Chapter 2

9.2K 271 0
                                        


Loria Nicia's POV.

Nagising nalang ako dahil sa ingay ng nag-iiyakan sa paligid.

Anong nangyari?? Asan ako?? Paano ako napunta dito??

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang higit-50 ka tao na nakagapos at nag-iiyakan. Napatingin naman ako sa paa ko at nakagapos din pala ito. Pinakiramdaman ko din ang kamay ko at napagtantong pati ito ay nakagapos sa likuran ko.

Kailangan kong makatakas dito!!

May nakita naman akong dalawang lalaki sa may di-kalayuan ng silid na nag-uusap.

"Mabuti at madami kang nakuha ngayon Greg" saad ng isang lalaki.

"Dapat lang. Dahil ito na ang panghuli nating pagkuha ng mga mortal" saad ng lalaking tinawag na Greg.

"Oo nga naman, marami na din naman tayong mga mortal na ginawang dark magic user eh" saad ng lalaking kausap nito.

"Tara na. Balitaan natin ang Reyna ukol sa mga pangyayari" saad ni Greg na sinang-ayonan ng lalaking kausap niya.

Naglakad sila patungo sa direksiyon ko at bago pa sila pakarating sa pwesto ko ay agad silang lumiko. May pintuan pala malapit sa pwesto ko.
Agad silang lumabas doon.

Kailangan kong makalabas dito.. Siguradong hindi maganda ang gagawin nila saamin.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko.
'Pasensya na kung hindi ko kaya maisasama sa pagtakas ko, siguradong mahuhuli tayo kapag isinama ko kayo kaya pasensya na' piping saad ko saknila.

Agad akong naghanap ng paraan para maputol ang tali sa kamay ko. Inilibot ko ang paningin ko at may nakita akong matalas na bato na malapit sa paa ko.

Agad ko itong inabot gamit ang paa ko at napagtagumpayan ko ito. Unti unti kong inilapit ito papunta saakin.
Agad naman akong umikot para abutin ito gamit ang kamay ko.

Nang maabot ko ito ay agad ko itong ipinangputol sa tali. Ilang minuto ko rin iyong ginawa hanggang sa maputol ko ito. Napabuntong hininga naman ako.

Pawis na pawis na ako at nakaramdam na din ako ng pagod. Sumandal muna ako sa pader bago ko ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Agad ko namang binaklas ang tali sa paa ko at napagtagumpayan ko naman ito.

Agad akong tumayo atsaka tinungo ang pinto. Wala namang nakapansin saakin dahil sa kakaiyak nila atsaka yung iba ay nakapikit o di kaya ay natutulog.

Agad ko itong binuksan at nagulat ako sa nakita ko. Gabi na ba?? Sa pagkakatanda ko ay gabi nung hinarang ako atsaka ako nakatulog. Posibleng umaga pa ngayon.

Napatingala naman ako at may nakita akong mga maiitim na ulap na tila hinaharang ang araw mula sa pagsikat nito. Napatingin naman ako sa harap at may nakita akong mga punong kulay itim. Pati na rin ang mga dahon nila.

Agad naman akong nagpatuloy sa ginagawa ko atsaka lumabas na ng silid. Nagpalinga linga ako at alertong nagmamasid na baka may makakita saakin.

Nang makita kong walang tao ay agad akong tumakbo papasok sa kakahuyan. Hindi ko alam kung saan ako tutungo pero tingin ko ay tama ang dinadaanan ko.

Nang makaramdam ako ng pagod ay agad akong huminto.

Nasaan na ba ako?  Bakit hindi pa rin ako nakakalabas dito??
Inilibot ko ang paningin ko at laking gulat ko na may maraming pares ng mga mata ang nakatingin saakin.

Ang daming uwak. Lahat ng kahoy ay puno ng uwak. Akala ko ay mga dahon sila pero hindi pala.

Nagsimulang humuni ang isa atsaka nagsisunuran na ang iba. Napatakip naman ako ng tainga ko dahil sa sakit ng mga boses nila.

Agad akong nagpatuloy at tumakbo papalayo sakanila habang nakatakip pa rin sa mga tainga ko.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may nakita akong liwanag. Ito na siguro ang bukana. Nang makalabas ako ay nasilayan ko ang napakagandang tanawin.

Ibang iba ito sa pinanggalingan ko. Ilang sandali lang ay nakaramdam ulit ako ng panhihilo hanggang sa nawalan ako ng malay.

************

Chapter 2 is real!!! Ayan, sana magustuhan niyo po.

Salamat nga po pala sa mga nagbabasa. Keep supporting and reading lang po...

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon