Loria Nicia's POV."Lori, handa ka na ba?" tanong ni Lovely
Ang sabi nila, Lori nalang daw ang itatawag nila saakin. Atsaka sabi din nila na mag-aaral daw ako para may matutunan daw ako kahit kaunti.
"Siguro" saad ko atsaka lumabas ng kwarto ko.
Nakita ko naman silang lima na naghihintay sa sala.
"Let's go" saad ni Marlou atsaka tumayo at lumabas ng dorm.
Agad naman namin siyang sinundan.
"Kylene, mukhang hindi dapat ako pumasok. May kapangyarihan kayo tapos ako wala. Hindi ba sila magtataka?" saad ko.
"Wag kang mag-alala Lori. Magkaklase din naman tayo eh atsaka poprotektahan ka namin" saad ni Kylene.
"Oo nga naman. Nandito lang kami" saad din ni Lovely kaya bahagyang nabawasan ang kaba ko.
Pumasok kami sa isang classroom. Napatingin naman ang mga estudyante sa pwesto namin o saakin.
Wala nga pala kaming uniform. Basta't desenteng tingnan ayos lang.
Naglakad naman silang lima sa may bandang likuran at naramdaman ko nalang na hinila ako ni Kylene.
Sobrang tahimik ng classroom. At may nakikita din akong sumusulyap sa gawi ko.
Ilang sandali lang ay may pumasok na lalaki.
"Good morning everyone!! May new classmate daw kayo. Please introduce yourself" saad ng lalaki.
Unti-unti naman akong tumayo atsaka pumunta sa unahan.
"Hi, ako nga pala si Loria Nicia Gold. 18 years old" saad ko at nagbow sakanila.
"Ako nga pala si Teacher Jin. Your history teacher. Anyway, any questions??" saad ni Sir.
May nagtaas naman ng kamay.
"Yes, Alfred?" tanong ni sir.
"Anong magic ang meron ka?" tanong ni Alfred.
"Ahhhhh...."
"Find it out" biglang saad ni Marlou kaya nagtinginan kami sakanya pero nanatiling malamig ang titig nito.
"O--kay. You may sit down Ms. Loria" saad ni Teacher Jin kaya agad akong bumalik sa kinauupuan ko na katabi ni Kylene.
Naging tahimik na ang klase sa oras ka iyon kaya nagsimulang maglecture si Teacher Jin.
"Ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa dalawang makapangyarihan na pamilya sa buong elemental world" saad ni Teacher Jin.
Mukhang interesado ang mga kaklase ko dahil sa kaseryosohan nila.
"Sa Elemental World, may dalawang makapangyarihang pamilya ang nandirito. Ito ay ang pamilya Flaire at ang pamilya Gold" saad ni Teacher na ikinagulat ko.
Gold?? Maari kayang dito nakatira ang mga magulang ko??
Napansin ko naman na biglang napatingin saakin ang mga kaklase ko kaya iniwasan ko nalang ang tingin nila.
"Tinaguriang makapangyarihan ang Gold sapagkat ang ninuno-nunoan nila ang kauna-unahang nakakuha ng lahat ng elemental magic. Si Mariano Gold ang kauna-unahang elemental Prince. At napasa ito hanggang sa mga anak at apo niya pero hindi ang pagiging elemental prince. Ang tanging napasa lang niya ay ang pagkakaroon ng tatlo pababa na kapangyarihan kaya tinagurian silang makapangyarihan" saad ni Teacher Jin.
Napakamakapangyarihan naman ng pamilya gold?? Konektado ba ako sakanila?? Pero paano nangyari iyon?? Siguro hindi naman. Baka nagkataong magka-apelyido lang kami.
"Ang Pamilya Flaire naman ay naging makapangyarihan dahil ang angkan nila ang nagtataglay ng malalakas na ability. Hanggang sa umabot ito sa kasalukuyang henerasyon" pagpapatuloy pa ni Teacher Jin.
To be continue........
****************
Chapter 5!!!! Ayan!! Sana magustuhan niyo.Keep reading lang po. Thank you!!!
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasíaNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...