Loria Nicia's POV.
Nandito ako ngayon sa training room. Ako lang mag-isa.. May meeting daw kasi kaya walang pasok atsaka gusto ko ring kompirmahin kong totoo nga ba yong sinasabi ng babae.
Kung may kapangyarihan nga ba ako.
Nag-indian sit naman ako atsaka ko ipinikit ang mga mata ko. Pinakiramdam ko ang paligid ko. Ang hangin, mga kunting ingay at kung ano-ano pa.
Ilang sandali lang ay nagtaka ako dahil nakarinig ako ng ibon at mga kahoy na hinahangin. Naramdaman ko rin ang dampi ng hangin sa balat ko.
Iminulat ko ang mga mata ko at tumabad saakin ang hindi familiar na lugar.
Napatayo ako ng wala sa oras at inilibot ang paningin ko.
Nasaan ako??
Hindi naman nakakatakot ang lugar. Mukha nga itong paraiso eh. May iba't ibang uri ng puno atsaka mga bulaklak. Mayroon ding mga ibon at paro paro sa paligid.
Tila nasa gitna ako ng isang garden.
"Matagal na kitang hinihintay"
Napalingon ako sa direksyon ng nagsalita.
Nakita ko naman ang isang babae na napakaganda. Maputi siya at matangkad. Mayroon din siyang mahaba at wavey na kulay dark brown na buhok. Nakasuot siya ng dress na kulay buti na hanggang talampakan.
"Sino ka??" tanong ko sakanya.
Ngumiti naman siya kaya mas lalo siyang gumanda sa paningin ko.
Sigurado akong hindi siya ang nakausap ko sa panaginip ko sapagkat ibang iba ang boses nila.
"Ako si Dime, ang dyosa ng kalikasan" saad niya.
"Anong ginagawa ko dito atsaka paano ko napunta dito??" naguguluhan kong tanong sakanya.
"Nandito ka upang kunin ang aking basbas" saad pa niya.
"Basbas??" tanong ko dito.
"Basbas. Basbas ng iyong kapangyarihan" nakangiting saad niya.
"K-kapangyarihan??" gulat na saad ko sakanya
"Oo, kapangyarihan. Kaya ngayon ko ito ibibigay sayo. Kapangyarihang may kakayahang komontrol sa kalikasan" saad pa niya atsaka itinapat ang kamay saakin.
Bigla nalang may lumabas na kulay green na liwanag sa kamay niya at lumatang ito papasok sa dibdib ko.
Napapikit naman ako atsaka ko naramdaman ang kakaibang enerhiya sa loob ng katawan ko.
"Ngayon ay malaya mo ng magagamit ang iyong kapangyarihan" saad pa niya.
"P-paano ako nagkaroon ng kapangyarihan?" tanong ko
Ngumiti naman si Dime bago sumagot.
"Mula ng isinilang ka ay mayroon ka na nito. Tanging basbas nalang ang kulang para tuluyan itong magising at iyo itong magagamit. Loria, naiiba ka sa lahat" saad niya.
"Papaano?" tanong ko
"Malalaman mo rin yan sa tamang pamahon" saad niya at naramdaman ko nalang na para akong hinihigop.
Napamulat naman ako ng mata ko at napagtantong nasa training room pa rin ako. Hingal na hingal ako at puno ng pawis ang mukha ko. Napatingin naman ako sa buhok ko ng makitang may iba na nagkukulay green.
Paano nangyari to?? Dahil ba to sa kapangyarihan ko??
Ipinagsawalang bahala ko nalang ito at tumayo. Ngunit bigla na lang umikot ang paningin ko.
Napakurap naman ako atsaka nagsimulang maglakad palabas ng training room.
Nakalabas naman ako pero naramdaman ko ulit na umiikot yong paningin ko.
Napakapit naman ako sa pader pero tuluyan na akong natumba.
Hinintay kong mahulog ako sa lupa ngunit naramdaman ko nalang na may sumalo saakin.
Naramdaman ko nalang na binuhat ako ng taong iyon. Tiningnan ko kung sino siya.
"Marlou" sambit ko bago tuluyang nawalan ng malay.
***************
Chapter 9 is done!!
Hala!! May magic pala si Lori. Ano kaya ang susunod na mangyayari??
Abangan!!!
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasiNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...
