Kylene's POV.
Naglakad kaming anim papunta sa HM's office. Pinapunta kasi kami ni HM doon dahil may importante daw siyang sasabihin.
Ano kaya iyon.??
Pagdating namin ay agad akong kumatok atsaka ko binuksan atsaka kami pumasok.
Nadatnan namin si HM na nakatulala at malalim ang iniisip.
"Headmaster Cyrus" pagtawag pansin ko kay HM kaya napalingon siya saamin.
"Nandito na pala kayo. Umupo kayo" alok niya kaya nagsiupuan kami.
"Ano po yong importante na sasabihin niyo??" tanong ni Lovely kay HM.
"Nagsalitang muli ang propesiya" saad ni HM
"Ano po ang nakasaad??" tanong ni Allan.
"The unexpected savior will know
She will discover
And she will learn.
She's going to return to save the whole world.
The dark move in the darkness
They are going to rise in the day they will be stronger.
The war will begin
Between the dark ang the light.
And she rise up to defend us from the dark.
She is our unexpected savior"
Napanganga naman kami. Eh kasi hindi namin masyadong maintindihan eh.
"Anong ibig sbihin po non HM?" tanong ni Ronald.
"Sa tingin ko, may malalaman ang savior natin at mauroon siyang matutunan. At magbabalik siya para iligatas tayo. Nasisiguro ko rin na susugod ang mga dark magic user sa red moon" saad ni HM.
"Pero sino po ba ang savior natin?" tanong ko
"Yan ang hindi ko pa alam at yan ang kailangan nating alamin sa mas lalong madaling panahon" saad ni HM.
"She, ibig sabihin, babae ang hahanapin natin" biglang saad ni Marlou.
"Tama ka dyan Marlou. Babae siya. Babae ang magliligtas sa ating lahat " saad ni HM.
"Baka si Lunia" saad ni Kylene kaya napatingin kami kay Lunia.
"Kasi Gold siya diba tapos marami siyang powers at may mga ability pa siya kaya posibleng siya" paliwanag pa ni Kylene.
"Siguro nga kaya kailangan niyong magsanay ng maigi para matalo natin ang dark magic. Naiintindihan niyo ba??" saad ni HM kaya tumango kami.
Kailangan na talaga naming magsanay ng mabuti. Dahil nalalapit na ang red moon at kailangan naming sugpuin ang mga masasama upang maging mapayapa na ang buong elemental world.
Loria Nicia's POV.
Nandito ako ngayon sa mansyon. Bigla kasing itinigil ang training namin ni Goddess Wefian eh. At hindi ko alam kung bakit.
Umalis kasi siya. Babalik muna daw siya sa Goestle. At hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik.
Ano kayang nangyari??
May nabuo namang liwanag sa harapan ko kaya napaayos ako ng upo.
Tumambad naman saakin si Goddess Wefian.
"Goddess Wefian,ano pong nangyari?" tanong ko sakanya.
"May bagong propesiya na naman Loria" saad niya..
"Propesiya?? Ano po iyon??" tanong ko
"The unexpected savior will know
She will discover
And she will learn.
She's going to return to save the whole world.
The dark move from the darkness
They are going to rise in the day they will be stronger.
The war will begin
Between the dark and the light.
And she rise up to defend us from the dark.
She is our unexpected savior" mahabang saad ni Goddess Wefian.
Napakamot nalang ako sa noo ko. Wala kasi akong maintindihan eh.
"Lulusob ang mga dark magic user pagdating ng red moon. Kaya kailangan na nating bilisan ang iyong pagsasanay" saad ni Goddess Wefian kaya tumango ako.
Ililigtas ko lahat ng mga mahal ko sa buhay, mga kaibigan ko at lahat ng taong naninirahan sa elemental world.
Dahil ito ang mundo ko at handa akong ibuwis akong ibuwis ang buhay ko mailigtas lang ang mundo ko. Ang tahanan ko.
**************
Chapter End.....
Another update for you guyz.....
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasyNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...
