Kylene's POV
"Weird" biglang saad ko na ikinatingin nila.
"Anong weird?" tanong ni Lovely.
"Kasi, 3 days na mula ng makita ko si Lori.. Atsaka hindi ko siya makita sa trainings" saad ko sakanila..
"Oo nga ano. Hindi ko na rin siya nakikita eh" saad ni Lovely.
"Puntahan kaya natin sa dorm niya" suhestiyon ni Allanson na ikinatango namin..
Nagsimula naman kaming naglakad papunta sa dorm ni Lori... Ilang sandali lang ay narating na namin ito atsaka kumatok si Lovely.
Nakailang katok na si Lovely pero wala pa ring bumubukas.
"Baka walang tao" saad ni Ronaldrin.
"Eh kung wala, bakit di natin siya nakita sa labas?" inis na saad ni Lovely.
Habang nagtatalo sila ay agad na lumapit si Marlou sa pinto atsaka ito binuksan..
Agad naman siyang pumasok at sinundan naman siya ng mga kasama niya..
Nilibot nila ang buong dorm ni Lori ngunit walang bakas ni Lori doon.
Agad naman silang nagkatinginan at agad na umalis at nagtungo sa HM's office para ireport ang pagkawala ni Lori..
Loria's POV.
It's been 3 days mula ng mapunta ako sa lugar na ito. Hindi pa rin naman ako umaalis kasi feel kong mag-stay dito..
Kumusta na kaya sila??
Alam na ba nila na wala ako sa academy??
Maganda naman dito kaso walang tao. Naglibot libot rin ako at malaki talaga ang buong bahay..
May nakikita rin akong mga picture ng isang babae at isang lalaki. Ang gwapo at ang gaganda nila. Tapos may wedding picture rin sila. At ang mas nakakagulat ay sila pala sina Luciano Gold at Nicia Flair..
Ang ganda talaga ni Maam Nicia.. Tapos pansin ko na may pagkakapareho ang mukha namin o baka hallucination ko lang iyon.
Yon palang yong picture na nakita ko eh. Hindi pa ako tapos sa iba.
Grabe, hindi ko lubos akalain na makakapunta ako sa bahay ng mga magulang ni Lunia..
And speaking of her, siya rin siguro ang dahilan kung bakit ako narito.
"Sleep well dear cousin. Paggising mo wala ka na dito. I hope you survive your journey"
Naalala ko pa yong huling sinabi niya.. At sigurado akong siya yon dahil siya lang naman ang nasa dorm ko at sita lang rin ang tumatawag saakin cousin.
Hindi ko talaga alam kung anong kailangan ni Lunia. Is she a traitor or not?? Anak nga ba talaga siya nina Niria at Luciano Gold o nagpapanggap lang siya??
Pero hindi naman ako nakaramdam ng masama sa kanya. Tingin ko naman na mabait siya pero bakit niya to ginawa??
Hayyyy... Kailangan ko talaga ng mga kasagutan.. I can't handle this anymore. Feeling ko sasabog ang utak ko sa dami ng mga tanong ko..
Hayyy.. Dito na muna siguro ako hanggang sa malaman ko ang daan papuwing academy. Wala naman sigurong mga dark magic users na nakakarating dito eh atsaka feeling ko safe ako pagnandito ako..
Someone's POV.
Kumusta na kaya siya?? May nalaman na ba siya?? May nagpakita na ba sakanya??
Sana matapos niya ito sa mas madaling panahon.
Sana kayanin niya ang mga pagsubok nila.
Naniniwala ako sayo Loria...
**************
Chapter 18 done!!
Feel ko ang lame ng story na to.. Pasensya na po.. Wala kasi akong ibang maisip eh kaya sana pagtyagaan niyo po kahit na lame o pangit...
Thank you...
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasyNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...
