Loria Nicia's POV.
3 weeks na ang nakalipas ng makabalik ako dito sa academy at isang linggo nalang ay red moon na.
Sa mga linggo ring iyon ay nagsanay kami ng nagsanay. At ngayon ay isang linggong pahinga para daw ikondisyon at ihanda ang katawan namin. Para daw sa digmaan ay hindi kami pagod.
Nandito kami ngayon sa dorm ko. Ewan ko ba kung bakit sila nandito. Ang iingay nga nila eh.
"Lori!!" napabalik naman ako sa katawan ko ng marinig kong may sumigaw sa pangalan ko.
"H-ha?" tanong ko.
"Kanina ka pa tulala ah. Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Kylene.
"Ahh.. Pasensya na. Iniisip ko lang kasi ang tungkol sa nalalapit na red moon" sabi ko sakanila.
Napabuntong hiningan naman sila.
"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Lunia.
"Oo naman, sino ba ang hindi kinakabahan" saad ko.
"Oo nga noh!! Basta't ipangako niyo lang na walang mangyayaring masama sa isa saatin ha" saad ni Lovely.
"Oo naman, ikaw talagang pandak ka.. Nag-aalala ka lang saakin eh" saad ni Ronaldrin kaya nakatanggap siya ng batok galing kay Lovely.
"Anong pandak!! Ha!! Atsaka wag kang feeling!! Hindi ako nag-aalala sayo. Sakanila ako nag-alala. Mabuti pa nga ng mawala ka eh para wala ng asungot sa buhay ko" saad ni Lovely sakanya.
"Sus!! Sabihin mo lang na mamimiss na ko"
"Aba----"
"Kasi mamimiss kita" putol ni Ronaldrin sa sasabihin ni Lovely.
Napatukso naman kami sakanila..
"Ayieee!!! Yun oh!! May umamin na!! Sinong kasunod??!!" sigaw ni Kylene.
"Kylene, injection ka ba?" biglang saad ni Allanson.
"Huh!! Bakit??" clueless nasaad ni Kylene.
"Ang manhid mo kasi" banat ni Allan kaya napatawa kami.
"Hahahaha.. Manhid ka daw Kylene.. Hahahaha!!" tawa ni Lunia.
Agad namang tumayo si Kylene at hinabol si Allanson kaya nagtakbuhan sila sa dorm ko.
"Anong sabi mo ha!!" saad ni Kylene atsaka hinampas si Allanson ng unan na nakuha niya sa sofa ko dito sa dorm.
Inawat naman namin sila kaya nagsibalikan uli kami ng upo.
"Sino namang kasunod?" tanong ni Lunia.
"Alam niyo.. Mag-aminan nalang kaya kayo... Ang mamanhid at ang totorpe niyo eh.. Sige kayo baka maunahan kayo ng iba" saad ko sakanila.
Nakita ko namang namula silang apat.
"Marlou bro!! Ang tahimik mo ata!!" biglang saad ni Ronaldrin kay Marlou.
"Pakialam mo ba" masungit na saad nito.
"Alam mo bro.. Kung maahhhhhh!!! Wahhh!!! Joke lang bro!!" sigaw ni Ronaldrin ng biglang may lumitaw na fire ball sa harap niya atsaka siya hinabol.
Napatawa naman kami dahil sakanya.
Nawala naman ang fire ball kaya bumalik na uli ng upo si Ronaldrin.
Bigla naman akong napatingin kay Marlou at nabigla ako ng nakatingin pala siya saakin kaya agad akong napaiwas.
Ano ba naman yan...
Nevermind!!!
*************
Chapter End...
Yeah!!! Malapit ng matapos ang story na ito at malaki ang pasasalamat ko sa inyo na sumubaybay sa storyang ito...
May ginagawa na rin akong new book pero hindi ko pa siya pinapublish. Ipupublish ko lang siya pagkatapos na pagkatapos nito kaya sana abangan niyo.....
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasíaNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...
