Third Person's POV.Alas-sais palang ng gabi ay lumabas na ang buwan na ang kalahati ay pula. Ramdam din ng lahat ang panganib sa paligid.
"Magsihanda!!" sigaw ni Headmaster Cyrus sa lahat kaya nagsihanda sila.
Nagsimula ng lumamig ang paligid at nakarinig sila ng mga yabag na papalapit sakanila.
"Nandito na sila" bulong ni Loria na narinig ng kanyang mga kaibigan.
Nasa unahan sila kasama ang kanilang mga teachers,si Headmasters at ilang mamamayan ng elemental city.
Ilang sandali lang ay bumangad sakanila ang libo libong mga dark magic user.
"Papaanong??..." naguguluhang saad nila.
"Bakit ang dami pa rin nila?? Hindi ba at marami ng nasawi sakanila dahil sa naunang laban??!" gulat na saad ng isang estudyante na sinang-ayonan nila.
Kahit ang mga guro at si Headmaster Cyrus ay naguguluhan.
'Anong klaseng mahuka ang ginamit ng mga dark magic user pars rumami sila ng ganito' isip isip ni Headmaster Cyrus.
Agad na sumugod ang mga dark magic user sa kanila kaya agad na nagsimula ang isang madugong digmaan.
Mabilis na pinayelo ni Kylene ang mga kalaban niya atsaka winawasak. Minsan ay sinasaksak niya rin ito gamit ang kanyang ice sword.
Agad siyang gumawa ng harang ng sabay sabay siyang tinaponan ng mga dark magic user ng dark ball. Nabasag naman ang kanyang harang at kasabay nito ay ang pag-atake ng kanyang ice spikes sa mga nakapalibot sakanya kaya agad silang binawian ng buhay.
Si Lovely naman ay lumalaban gamit ang kanyang invisible air sword kaya akala ng kalaban na wala siyang sandata at tanging kapangyarihan lang ang gamit niya.
Agad niyang tinaponan ng air balls ang mga kalaban at agad na yumuko ng maramdamang may bumato sakanya ng dark ball atsaka niya ito sinaksak.
Inikot ikot naman niya ang kanyang mga kamay hanggang sa nakabuo siya ng isang buhawi na humigop sa mga kalaban niya.
Kinontrol niya ito hanggang sa kanya itong winasak at tumalsik ang mga dark magic users na nahigop ng buhawi.
Sa gawi naman ni Allanson ay inililibing niya ng buhay ang mga dark magic users na nagtatangkang lumapit sakanya.
Naramdaman niyang may papalapit sakanya kaya agad niya itong sinangga gamit ang kanyang espada at isa pala itong palaso.
Hinanap niya ang gumawa noon atsaka itinapak ng malakas ang kanyang paa kaya nagkabitak bitak ang lupa at nagtunggo ito sa salarin.
Agad na tumakbo ang dark magic user na iyon ngunit nahagip pa rin siya ng bumibitak na lupa atsaka siya nailibing.
Sa gawi naman ni Ronaldrin ay pinapatigil niya ang pagdaloy ng dugo ng mga kalaban at pinagsasaksak din niya ang iba.
Sabay na sumugod ng kumpol ng mga dark magic users sakanya kaya binalot niya ang sarili ng tubig niya atsaka niya ito pinaatake sa mga nakapalibot sakanya kaya agad silang binawian ng buhay.
May nakita naman siyang papalapit na kumpol ng kalaban kaya gumawa siya ng malaking tsunami atsaka niya ipinaatake sa kalaban kaya lahat ng kalaban ay nalunod.
Patuloy lang ang labanan ng dalawang panig.
Lahat lumalaban para mabuhay. Lumalaban para sa kalayaan!!!!
*************
Chapter End.....
Wahhh!!!
Malapit na talagang matapos ang kwentong ito kaya sana subaybayan ninyo ang nalalapit na pagtatapos nito...
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasyNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...