Chapter 27

5.5K 180 1
                                        


Third Person's POV.

Nagkagulo ang buong Elemental World dahil sa pagsugod ng mga dark magic user.

Isang taon mula ng isinilang ang anak nina Niria at Luciano Gold ang pangyayaring naganap.

"Niria, umalis na kayo dito!! Magtago kayo!!"saad ni Luciano kay Niria.

"Pero paano ka?!! Hindi kita iiwan" saad ni Niria.

"Niria, makinag ka. Kailangan mong iligtas ang anak natin. Kaya please, umalis na kayo dito" saad ni Luciano.

Maluha luha namang tumingin si Niria kay Luciano.

"Pero--"

"Wala ng pero pero Niria. Pangako, magiging ayos lang ako. Magiging maayos din ang lahat. Kaya please, magtago na kayo" saad ni Luciano kay Niria.

Tumango tango naman si Niria.

"Basta ba't mag-ingat ka ha. Ipangako mong magsama sama tayong muli" saad ni Niria

Tumango naman si Luciano atsak hinalikan sa noo ang asawa maging ang anak nito.

Agad naman umalis palabas ng mansyon nila si Niria at dumaan siya sa likod.

Habang naglalakad ay nakita niya ang isang batang sanggol na umiiyak.

"Jusko!! Lunia!!" saad niya ng makita ang bata.

"Lunia, nasaan ba ang mama mo!! Bakit nandito ka lang" saad ni Niria na wari kinakausap ang sanggol.

Kinarga rin niya ito at inalo.

Tumigil naman sa pag-iyak ang sanggol at nagpatuloy sa pag-alis si Niria kasama ang dalawa.

Hindi man sigurado sa pupuntahan ay tinahak ni Niria ang daan papasok sa kagubatan.

Malayo na rin sila sa gulo dahil hindi na niya naririnig ang mga sigawan at kalansing ng mga sandata.

Napahinto naman si Niria dahil sa naramdamang pagod. Nakita niyang tulog na tulog ang dalawang sanggol.

Saan ba kami pwedeng pumunta??

Tanong ni Niria sa isip niya.

Malayo man sila ay ramdam pa rin ni Niria ang panganib sa kagubatan.
Nagsimula uli siyang maglakad habang nag-iisip ng paraan kung paano ililigtas ang anak at ang kanyang pamangkin.

Naisip niyang pumunta sa mundo ng mga mortal kaya walang pagdadalawang isip na nagbukas siya ng portal atsaka pumasom doon kasama ang dalawang bata.

Bumungad naman sakanya ang kakahoyan  kaya naglakad siya hanggang sa makakita siya ng kabahayan.

Kaunti lang ang bahay na naroroon.
May nakita siyang dalawang magkatabing bahay kung kaya't nagmagic siya ng dalawang basket at pati na rin ng papel na may nakasulat na pangalan ng dalawa.

Una niyang iniwan ang kanyang pamangkin.

"Lunia, pasensya na ha. Iiwan ka na muna ni Tita dito. Wag kang mag-alala, magkakasama pa rin naman kayo ni Nicia eh. Magkatapat lang ang bahay niyo. Mag-ingat ka palagi Lunia ah. Mahal na mahal ka ni Tita" saad ni Niria atsaka inilapag ang basket ni Lunia sa may harapan ng bahay.

Sunod naman niyang inilapag ang basket ni Nicia.

"Anak, sorry ha. Kasi iiwan ka ni Mommy dito pero wag kang mag-alala. Babalikan kita dito. Babalikan ko lang ang daddy mo at tatapusin namin ang war. Sisiguraduhin ko na magkakasama uli tayo. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo anak. Ingatan mo ang sarili mo ah. I love you Baby Nicia" saad ni Niria at hinalikan ang noo ng batang si Nicia.




*************

Chapter end.....

This chapter is dedicated to GianPiamonte.
Thank you for voting....

Ayan, past po iyan. Sana magustuhan niya.. Mukhang malapit na talagang matapos ang storyang ito..

Hayyy... Mamimiss ko to... Wahhh!!!

Keep reading lang po. Thank you and enjoy.

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon