Loria Nicia's POV.
Isang linggo mula ng magtraining kami ni Goddess Wefian.
Sa isang linggo na iyon ay puro pagpapalakas lang ng stamina ang ginawa namin.
Akalain niyo namang nalibot ko ang buong field ng 1000 times. Tapos kaya ko ng magpush up at magset ups ng 2000 times.
Unbelievable di ba??
"Good job Loria.. Hindi ka na madaling manghina" saad ni Goddess Wefian at pumalakpak pa.
Napangiti naman ako.
"Hindi ko naman po magagawa iyon kung hindi dahil sa tulong niyo Goddess Wefian eh" saad ko kay Goddess Wefian.
"At dahil dyan. Maglelevel up na tayo. Tuturuan kita ngayon ng mga self defense. Dahil hindi lahat ng oras magagamit mo ang iyong kapangyarihan. Matuto ka ring lumaban ng pisikalan" saad ni Goddess Wefian.
"Handa ka na ba sa training natin ngayon Loria?" tanong ni Goddess Wefian
"Handa na po"
Third Person's POV.
Abala si Loria sa pagtetraining ganun din ang mga estudyante ng Elemental Academy.
Lahat ay nagsasanay at nagtutulungan.
Naghahanda ang lahat sa darating na digmaan.
Sapagkat malapit na oras kung saan magaganap ang digmaan.
Someone's POV.
Ano na ang nangyari saiyo??
May nalalaman ka na ba??
May natutunan ka na ba??
Ayos ka lang ba??
Hindi ka ba nahihirapan??
Hindi ka ba pinapahirapan??
Wag kang mag-alala...
Sigurado akong kayang kaya mo yan.
Sigurado akong malalampasan mo ang lahat ng mga pagsubok nila.
Alam ko iyon.
Dahil may tiwala ako sayo.....
COUZ........
Headmaster Cyrus' POV.
Nandito ako ngayon sa aking opisina. Magpipirma ako ng mga papales at nag-iisip rin ng plano para sa darating na digmaan.
Pirma lang ako ng pirma hanggang sa nakaramdam ako ng enerhiya galing sa sekretong silid dito sa opisina ko.
Agad naman akong pumasok doon at nadatnan ko ang ibong may kulay bahaghari na balahibo at matang ginto.
Umilaw ang mga mata ng ibon at bigla itong nagsalita. Ang kanyang boses ay malambing at maganda.
"The unexpected savior will know
She will discover
And she will learn.
She will return and save the whole world.
The dark move from the darkness
They are going to rise in the day they will become stronger.
The war will begin
Between the dark and the light
And she rises up to defend us from the dark.
She is our unexpected savior"
Saad ng ibon at nawala ang liwanag sa mga mata niya.
"Anong ibig sabihin non??" tanong ko
"Hindi ko din alam Cyrus. Basta't siya ay darating upang iligtas tayong lahat" saad ni Adriana.
Si Adriana ay alaga ng mga gods and goddesses. May kakayahan siyang makita ang nakaraan at may kakayahan siyang alamin ang propesiya.
O tamang sabihin na siya ang propesiya..
The dark moves from the darkness
They are going to rise when the day they will be stronger
The day they will become stronger...
Sa tingin ko, lulusob ang dark magic user sa araw kung saan sila malakas at ang araw na iyon ay ang red moon.
Kung saan ang buwan ay pula. Ang pulang buwan na mas nagpapalakas sa mga dark magic user...
Kailangang malaman nilang lahat ito...
*****************
Chapter End......
Sana magustuhan niyo at pagpasensiyahan niyo na yong propechy ko.
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasyNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...
