Mary Katryn Gonzalvo POV
*kringggg* *kringggg*
Tunog ng school alarm, tanda na lunch break na namin.
Masayang nagsiligpit ng mga gamit ang mga kaklase ko at masama naman ang tingin ng professor namin na nasa harapan. Paano kasi, nabitin na naman siya sa discussion, pero paulit-ulit lang din naman ang dinidiscuss niya. Nakakaboring siya magturo, eh. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto niya magturo wala din namang nakikinig sa kanya. Wala ngang nagrerecite samin.
"Katryn, sabay ka na samin na maglunch."yaya sakin ni Mark na inilingan ko na lang.
Hindi ko naman kasi ugali ang makisabay sa pagkain kasama ang mga lalaki. Tsaka isa pa, kilala ang grupo ni Mark dito sa university bilang fuckboy. Ba'ka mamaya kapag sumabay ako sa kanila ba'ka may gawin pa sila sakin. Jusko! Mahal ko pa ang sarili ko.
"Samin kasi sasabay si Katryn babes."singit naman ni Edmar at inakbayan pa ako.
Inalis ko ang pagkakaakbay niya at nagmadaling akong kunin ang mga gamit ko.
"Sorry pero may kasabay na ako."pagsisinungaling ko at patakbo na akong lumabas sa classroom.
Ba'ka mamaya habulin pa nila ako. Tapos rirapen nila ako. Tapos papatayin nila ako para hindi na ako makapagsumbong sa pulisya. Tapos itatapon nila ang katawan ko sa ilog. Tapos mag-aalala ang lola ko kasi hindi pa ako nakakauwi. Tapos hahapin nila ako, imbis na nagpapahinga na siya ay itutuon niya ang paghahanap sakin. Pagnahanap na ako ni lola magugulat siya tapos maaatake siya sa puso kasi yung pinakamaganda niyang apo ay natagpuan sa ilog at palutang-lutang ang katawan. Yay! Ang...
"Creepy!"napatakip ako sa bibig ko dahil sa pagkakasabi ko ng malakas. Ano ba yan, Katryn!
"Hahaha! Anong creepy pinagsasabi mo insan?"natatawang usisa ni Bernadeth sakin.
"Bakit ka ba nanggugulat!?"bulyaw ko. 'Tong babaeng 'to, lagi-lagi na lang akong ginugulat. Psh!
Natawa muna siya bago nagsalita.
"Anong nanggugulat? Hindi naman ah."tanggi niya na inirapan ko na lang. "Kasi naman ang layo-layo na naman ng predict ng utak. Hahaha!"kitams? Nababaliw na talaga siya.
"Insan, mas mabuti na ang siguro kaysa magsisi sa huli."paalala ko sa kanya.
"Hay, naku! Bahala ka nga diyan, Insan. Maglulunch na ako dahil may pasok pa ako ng one."tumango na lang ako sa kanya bilang sagot.
2:30 pa naman ang pasok ko kaya maggagala muna ako sa mall ngayon. Tutal sa tabi lang naman ng university namin ang mall eh.
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!
Pagtapos kong kumain sa KFC ay nagsimula na akong maggala. Pumasok ako sa iba't-ibang botique ng damit pero wala din naman akong nagustuhan. Nagtingin-tingin lang ako. Sunod ay pumunta ako sa time zone para sana maglaro pero madami namang lalaki na parang adik kaya lumabas na lang ako. 1:15 pa lang at madami pa akong oras. Hssst! Nakakatamad naman.
Lumabas ako sa mall at naglakad papuntang playground na katabi lang din naman niya.
Hindi pa man ako nakakarating doon ng may bumangga sakin at bumagsak ang napakaganda 'kong katawan sa sahig.
Aww!
"Shit!"mura ng lalaki.
Aba-aba! Ako na nga ang nabangga ako pa ang minura ng gagong 'to!
Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sahig para sana duruin 'tong gagong lalaking 'to na hindi man lang alam ang salitang gentleman. Pero imbis na duruin ko siya ay niyakap niya ako ng mabilis at amoy na amoy ko na ngayon ang pabango niya.
Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang tumigil ang oras. Huwaaaat?!!! Ano 'tong nangyayari?!!
"Damn!"muli niyang mura at para akong natauhan doon. Kaya dali-dali ko siyang tinulak dahil tyansing na ang lalaking 'to. Tsk!
"Hoy lalaki! Bakit ka yumayakap diyan?! Alam mo bang pwede kitang kasuhan dahil sa pagyakap mo sakin ng wala sa pahintulot ko?! Tsaka isa pa, bakit mo ako pinagmumurahan?!! Patong-patong ng kaso ang pwede 'kong isampa sayo!"bulyaw ko sa kanya at tanging pagkunot lang ng noo ang sinagot niya sakin habang may kung anong sinusuksok sa likod ng damit niya.
Magsasalita pa sana ako ng bumuka ang bibig niya at siya ang nagsalita.
"Then?"aba-aba!! Sumusobra na 'tong lalaking 'to ha?! Hindi porket pogi siya ay ganyan na siya! Ay hindi pala siya pogi kasi panget siya!!
"Hindi mo ba nakikita 'tong uniform ko?"proud 'kong wika at inayos ang postura ko para ipagmalaki ang police uniform ko.
"So?"
What the?!!!!! Ako ba ginagalit nito?!
"Anong so-so pinagsasabi mo diyan?!! Gusto mo bang lagyan ko ng sauce yang panget mong pagmumukha?!!"
Dinuro ko pa ang mukha niya dahil sa inis na nararamdaman ko. Marami na ang napapatingin samin pero wala akong pakialam. Bastos 'tong lalaking 'to eh. Kaya dapat siyang turuan ng leksyon!
"Ace, let's go."maotoridad na wika ng isang kampon ng lalaking 'to. Hindi ko alam kung sino yun dahil hindi ko naman kilala, at isa pa ay hindi ko makita ang mukha niya.
"Thank you with your time Ms.Soon to be Police officer."wika niya bago siya sumunod sa taong tumawag sa kanya at iniwan akong nakatanga dito.
What the fudge?! Wala man lang sorry? Hindi man lang niya tinanong kung okay lang ako. What the fudge talaga?!! Gwapo nga manyak at bastos naman. Tsk! Hindi gentleman!
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!
"Oh, insan hanggang dito ba naman salubong yang kilay mo?"natatawang bungad sakin ng pinsan ko na kararating lang dito sa bahay.
"Wala."inis na sagot ko at nagcross arms pa ako tyaka umiwas ng tingin.
Tsk! Kapag talaga naaalala ko ang nangyari kanina ay nabwisbwisit ako. Kainis kasi ang lalaking 'yun. Napakawalang modo. Hindi man lang alam ang salitang gentleman. Kahit man lang sana tinulungan nya akong tumayo hindi niya pa ginawa.
"Wooy, insan!"sigaw ni insan at pinalakpak niya pa ang kamay sa harapan ng mukha ko. Kaya naman nahulog ako sa bangkong inuupuan ko.
Malakas na tawa ang pinakawalan ni insan kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Kainis 'to ah! Ako na nga ang nasaktan tapos hindi pa niya ako tinulungan. Huhuhu!
"Ano ba kasi yang iniisip mo?"natatawa niyang wika habang tinitignan akong nagpapampag ng pwetan ko.
"Yung lalaking walang modo kasi, eh!"inis 'kong sagot sa kanya bago umupo ulit sa upuan.
"Ayeee! Sino yan, inasan?"sinamaan ko ng tingin si Bernadetg dahil mukhang kinikilig pa siya.
"Sino yang pinag-uusapan niyo mga, apo?"biglang entra si lola at mababakas din ang ngiti sa kanyang labi.
"Si insan po kasjdgehwuqlak!!"bago pa matapos ng babaeng 'to ang sasabihin niya ay tinakpan ko na ang bunganga niya.
Magchichismis na naman kasi. Palibhasa chismosa 'tong pinsan 'kong to.
"La, kain na po tayo."yaya ko sa kanya habang hindi pa binibitawan ang pagkakatakip ng bunganga ni insan.
"Mabuti pa nga, apo. Gutom na rin kasi ako, eh."saad naman ni lola at nginitian ko na lang siya bago siya tumalikod samin.
"Wag kang chismosa, Bernadeth!"banta ko kay insan bago ako sumunod kay lola sa kusina.
Naku talaga! Kapag nakita ko yung lalaking 'yun, ingungudngud ko yun sa pader. Tsk! Kainis yun! Binangga na nga ako tapos tumambay pa siya sa isipin ko. Psh! Perwesyo talaga yun. Tsk!!
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!
BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
ActionWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)