Chapter 10

6.2K 203 2
                                        


Loria's POV.

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at tumambad saakin ang puti na kisame.
Siguradong nasa clinic na naman ako.

Inilibot ko ang paningin ko at nadatnan ko silang lima na natutulog.
Si Kylene at Lovely na nasa mahabang sofa. Dalawa kasi ang mahabang sofa dito eh tapos sila Ronaldrin at Allanson na nasa pang-isahang sofa.

Napatingin naman ako sa gilid ko at doon ko nakita si Marlou na nakayuko na natutulog.

Para kasing hospital itong clinic eh. May sariling kwarto bawat pasyente.
Anong oras na ba?

Napatingin naman ako sa wall clock at nakita kong 11 PM na pala. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya unti unti akong bumangon.
Pupunta nalang ako sa dorm, doon na lang ako magluluto.

"San ka pupunta??" napalingon naman ako dahil sa malamig na boses na iyon.

Nilingon ko naman si Marlou bago sumagot.

"Ahh.. Uuwi na sana ako sa dorm. Nagugutom kasi ako eh" saad ko sakanya.

Tumayo naman siya sa pagkakaupo atsaka ako nilapitan. Hinawakan niya ang braso ko atsaka niya ako pinaupo ulit sa may higaan.

"Diyan ka lang. Ako na ang bahala sa kakainin mo" saad niya atsaka naglakad paalis.

Naghintay naman ako sa pagdating niya. Ang boring naman, bakit ba kasi walang tv dito tapos mayroon silang speaker. Sana tv nalang ang nilagay nila.

Ilang sandali lang ay bumukas uli ang pinto at pumasok mula doon si Marlou na may bitbit na maliit na table.

(A/n: pasensya na po hindi ko alam ang tawag don basta yon pong palaging ginagamit sa breakfast in bed)

Saan niya yan nakuha??

"Eat" saad niya at nilapag sa harap ko ang mga pagkain.

Nagsimula naman akong kumain pero naiilang naman ako dahil nakatingin siya saakin.

Nag-angat naman ako ng tingin at tiningnan siya.

"Gusto mo" alok ko sakanya.

Umiling naman siya atsaka may kinuhang libro sa table atsaka nagbasa.

Mabuti naman at hindi na siya nakatingin saakin.

Nagpatuloy naman ako sa pagkain hanggang sa natapos ako.

Agad naman siyang tumayo atsaka kinuha ang pinagkainan ko at lumabas.

Ilang sandali lang ay bumalik na uli siya atsaka lumapit sa pwesto ko.

"Sleep" saad niya.

Nagtatakang napatingin naman ako sakanya.

Ang weird niya ngayon?? Anong nangyari sakanya?? Sinapian ba siya??

"What??" saad niya ng makitang nakatingin ako sakanya.

"Nasapian ka ba?? Bakit parang ang bait mo yata ngayon??" gulat na saad ko sakanya.

"Tsk. Kung ano ano ang sinasabi mo. Matulog ka na" saad niya atsaka itinulak ang noo ko kaya napahiga ako.

Agad naman niyang naman akong kinumutan at nanatiling nakatingin pa rin ako sakanya.

Umupo naman siya sa upuan na katabi ng higaan ko atsaka niya ako masamang tiningnan.

"Matulog ka na nga" saad niya.

Lihim naman akong napatawa dahil sa tingin ko ay nainis ko siya.

Nagpipigil ngiti ko siyang tiningnan bago ko ipinikit ang mga mata ko.

"Goodnight" sambit ko sakanya at wala naman akong narinig na response.

Hindi pa siguro siya matutulog kasi nagbabasa pa siya ng libro bago ako pumikit eh.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang paglubog ng gilid ng kama ko at napangiti ako ng magsalita siya.

"Goodnight"




***************
Chapter 10 is real!!! Hohoho... Ayos lang po ba?? Sana magustuhan niyo salamat.

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon