Third Person's POV.
Samantalang sa gawi naman ni Marlou ay walang kahirap hirap niyang sinasaksak at sinusunog ang mga kalabang lumalapit sakanya.
May isang kumbol ng kalaban ang lumapit sakanya atsaka siya pinalibutan ngunit walang kahirap hirap siyang nagpakawala ng apoy palibot sakanya na dumiretso sa mga kalaban kaya agad silang naging abo.
Ngunit may bago na namang kalaban ang lumapit sakanya kaya wala siyang nagawa kundi ang labanan silang lahat.
Si Lunia naman ay ginagamit ang kanyang mga kapangyarihan.
Pinagyeyelo niya ang iba, kinukuhanan ng hangin ang iba pa at nilulunod ang iba pang mga kalaban.
Kaya maraming kalaban ang lumalapit sakanya pero nawawalan nalang ng buhay dahil sa ginagawa niya.
May dala rin siyang ice sword kaya ma napapabilis niyang napapatay ang mga kalaban.
Ngunit kahit na ganoon ay may agad namang sumusulpot na kalaban kaya walang tigil siya sa paglaban sakanila.
At si Loria naman ay abala rin sa pakikipaglaban minsan ay ginagamit ang kanyang kapangyarihang hangin at kinukuhanan ng hangin ang kalaban.
Gamit ang kanyang espada ay pinagsasaksak niya ang mga dark magic users na lumalapit sakanya.
Nagtawag rin siya ng mga mababangis na hayop gaya ng leon, tigre, mga baboy ramo at marami pang iba.
Isa sa kapangyarihan niya ay kontrolin ang mga hayop kaya iyon ang ginawa niya upang tumulong sa paglalaban.
Lingid sa kaalaman ng lahat ay unti unti ng nagiging buong pula ang buwan.
Pagod na ang lahat dahol sa marami ng enerhiya ang kanilang nagagamig ngunit walang sumusuko. Patuloy pa rin silang lumalaban.
May ilan rin na napaslang na ng mga kalaban.
Agad na napatigil ang lahat ng makaramdam sila ng isang napakalakas na enerhiya.
Lahat ay napatingila sa buwan at buong pula na ito.
Umilaw ng malakas ang buwan kung kaya't lahat ay napapikit at napatakip ng kanilang mata.
Nang mawala ang ilaw ay nawala ang mga kalaban na ipinagtaka nila ngunit agad ring napawi ng makita nila lahat ng kanilang kalaban na nasa kabilang panig at magkasama kasama ang isang taong nakaitim na kapa at may blankong ekspresyon sa mukha.
"Blaise" saad ni Headmaster Cyrus habang nakatingin sa lalaki.
"Cyrus" malamig na saad naman ng lalaki.
"Matagal na nang huli tayong magkita" saad uli naman nung Blaise.
"Hind ka pa rin ba titigil Blaise??!! Ano pa ba ang gusto mo??!! Bakit ka ba nanggugulo??!!" saad naman ni Headmaster Cyrus.
"Anong gusto ko?? Gusto kong maghari sa mundong ito at hindi ako titigil hangga't hindi iyon natutupad"saad niya.
Sa isang iglap lang ay agad na sumugod ang nga dark magic users sakanila habang hinarap naman ni Lunia, HM Cyrus at ng mga elementalist si Blaise.
Si Loria naman ay tinulungan ang ibang mga estudyante at lumaban habang isinasagawa na ang kanyang mga plano.
*********
Chapter End......
Ayan, malapit na talagang matapos kaya sana suportahan niyo..
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasyNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...
