Loria Nicia's POV.
Nandito ako ngayon sa mansyon at wala kami ngayong training. Ewan ko kung bakit.
Tumitingin ako sa mga larawan na nandito sa manyon. Ang gaganda talaga ng mga lahi ng Gold at Flaire. I wonder kung may pangit sa lahi nila.
Siguro wala.
Tumitingin tingin lang ako sa mga larawan hanggang sa mapadpad ako sa isang family picture.
May nakalagay na pangalan doon..
Luciano Gold and Niria Flaire with Baby Nicia
Basa ko..
Akala ko ba, Lunia ang pangalan ng anak nila? Atsaka bakit kapangalan ko??
Pinagmasdan ko naman ang larawan at napadako ang tingin ko sa sanggol.
Kamukha ko yong sanggol. May picture kasi ako noong sanggol pa ako at kamukhang kamukha ng sanggol na nasa picture.
Ibig bang sabihin na ako ay ang nawawalang anak ng huling henerasyon ng gold at Flaire??
Kaya ba hindi ko nakita ang mga magulang ko dahil nandito sila??
Kaya ba walang naghanap saakin dahil patay na sila??
Pero si Lunia, sino siya??
Couz....
Bigla nalang pumasok sa isip ko ang parating tawag saakin ni Lunia.
Couz?? Ibig bang sabihin ay pinsan ko siya?? Na totoong pinsan ko siya??
Pero paano nangyari iyon??
Akala ko na patay na ang lahat ng angkan ng Gold at Flaire??
May nakita naman akong pinto sa gilig ng picture na iyon kaya agad ko iyong binuksan at pinasok.
Halos kulay puti ang nasa loob. Mga gamit, higaan, sofa at kung ano ano pa.
Naglakad naman ako papunta sa isang drawer atsaka iyon binuksan. May nakita naman akong maliit na notebook doon.
"Ano to??"
Naibulalas ko nalang bigla.
Kinuha ko ito atsaka dinala at umupo sa sofa na nasa kwarto.
Tiningnan ko pa ito at hindi pa naman masyadong luma.
Binuklat ko ito at napagtantong diary o tamang sabihin ay scrapbook pala ito. May mga pictures doon at may mga sulat.
Binasa ko ang title at ang nakalagay ay..
Niria❤Luciano
Binuksan ko ang unang pahina at picture nila itong dalawa mula ng niligawan ni Mr.Luciano si Mrs.Nicia.
Binuklat ko pa ito at may nakita akong picture ng kasal nila hanggang sa pagkapanganak ni Mrs.Niria.
Binasa ko ang nakasulat sa gilid ng picture.
"Welcome to world little princess. Mom and dad loves you.
Welcome our daughter.
Welcome Loria Nicia Gold"
Basa ko sa sulat.
Halos hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Talagang ako pala ang totoong anak ni Mr.Luciano at Mrs.Niria.
Totoo talaga na isa akong Gold.
Naramdaman ko nalang na nagsipatakan ang mga luha ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Magkahalong gulat, saya at lungkot ang nararamdaman ko.
Unti-unti namang may nabuong liwanag sa harap ko at lumantad saakin si Goddess Wefian.
Tipid na ngumiti naman siya saakin bago nagsalita.
"Ngayon ay natuklasan mo na ang tunay mong katauhan Loria. At tama ka, isa kang Gold. Ang tagapagmana ni Luciano at Niria" saad ni Goddess Wefian
Pinunasan ko naman ang luha ko bago nagsalita.
"Pero si Lunia po.. Sino po siya?? Bakit po siya nagpanggap na ako??" tanong ko kay Goddess Wefian.
"Halika at ipapakita ko saiyo kung ano ang totoong nangyari sa nakaraan" saad ni Goddess Wefian atsaka inilahad ang kanyang mga kamay.
Walang pag-aalinlangan ko namang tinanggap iyon..
***************
Chapter 26 end.....
Enjoy reading lang po kayo at thank you sa mga nag-vote at nagcomment.
BINABASA MO ANG
Elemental World: The Unexpected Savior
FantasyNamuhay ng mag-isa. Hindi alam kung saan nagmula. Pangalan, kaarawan at edad lang ang nalalaman. Ngunit buhay ay magbabago sa pagdating niya sa lugar na kakaiba. Hindi inaakalang mga pangyayari ay makikita. Pati totoong buhay ay matutuklasan. Pati n...
