Loria Nicia's POV.
Nandito ako ngayon sa isang napakaganda na lugar. Hindi ko alam kung saang parte ng elemental world ito.
May naglalakihang mga puno dito at may iba't ibang uri ng bulaklak.
Nilakad ko ang lugar hanggang sa makarating ako sa harap ng isang malaking gate..
"Anong lugar to?" naibulalas ko.
Kusa namang bumukas ang gate kaya pumasok nalang ako at nadatnan ko ang isang napakalaking kastilyo.
Kulay ginto at white ito.. Nilakad ko ang pasilyo at may nakita akong fountain.
Gawa ito sa ice at may tubig na lumalabas dito na kulay pula.
Ang ganda!!
Sinimulan ko uling maglakad hanggang sa makarating ako sa isang pinto na papasok sa palasyo.
Kusa rin itong bumukas kaya pumasok ako. Agad kong nadatnan ang pitng upuan na iba't ibang kulay.
Tatlo sa magkabilang gilid at isa sa gitna. Mas malaki ang upuan sa gitna kaysa sa anim.
May upuan na kulay pula na crystal at may apoy pa na nagliliyab doon. May kulay blue na upuang crystal at may tubig na nakapalibot dito. May kulay gray na upuang crystal na nagiging invisible. Kulay green na upuang crystal at napapalibutan ito ng mga vines at may mga bulaklak rin na iba't iba ang kulay. Kulay yellow gold na upuang crystal na napapalibutan ng mga buhangin. May kulay ice blue na upuang crystal na naglalabas ng snow flakes. At ang nasa gitna na kulay white na crystal na may puting liwanag na nagraradiate mula doon.
Grabe, ang gaganda....
Ilang sandali lang ay may lumitaw na liwanag sa mga upuan at kung anong kulay ng upuan ay siya ring kulay ng liwanag nila. Unti unti itong nag-anyong tao hanggang sa tumambad saakin ang pitong diyos at diyosa ng mga elemento.
Kilala ko ang dalawa sakanila, si Goddess Dime at si Goddess Wefian.
Agad naman akong yumuko upang magbigay galang atsaka muling tumayo.
Si Goddess Dime ay nasa kulay green na upuan samantalang nasa gitnang upuan si Goddess Wefian.
"Maligayang pagdating sa Goestle Loria" nakangiting saad ni Goddess Wefian.
Hindi talaga mawawala ang mga ngiti niya.
"Bakit po ako narito??" tanong ko.
"Sapagkat ibibigay namin sa iyo ang basbas upang magamit mo na ng tuluyan ang iyong mga kapangyarihan" saad ni ng isang dyosa na nakaupo sa kulay gray na upuan. Sa tingin ko ay ang Goddess of Air.
"Basbas?? Ngunit ibinigay na po ni Goddess Dime ang kanyang basbas saakin" naguguluhang saad ko.
"Oo, ibinigay na nga ni Dime ang basbas niya sayo. Pero tanging siya palang ang nagbigay ng basbas sayo. Kailangan mo rin ang basbas namin para magamit mo ng tuluyan ang lahat ng kapangyarihan mo" saad ng lalaking nakaupo sa kulay yellow gold na upuan. Sa tingin ko ay siya ang God of Earth.
"Pero bakit ang dami naman ata ng kapangyarihan ko??" tanong ko
"Sapagkat naiiba ka Loria. Sinabi ko na sayo na noon na hindi ka ordinaryo dahil nga naiiba ka. Nag-iisa ka lang" saad ni Goddess Wefian
Paano ako naiiba?? Ano nga ba ako?? Sino ba talaga ako?
***************
Chapter End......
Hala, ano kaya ang ibig sabihin ni Goddess Wefian??
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasíaNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...
