Chapter 34

5.3K 160 6
                                        


Third Person's POV.

Nagtagal ang labanan. Hanggang sa gabi ay patuloy pa rin ang labanan.
At kahit pagsikat ng araw ay nagpatuloy pa rin ito.

Pagod na pagod na ang lahat at sugatan na ang nakakarami ngunit hindi pa rin nagtatapos ang laban.

Tinagal ng hanggang hapon bago maubos ng tuluyan ang mga kalaban ngunit hindi pa rin nila nakakaharap ang dark king.

Loria Nicia's POV.

Mamayang gabi na ang red moon. Lahat kami ay pagod na pagod dahil umabot ng halos 18 hours ang labanan.

Marami na ding sugatan na mga estudyante. Natapos na rin ang labanan sa elemental city kung kaya't lahat ng mga mamamayan doon ay pumunta dito sa academy para sa pagdating mamaya ng red moon.

Marami ding mamamayan na sugatan at may iba rin daw na namatay. Nakakalungkot isipin na humantong sila sa sitwasyong iyon ngunit maaasahan mo talaga na may mamamatay sa isang digmaan.

Napabuntong hininga naman ako.

"Lalim nun ah" agad naman akong napalingon sa taong nagsalita.

"Pakialam mo" pagtataray ko sakanya.

"Tsk" rinig kong saad ni Marlou.

Oo si Marlou, nakakagulat nga ang biglaan niyang pag-imik eh.

"Mag-iingat ka mamaya ah" biglang saad niya at ginulo ang buhok ko atsaka umalis.

A-ano y-yon???

Hindi ko maintindihan pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi naman to ganito ah...

Oh my!! Wahhh!!! Anong nangyayari sayo heart!!!!

Okay tama na...

Pero nagulat at natulala talaga ako kanina sa ginawa ni Marlou ah. Nakakapanibago siya.

Naramdaman ko namang may humawak sa braso ko kaya nilingon ko ito at nakita ko si Lunia.

"Cous..." pagtawag niya.

"Oy cous" saad ko.

"Sigurado ka na---"

"Sigurado na ako doon Lunia" putol ko sa sasabihin niya

"Pero---"

"Lunia, iyon nalang ang tanging paraan" saad ko.

Malungkot na tumungo naman siya.

"Lunia, wag kang mag-alala. Gagawin ko ito para sa lahat. Para sa kaligtasan ng lahat. Sana maintindihan mo" mahinahon kong sabi sakanya.

Nakita ko naman siyang tumango.

Bigla niya akong niyakap kaya ginantihan ko din siya ng yakap.

"Cous, mahal kita. Maikling panahon man lang ang pagsasama natin pero minahal na kita na para kong kapatid. Cous, gusto ko ring magpasalamat sayo dahil pinaramdam mo saakin na hindi ako nag-iisa. Na may kapamilya pa ako" saad ni Lunia.

Naramdaman ko namang nabasa ang balikat ko kung kaya't sa tingin ko ay umiiyak siya.

"Lunia, gusto ko ring magpasalamat saiyo kasi buong buhay ko, akala ko wala akong pamilya pero mayroon pa pala. Salamat din dahil kung hindi dahil sayo, hindi ko malalaman ang totoo kong pagkatao. At patawad dahil maiiwan ka na namang mag-isa" saad ko sakanya.

Naramdaman ko na humigpit ang yakap niya saakin.

"Salamat sa inyong lahat. Pinaramdam niyo saakin na hindi ako nag-iisa. Na may mga kaibigan ako na handa akong damayan. At tinanggap niyo ako ng buong puso"

Piping saad ko habang tinitingnan ang mga estudyante,teachers at ang mga kaibigan ko.

***********

Chapter End.....

Sinong ARMY'S diyan??!!!!!!???

Alam niyo ba kung anong mayroon ngayong araw????

Kung ARMY'S kayo, siguradong alam niyo kung anong meron ngayon....





Because Today is........

Our GOLDEN MAKNAE DAY!!!!!!

Yehey!!!

Debut na ng GOLDEN MAKNAE natin.

21 years old na ang ating JEON JUNGKOOK!!!

wehhhhh.... Party party!!!

#HAPPY JUNGKOOK DAY!!!
#21/YEARS
#DEBUT
#GOLDEN/MAKNAE
#SEPTEMBER 1,2018

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon