin si Blaise atsaka naging usok ang mga dark magic user at pumasok sa katawan ni Blaise.
Lumaki naman si Blaise ng kaunti at naging buong pula ang mga mata nito. Tumaas rin ang kuko nito at nagkaroon ng sungay sa ulo.
"Anong klaseng nilalang iyan??!!" gulat na saad ng isang guro.
Napaatras naman sila dahil sa lakas ng aura na inilalabas ni Blaise.
Hindi naman natinag si Loria at hinanda ang kanyang espada.'Maipapanalo ko ito' isip isip ni Loria
Agad na sumugod ang kalaban sakanya kaya agad siyang umiwas. Agad namang nakabawi ang kalaban at tinapunan ng dark ball si Loria.
Agad namang tinumbasan iyon ni Loria ng air ball kaya sumabog iyon. Gamit ang air power ni Loria ay agad siyang lumipad at pinantayan ang taas ni Blaise.
Hinigpitan niya ang hawak sa kanyang kulay ginto na na espada at agad iyong umilaw at naging bow.
Agad niya iyong hinila at pinuntirya ang kalaban. Natamaan naman ang kalaban sa balikat kaya galit siyang tiningnan nito.
"Magbabayad ka!!" sigaw ng kalaban na naging dalawa ang boses.
Agad siya nitong sinugod kaya lumipad siya palayo dito habang iniiwasan ang atake ng kalaban.
Ngunit agad siyang napatigil sa paglipad dahil sa isang sigaw.
Nilingon niya ito at nakita niya ang isang estudyante at dala na ng kalaban atsaka ito tinapon.
"Walang hiya ka!!" sigaw ni Loria atsaka nilagyan ng barrier ang mga kasamahan bago sinugod ang kalaban.
Alalang alala naman ang mga kaibigan nito kahit na naguguluhan sila.
'Gagawin ko ito para mabuhay sila' isip isip ni Loria.
Agad siyang nagpakawala ng light ball sa kalaban kaya nasilaw ito at natamaan samantalang naging isang gintong bow naman ang espada ni Loria atsaka niya hinila ang string.
Unti unti namang may bumuo na liwanag hanggang sa kumorti itong palaso at idinaloy rin ni Loria lahat ng kanyang enerhiya at kapangyarihan kaya labis na nasilaw ang lahat sa liwanag ng kanyang palaso.
Agad niya naman itong pinakawalan hanggang sa tumama ito sa mismong mata ng halimaw at sumabog kaya't napatakip lahat ng mata.
***********
Chapter End...
Ayan, pagpasensyahan niyo na po ang fighting scene. Hindi po kasi ako masyadong marunong diyan eh...
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasyNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...