Loria Nicia's POV.
Nagising ako dahil sa tama ng sikat ng araw sa mukha ko. May naririnig din akong huni ng mga ibon na labas kong ipinagtaka.
Wala namang puno malapit sa kwarto ko ah!!
Iminulat ko naman ang mga mata ko at ganun nalang ang gulat ko dahil sa nadatnan ko.
Anong ginagawa ko dito??
Bakit ako nandito sa gubat??
Paano ako nakarating dito??
Agad akong tumayo at inilibot ang paningin ko.
Hindi naman siya nakakatakot bagkus ay maganda ang lugar. Tila nasa ilalim ako ng mga puno ng paraiso.
Maganda ang lugar at may nakikita rin akong mga paru-paru at iba't ibang uri ng hayop.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Tsk..
Nagsimula naman akong maglakad at tinahak ang isang daan na hindi ko alam kung saan papunta..
Bahala na!! Basta't ang gusto ko lang ay makahingi ng tulong.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa harap ng isang gate. Mansyon ang nasa loob nito ngunit mukhang walang nakatira.
Madami ng mga halaman ang gumagapang sa gate at may mga kalawang na din ito...
Agad ko naman itong binuksan at pinagmasdan ang napakagandang mansyon sa harap ko.
Oo, maganda talaga. Kahit na ginagapangan na ito ng mga halaman ay maganda pa rin ito. Mas lalo pa itong gumanda dahil sa mga bulaklak ng mga halaman na animoy naging palamuti ng bahay..
Binuksan ko ang pinto ng bahay at tumambad saakin ang mga gamit na nakabalot sa tela ng puti. Gawa rin sa tiles ang sahig at may malaking chandelier sa itaas at isang malawak na hagdanan papunta sa second floor.
Grabe, napakayaman siguro ng nakatira dito.. Pero asan na kaya sila??
Agad naman akong umakyat sa second floor at binuksan ang mga pintong nadadaanan ko.. Lumalantad naman saakin ang mga magagarang kwarto..
Hanggang sa huling kwarto nalang at binuksan ko ito.
Hindi ko alam pero magaan ang pakiramdam ko ng makapasok ako sa kwartong ito.
Kulay caramel ito na may touch of gold..
Naramdaman ko namang kumulo ang tiyan ko kaya agad akong bumaba at pumunta sa dining area..
Binuksan ko lahat ng mga aparador na nandoon ngunit tanging mga mamahaling mga gamit pangkusina lang ang nandoon.
Napalabi naman ako atsaka bumalik sa sala. May nakita naman akong isang pinto kaya agad ko itong tinungo atsaka binuksan...
Agad na tumambad saakin ang napakaraming bulaklak, puno at isang swimming pool.
Malawak at malaki ang garden.
May nakita naman ako na puno ng apple.. Teka!! Apple???!! May apple pala dito??!!
Pero sabagay, elemental world nga to diba.. Kung saan nag-eexist ang magic..
Agad ko itong tinungo atsaka agad na kumain....
Third Person's POV...
Samantalang sa academy naman ay abalang abala ang lahat dahil sa pagtetraining..
Napansin din ng mga elementalist na wala si Loria na ipinagtaka nila..
Gustuhin man nilang puntahan siya ngunit may kanya-kanya pa silang ginagawa...
Kaya hindi nila alam na nawawala na pala si Loria.....
******************
Chapter Ended!!!!!
Hello everyone!!! Thank you po talaga for supporting and reading this story..
RANK 46 na po tayo sa elements kaya keep it up guys!!!!
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasyNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...
