1 month later.....
Lovely's POV.
Nandito kami ngayon sa HM's office. Pinapatawag kasi kami ni HM dahil may pag-uusapan daw kami.
At malapit ng matapos ang usapan na iyon.
"Yon lang elementalist. Pagbutihan niyo ang pag-ensayo" saad niya.
Tumango naman kami at akmang tatayo ng biglang may kumatok.
Bumukas naman ang pinto at unti-unting pumasok ang babaeng 2 buwan ng nawawala.
"Lori" saad namin maliban kay Marlou na nakatitig lang sakanya.
Nakita ko ring nagulat si Lori ng makita kami ngunit ngumiti rin kalaunan.
"Ah hi" saad niya at ngumiti.
Agad naman kaming tumayo ni Kylene atsaka siya niyakap.
"San ka ba galing?? Bat ang tagal mong nawala?" tanong ko sakanya.
Mahinhin naman siyang tumawa.
Napansin kong humaba ang buhok niya na umabot na sa may baywang niya at kulay puti at itim naman ang buhok niya. Itim sa taas at ang kalahati pababa ay puti. Mas pumuti rin siya..
"Mabuti at nakabalik ka na dito Loria" saad ni HM at ngumiti
"Oo nga po HM eh" sagot ni Lori.
"Saan ka ba galing??" tanong ni HM.
"Diyan diyan lang po. Sabihin nalang po natin na nagkaroon ako ng biglaang misyon. Diba couz?" saad niya at tumingin kay Lunia.
Ngumiti naman si Lunia.
"Oh my gosh!! Couz namiss kita" saad ni Lunia at niyakap si Lori.
"Namiss rin kita couz" saad ni Lori.
"So mananatili ka na ba dito Loria?" tanong ni HM.
"Pwede pa po ba?" tanong ni Loria.
"Pwede naman. Palagi ka namang welcome dito eh" saad ni HM
"Thank you po HM" saad ni Loria.
Tumango lang si HM.
Agad naman kaming nagpaalam kay HM at dumiritso kami sa cafeteria.
Walang hangganang kwento ang ginawa namin pero itong si Lori, hindi man lang nagkekwento.
"Ikaw Lori, saan ka galing?? Bakit bigla ka nalang nawala?" tanong ko sakanya.
Napatigil naman siya. At napatingin din kaming lahat sakanya.
Nakita ko namang tumingin siya kay Lunia nang makahulugan bago ulit ibinaling ang tingin saamin.
"Hindi ko talaga alam kung saan iyon basta't ang alam ko lang ay nagising ako na nandoon na" saad niya.
"Pero bakit dalawang buwan kang nawala?? Bakit hindi ka bumalik sa academy??" tanong ni Kylene.
"Gaya ng sabi ko, hindi ko alam kung nasaan ako kaya hindi ko rin alam ang daan pabalik ng academy atsaka wala kaya akong kaalam alam sa lugar sa labas ng academy. Atsaka dalawang buwan rin akong nawala kasi nagtraining ako. Habang hinahanap ko ang daan ay pansamantala rin akong nagtetraining" paliwanag niya.
Napatango naman kami.
"Mabuti at ayos ka lang" saad naman ni Allanson.
"Ang totoo, isang lumang bahay ang napuntahan ko. Wala ng nakatira doon atsaka may nakikita rin kasi akong mga puno doon na may bunga atsaka may mga tubig din doon" saad niya.
"Hay naku, siguradong pagod itong si Lori. Pagpahingahin muna katin siya" saad ni Ronaldrin.
"Oo nga" sang-ayon ko
"Magpahinga ka na muna Couz. Para bukas may lakas ka para sa training natin" saad ni Lunia sakanya at tumango naman siya.
Hinatid na namin siya sa dorm niya atsaka kami pumunta sa training room para ipagpatuloy ang training namin.
**********
Chapter End......
Enjoy reading everyone!!
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasyNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...
