Chapter 13

5.8K 179 0
                                    


Loria Nicia's POV.

"Ahhhhh!!!"

Napalingon naman ako sa gawi kung saan nagmula ang sigaw ng isang babae.

Halata sa boses niya ang paghihirap at sakit.

Nakita ko naman ang isang babae na nakahiga sa kama at mukhang nanganganak ata. May nakita naman akong lalaki na nakahawak sa kamay niya.

"Ahhhhhh!!" sigaw ng babae

"Nakikita ko na po ang bata.. Isa pa po" saad ng babaeng nagpapaanak dito.

Agad naman umire uli ang babae hanggang sa makarinig ako ng iyak ng isang sanggol.

"Uwahhh!! Uwahhh!"

"Babae. Tagapagmanang babae ang inyong anak pinuno" saad ng babae at ibinalot ng puting tela ang bata atsaka ibinigay sa lalaki.

Tinanggap naman ito ng lalaki atsaka nakangiting pinagmasdan ang bata. Ilang sandali lang ay nasilayan ko ang kanyang mga luha na nag-uunahang pumapatak sa pisngi niya.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galak sa puso ko ng makita ko siya. SinO nga pala siya? Sino nga pala sila?

"Ang anak ko" saad ng lalaki habang pinagmamasdan ang sanggol.

"L-luc"

Napatingin naman ako doon sa babae na tumawag sa lalaki na sa tingin ko ay nagngangalang Luc.

Agad namang napalingon ang lalaki atsaka nakangiting nilapitan ang babae.

"Ria, ang prinsesa natin" buong pusong pagmamahal na saad ni Luc atsaka itinabi ang sanggol kay Ria

"Luc, ang ganda niya" saad ng babae habang nakatingin sa bata.

Pinagmamasdan ko lang sila ng biglang magbago ang paligid ko.

Anong nangyayari??

Ilang sandali lang ay natanaw ko si Ria na karga karga ang sanggol habang nasa terrace.

"Hmmm... Hmmmm... Hmmm" narinig kong hili ni Ria.

"Ang gandang pagmasdan hindi ba?"

Nagulat ako ng marinig ko ang boses ng babae na parating nasa panaginip ko.

"Nasaan ka??" tanong ko.

Bigla nalang naging itim lahat ng paligid ko.

"Masarap maranasan ang pagmamahal ng isang ina hindi ba??  Sa tingin mo Loria??" saad ng boses.

"Nasaan ka ba?? Anong sinasabi mo??" tanong ko ulit.

"Isa lamang iyong clue para saiyo Loria. Hanapin mo ang sarili mo Loria" saad nito saakin.

Nakaramdam naman ako ng panhihilo....

Agad kong iminulat ang mga mata ko at naghabol ng hininga..

Ano iyon?? Sino sila?? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit namimiss ko sila???

Tok!! Tok!! Tok!!

Agad naman akong napalingon ng may marinig akong kumatok sa pinto. Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago ko binuksan ang pinto.

"Bakit??" tanong ko kay Marlou..

Oo, si Marlou...

Tiningnan niya lang ako atsaka ako hinila.

"Hoy!! T-teka, saan tayo pupunta??" tanong ko pero nanatili lang siyang tahimik.

Mas mabuti sigurong manahimik na rin ako.

Lakad lang kami ng lakad hanggang sa huminto kami sa Garden??

Anong ginagawa namin dito??

"Oy Marlou!! Anong gagawin natin dito?? Magtetraining pa tayo alam mo ba yon!!" bulyaw ko sakanya pero nanatiling nakatingin pa rin siya saakin.

"Oyy!! Magsalita ka nga!!" saad ko pero alam niyo ba kung anong isinagot niya??

Isang napakalaking...

"Tsk"saad nito at umirap.

Bakla ba to??

"Aba't!! Naku, ikaw talagang lalaki ka naku!!" inis na saad ko pero naglakad lang siya pupunta sa ilalim ng puno at doon umupo.

Sisigawan ko na sana siya ng biglang tumunog ang speaker..

"Students, please proceed to Hall.
Please proceed to Hall"

Saad ng boses ni HM.

Ano na naman kaya ang gagawin doon??....

Bigla namang tumayo si Marlou atsaka hinila ang kamay ko.

Hay naku....

************

Chapter 13 is done!! Sana magustuhan niyo...

At thank you rin sa mga sumusuporta. Nang dahil sa inyo... Rank 49 tayo sa element.. Ewan ko lang kung anong nangyari pero thank you talaga ....

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon