Chapter 23

5.6K 169 2
                                        


Loria Nicia's POV.

"Loria, kumain ka na"

Nagising ako dahil sa pagyugyog ni Goddess Wefian.

May nakita naman akong pagkain sa harap ng mini table dito sa sala.

"Salamat. Eh ikaw kumain ka na ba??" tanong ko sakanya.

"Ayos lang ako. Babalik na lang ako dito pagkatapos mong kumain" saad niya atsaka naglaho.

Kinain ko naman ang hinanda niya at puro gulay ito. Ayos lang naman saakin iyon kasi kumakain naman ako ng gulay. Atsaka masarap ang lasa nito.

Kain lang ako ng kain hanggang sa maubos ko ito. Uminom naman ako ng tubig atsaka ko hinugasan ang mga pinagkainan ko.

Bumalik naman ako sa sala at hinintay ang pagbabalik ni goddess Wefian.

Ilang minuto rin ang lumipas bago siya bumalik.

"Handa ka na ba Loria?" tanong saakin ni Goddess Wefian.

Tumango naman ako kaya lumabas uli kami ng mansyon at bumalik sa pinagtrainingan naman kanina.

Ano naman kaya ang gagawin ngayon??

"Ngayon, bigyan mo ako ng 50 push ups and 50 set ups" saad ni Goddess Wefia na ikananganga ko.

Jusmiyo!!! Hindi nga ako marunong magpush up eh!!

"O-okay p-po" utal na sagot ko sakanya.

Agad naman akong pumwesto atsaka sinimulan ang pagpush up.

"One... Tw-"

"Ibaba mo pa lalo ang katawan mo Loria" saad ni Goddess Wefian.

Sinunod ko naman ang sinabi niya hanggang sa nakaten na ako pero pagod na ako.

Hindi kasi talaga ako sanay sa mga ganito eh.

Naka50 push up naman ako pero 25 set ups lang dahil hindi ko na talaga kaya.

Nagpahinga naman kami at nasa damuhan kami ngayon nakaupo.

Nacurios naman ako kaya nagtanong ako kay Goddess Wefian.

"Goddess Wefian.. Bakit niyo po ako pinagjogging, push-up at set up?" tanong ko.

"Dahil papalakasin natin ang stamina mo. Alam mo ba na paggumagamit ka ng kapangyarihan kinukuha din nito ang enerhiya mo kaya kung madali kang mapagod hindi mo rin magagamit ng maayos ang kapangyarihan mo" saad ni Goddess Wefian.

"Bakit ang dami kong kapangyarihan??" tanong ko

"Sapagkat naiiba ka. Sapagkat ikaw ang napili namin ang ikalawang elemental princess" saad ni Goddess Wefian na ikinagulat ko.

"Pero bakit ako?? Ang akala ko po ba ay ang lahi ng pamilya Gold lang ang maaaring maging ikalawang elemental prince at princesses?" tanong ko..

Ngumiti naman si Goddess Wefian.

"Ikaw ang dapat umalam non Loria. Alamin mo kung sino ka at doon masasagot lahat ng katanungan mo" saad niya saakin.

Magsasalita pa sana ako pero agad na nagsalita si Goddess Wefian.

"Halika na, simulan na ulit natin ang training" saad niya at tumayo kaya sinundan ko nalang siya.

Lovely's POV.

"Wala pa ring balita kay Lori. Nasaan na kaya yon?" malungkot na saad ko sakanila.

Nandito kami ngayon sa training room at nagpapahinga. Katatapos lang naming magtraining.

"Sana ayos lang siya" saad naman ni Kylene.

"Wag kayong mag-alala. Ipagdasal nalang natin na nasa mabuting kalagayan siya ngayon" saad naman ni Lunia kaya gumaan ang loob namin.

"Pero nakakapagtaka ang biglaang pagkawala ni Lori ano. Atsaka wala pa naman ni isang estudyante ang nakakalabas ng academy ng walang pahintulot" saad ni Allanson.

"Oo nga. Hindi kaya may kumuha sakanya??" tanong ni Ronaldrin.

"Hayy... Sana lang walang mangyari na masama sakanya" saad ko at napabuntong hininga naman kaming lahat.

******************

Chapter End.....

Sana nagutuhan niyo!! Enjoy reading guyz!!

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon