Chapter 8

6.1K 195 1
                                    


Lovely's POV.

"Ano pong ibig sabihin non Headmaster?" takang tanong ko.

"Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang ibig sabihin non pero sa tingin ko na may isang taong darating para iligtas tayo laban sa dark magic users" paliwanag ni HM at napatango naman kami.

"Yon lang po ba??" tanong ni Allanson

"Mayroon pa, gusto kong gabayan niyo si Loria at palabasin ninyo ang kakayahan niya" saad pa ni HM.

"Naniniwala po talaga kayong may kapangyarihan siya Headmaster Cyrus??" tanong ni Ronaldrin.

"Oo, naniniwala ako kaya sana matuklasan niyo na ito sa madaling panahon" saad ni HM kaya tumango kami.

Agad naman naming tinapos ang usapan namin atsaka kami umalis.

Loria Nicia's POV.

Gabi na at nakahiga ako ngayon sa kama ko. Medyo nakakapagod ang araw na ito dahil sa nangbully saakin tapos yong combat class sa afternoon class. Akalain mo bang patatakbuhin kami ng 10 laps sa napakalaking field, yong soccer field ang laki tapos pinagpush-up kami ng 100 at warm up pa lang yon kaya nakakapagod talaga.

Hayyyy..... Makatulog na nga lang....

Zzzzzzzzzzzz........

"Loria"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Loria" tawag pa nito ulit.

Nagpalinga linga ako pero tanging puti lang ang nakikita ko. Na para bang ikinulong ako sa isang silid na kulay puti.

"Loria" tawag pa ng boses.

Sigurado akong babae siya.

"Sino ka?!!" pasigaw na tanong ko.

"Loria" saad pa rin ng boses.

"Sino ka ba??!! Nasaan ka ba??!!"tanong ko uli.

"Someone who lost will return,
Knowing nothing even a single word.
The secrets will be reveled,
Everything will come out.
Knowing, that she is your unexpected savior" saad niya.

Anong ibig niyang sabihin??

"Ano ang sinasabi mo??! Sino ka ba??!! Asan ka ba??!!" tanong ko ulit.

"Loria, may mga bagay na nakatago. Mga sikretong kailangan mong tuklasin. Pagkataong dapat mong buohin. Hindi ka ordinaryo Loria" saad pa ng boses.

Paano ako hindi naging ordinaryo??
At anong ibig niyang sabihin na sikreto??

"Ano ba talaga ang gusto mong iparating??" tanong ko.

"Unti unti ng nagigising ang iyong kakayahan. Mga sikretong malapit mo na ring malaman.
Makikilala mo rin ako Loria, sa tamang panahon" saad ng boses.

Pagkatapos kung marinig iyon ay unti unting nagiging itim ang lahat ng nakikita ko.

Kring!!! Kring!!!!

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tunog ng alarm clock. Napahawak naman ako sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Naramdaman ko rin ang nag-uunahang pawis sa likod at sa noo ko.

Ano yon??? Sino yong babae sa panaginip ko???
At ano yong mga sinasabi niya saakin??

Napailing nalang ako sa iniisip ko at napagpasyahang bumangon at maghanda na para sa pagpasok.

'Unti unti ng nagigising ang iyong kakayahan'

Bigla ko nalang naalala ang sinabi ng babae saakin. Kakayahan? Ibig sabihin ba non ay kapangyarihan??
Pero paano ako nagkaroon ng kapangyarihan?? Posible ba kayang mga magic user ang mga magulang ko??

Atsaka yong sinasabi niyang mga sikreto, ang ibig sabihin ba niya ay ang sikreto ng aking pagkatao?? May alam ba siya tungkol saakin?? Kilala niya ba kung sino ako?? Kung sino ang mga magulang ko???

Naguguluhan na talaga ako....




**************
Here is the Chapter 8!! Enjoy reading everyone!!

Don't forget to comment your reaction...

And anyways....

Thank you sa lahat ng nagbabasa. I really appreciate it..

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon