Chapter 11

6.2K 186 1
                                        


Loria Nicia's POV.

"Tama nga si Headmaster. May kapangyarihan ka nga Lori" saad ni Allanson kaya napatingin ako sakanya.

Kasalukuyan kami ngayong nasa garden at hinihintay na magtime. Maaga pa kasi kaya naisipan naming tumambay dito.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko pa sakanya.

"Kasi si Headmaster, nagdududa siya na may kapangyarihan ka kaya hindi ka pinabalik sa mortal world" paliwanag ni Kylene.

"Talaga??" tanong ko pa sakanila.

"Oo nga" saad ni Allanson.

"At dahil may kapangyarihan ka, kailangan mong magtraining" saad ni Ronaldrin.

"Tama, kailangang makontrol mo ng mabuti ang kapangyarihan mo" saad ni Lovely.

"Mabuti nalang at nasa garden tayo at capable ang kapangyarihan mo sa lugar na ito" saad pa ni Kylene.

Napatango naman ang iba.

"First, magpatubo ka ng halaman" saad ni Kylene.

Agad naman akong nagconcentrate atsaka inisip ko na may halaman na tumubo sa harap ko.

Unti unti namang may tumubo na halaman at may bulaklak pa ito.

"Wow rose!" saad ni Kylene atsaka hinawakan ito.

"May favorite color. Violet!!" saad naman ni Lovely habang hinahawakan ito.

Nakita ko namang napangiti sila Allanson at Ronaldrin. Napailing nalang ako sa nakita ko.

"History class na" biglang saad ni Marlou atsaka tumayo kaya sinundan namin siya.

Napaisip naman ako. Mukhang alarm clock namin si Marlou. Kung ang alarm clock nagpapaalala na babangon na, siya naman ang nagpapaalala na may klase na hahaha..

"Students, please proceed to the hall"
"Students, please proceed to the hall"

Bigla nalang na saad ng speaker.

"Ano kayang gagawin sa hall??" takang tanong ni Kylene.

"Ewan ko. Baka may importanteng sasabihin si Headmaster Cyrus saatin" saad naman ni Lovely atsaka kami naglakad papunta sa hall.

Ano kayang sasabihin??

Pagkarating namin doon ay agad kaming naghanap ng vacant chairs atsaka umupo. Madami na ring estudyante ang nandito.

Nakita ko naman na pumunta sa gitna si Headmaster Cyrus.

"Good morning students. Ipinatawag ko kayo ngayon dahil may mahalagang bagay akong ipapaliwanag sainyo" saad ni Headmaster.

Nagkaroon naman ng bulong bulungan.

"Quiet!!! Nitong nakaraang araw ay inatake na mga dark magic users ang barrier na nagproprotekta sa bayan. May nakita ring mga dark magic user na nakapaligid sa buong academy. Kaya't sa tingin ko ay nagbibigay na ng babala ang mga dark magic user. Kaya't simula bukas ay pagtuunan ninyo ang inyong pagsasanay. Hindi natin alam kung kailan lulusob ang mga ito pero mas mabuti kung handa na tayo" saad ni Headmaster.

"Yon lang at magpahinga na kayo para bukas ay masimulan niyo na ang pagsasanay" pagpapatuloy ni Headmaster at umalis.

Nagsitayuan na rin kaming mga estudyante atsaka nagtungo sa kanya kanya naming dorm.

Napabuntong hininga naman ako. Bakit ba parating nanggugulo iyang mga dark magic user?? Hayy.. Hindi ba sila kontento sa kapangyarihang meron sila.

Habang nag-iisip ay unti unti namang bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa nilamon na ako ng kadiliman.

"Loria" napalingon naman ako ng may tumawag saakin.

Ayan na naman yong boses ng babae. Sino ba siya??

"Sino ka ba talaga?" tanong ko pa.

"Loria, Katauhan ay tuklasin,
Mga lihim ay alamin,
Pinagmulan isipin,
Katotohanan palabasin" saad nito.

"Ano ba ang sinasabi mo?" tanong ko.

"Loria, alamin mo kung sino ka" saad nito.

Sasagot pa sana ako ng makaramdam ako ng hilo kaya napapikit ako.

Agad naman akong napabalikwas dahil sa panaginip ko.
Hayyy... Panibagong tutuklasin na naman.


************

Chapter 11 is done!! Sana magustuhan niyo...
Keep reading lang po...

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon