MTP#18:Assult

3.5K 46 0
                                    

"Have a sit."wika ng dean pagkapasok ko sa opisina niya. Actually, hindi lang ako ang pumunta dito. Pati din si SIR Axl ay nandito din. Psh!

Ano bang gagawin niya dito? Tsk!

"Nabasa ko yung nakapost sa page ng school natin."panimula ni sir na siyang ikinayuko ko.

Nakakahiya talaga. Sana naman hindi maapektuhan nito ang pag-aaral ko. Fudge!

"Kahit na sabihin nating wala namang ibig sabihin iyon, pero sa iba meron. Axl kaibigan kita pero hindi ako sang-ayon sa mga ginagawa mo."deretsong wika ni Sir Victor, ang dean namin.

Napakaseryoso niya at nakakakaba kapag nasa ganitong sitwasyon si Sir. Hsst! Kainis kasi yung nagpost nu'n. Bwisit!

"I know, Victor. Kaya nga magreresign na ako para wala ng issue. And besides, acting prof lang naman ako and I also have very important to do."sagot ni Axl kay Sir Victor.

Wala talaga siyang respeto. Tawagin ba naman si dean sa pangalan lang. Tsk! Tsk! Nakakaturn off 'tong lalaking 'to.

Tumawa ng bahagya si dean kaya nag-angat ako ng ulo at napakunot ng noo. Masaya pa si dean na natawag sa pangalan niya. Psh!

"Just what I know. Hsst! Axl. Okay, do what you wanted to do. Lagi namang nasusunod ang gusto mo."makikita mo ang pait sa pagkakasabi ni Sir Victor. Para siyang nadissapoint kay Axl.

Ano bang meron sa dalawang 'to? Parang yung mga salitang sinabi ni Sir ay lumalagpas na sa isyu namin. Parang may ibang meaning ang mga salitang binitiwan niya.

"Yeah. I'll do what I wanted to do.  'Cause I want to enjoy my life with someone."

"Sana lang hindi ka magkamali sa desisyong gagawin mo."

"Talaga."

"Okay."

Okay, ang wierd na nitong nararamdaman ko. Yooohooo! Andito pa po ako. Ba'ka naman gusto niyo na akong paalisin kung wala din naman kayong sasabihin sakin? Hsst! Makasingit na nga.

"Ah... Sir, pasensya na po sa nangyari. Wala po talagang ibig sabihin yun. Pasensya na po. Sana naman po, Sir hindi po maapektuhan nito ang grades ko."wika ko habang nilalaro ko ang mga kuko dala ng kaba.

First time ko talagang makaencounter ng ganito kaya naman sobra-sobra akong kinakabahan. Ayoko talagang nadadawit sa mga ganitong bagay dahil ayokong napapahiya ang pangalang dala-dala ko.

"Don't be sorry, Katryn. Wag ka na ding mag-alala dahil nabura na yung post."singit ni Axl na siyang pinagtaka ko.

Binigyan ko siya ng itsurang ---Paano nangyari yun?--- pero imbis na matinong sagot ang matanggap ko sa kanya ay isang kindat lang ang binigay niya na siyang nagpakabog sa dibdib ko. Fudge! Ito na naman ang malandi 'kong puso.

"Don't worry, Kat. Your grades is out of it."sagot ni Sir Victor at binigyan ako ng ngiting paninigurado.

Kaya naman bilang pagtanaw ng utang na loob ay nginitian ko na lang din siya. Pero yung ngiti niya ay biglang naglaho ng malipat ang tingin niya sa taong kaharap ko. Syempre, walang iba kundi si Axl. Kaya naman nalipat ang tingin ko kay Axl at masasamang titig ang pinupukol niya kay Sir Victor. Ano na naman bang problema nito? Siya pa talaga ang may ganang magbigay ng ganyang tingin kay Sir.

"Jealous?"mapang-asar na wika sa kanya ni Sir Victor na kinunutan ko naman ng noo.

Anong jealous ang pinagsasabi ni Sir? Saan naman kaya magseselos si Axl? Hindi kaya dahil sa ngiti? Napakaassumera ko talaga. Sinali ko na naman ang sarili ko. Alam ko naman kasi na may ibang gusto si Axl kaya malabo na dahil sakin kaya niya sinamaan ng tingin si Sir Victor. Hsst!

"Tsk!"inis na wika ni Axl bago siya tumayo sa upuan niya.

Napapikon na ata ang loko. Ngayon ko lang siya nakitang napikon eh. Medyo nakakatakot na cute kapag napipikon pala 'to.

"Si----"nabitin ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Axl. Tsk! Bastos talaga.

"Let's go."wika niya tsaka ako hinila patayo at kinaladkad palabas ng office.

"He-hey! B-bitiwan mo na a-ako."wika ko sa kanya ng makalabas kami.

Napakahigpit kasi ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Feeling ko mamumula ito sa sobrang higpit.

"Tsk!"balik niya at walang sabing winaksik ang kamay ko. Fudge!

"Ano bang problema mo?"inis 'kong tanong. Nakakabwisit kasi siya. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero kung manakit ay grabe!

"Ikaw."kinunutan ko siya ng noo dahil sa sinabi niya.

Paanong naging ako?! Wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Pwede ba? Wag mo akong idamay sa problema mo. Tsk!"inis 'kong wika tsaka ako nagwalk out.

Kainis! Wala naman akong ginagawa sa kanya. Tsk! Hindi porket may gusto ako sa kanya ay hahayaan ko na lang ang mga pinaggagawa niya. Tsk! Tsk!

---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon