MTP#4:First Mission

6.1K 96 0
                                    

Ang sabi ko ay hindi ako papayag. Ang sabi ko ay susunod kami sa batas. Pero bakit lahat ng sinabi ko ay hindi ko natupad? Hsst! Kainis naman!

Hindi ko alam kung paano nila ako napapayag na pekein ang school permit at maging ang mga  parents permit namin. Basta isang araw ay naisipan ko na lang na iprint ang binigay nilang copy sakin. Soimai! Kapag kami naaksedente dito sa gagawin ay malalagot kami. Maaring hindi kami makakagraduate dahil dito. Hsst!

"Excited na ako! Sana may barilan sa pupuntahan natin."masayang wika ni Fred habang inaayos niya ang kwelyo ng suot niyang uniform.

"Barilan ka diyan!? Alam mong magiinispect lang tayo oy!"basag naman sa kanya ni Loisa pagtapos niyang maglagay ng lipstick.

Seriously, Loisa? Inspection lang pero nakalipstick? Ibang klase din 'tong babaeng 'to.

"Basta masaya ako dahil pumayag si Katryn sa plano natin."masayang wika naman ni Lealyn habang pinupunasan ang sapatos niya.

Napailing na lang ako dahil sa mga commotions nila. Masyado silang maraming alam. Mukhang gusto ata nilang bawiin ko ang pagpayag sa kanila? Tsk! Tsaka, isa pa, bakit pormadong-pormado sila? Parang sa highway lang naman kami pupunta pero nakalipstick at pabango pa sila. Yung totoo? Party ba ang pupuntahan namin o inispection? Tsk!

"Magmadali na nga lang kayo diyan. Ba'ka tayo na lang ang hinihintay nila sa sasakyan."utos ko sa kanila na agad naman nilang sinaluduhan. Mga baliw talaga sila.

Pagtapos nilang mag-ayos ng mga sarili nila ay sabay-sabay na kaming bumaba para makapunta na sa dapat na pupuntahan. Ngayon araw kasi ay inassign kami ni Chief na sumama kanila PO2 Villarcia para mag-inspect ng mga sasakyan na lalabas at papasok dito sa lugar namin.

Nakatanggap kasi si Chief ng isang email message na may van daw na dadaan dito at magtatapon ng bomba. Dahil prayoridad namin ang safety ng mga mamamayan sa bayan namin ay kailangan kaming siguruhin na hinding-hindi mangyayari yun. Kahit na email message lang yun at walang kasiguraduhan na totoo yun ay kailangan pa rin naming magsiguro. Mas mabuti na ang handa kahit nagmumukhang tanga kaysa mukhang tanga tapos hindi pa handa.

"Yung lima sa inyo ay sa north and the other five will be assigned to the south."wika samin ni PO2 na tinanguhan naman namin.

Kami nila Lealyn, Fred, Mark, at Edmar ay sa north magbabantay. Tapos sila Loisa naman sa south. Sana mapagtagumpayan namin 'to. First Mission namin 'to kaya dapat naming magpakitang gilas sa mga pulis. Di bale may mga kasama naman kaming mga pulis na aalalay at tutulong samin.

"Paano kung may bomba nga at sa atin napadaan yung van?"seryosong tanong ni Fred habang nakaharap samin.

"Ayos lang yan. Magaling naman magdecimate ng bomba si Katryn, eh."pagyayabang ni Lealyn sa pangalan.

Grabi talaga 'tong babaeng 'to. Laging ako ang pinagmamayabang niya as if naman na hindi ko alam na marunong din siya. Hay naku!

"Saan ka natuto magdecimate ng bomba Ms.Gonzalvo?"baling natanong sakin ng pulis na kasama namin.

Napakamot muna ako sa ulo ko bago ako sumagot.

"Sa cellphone lang po."

Ang awkward kasi. Alam ko naman na magkaiba ang apps sa cellphone kaysa sa totoong buhay. Pero kahit na ganun ay parang totoo naman ang nilalaro ko. Tsaka nasubukan ko na rin magtry na magdecimate ng bomba noong nagretreat kaming mga crime-students dati.

"Pero magkaiba ang apps sa actual."singit naman ni PO1 Vallejos na nagdradrive sa sasakyan namin.

"Naku, sir, actual man o apps ay kayang-kaya yan ni Katryn. Ang tali-talino kaya ng babaeng 'to."pagamamyabang ni Edmar sakin.

Tsk! Parehas na sila ni Lealyn na puro ako ang niyayabang nila. Bagay na bagay talaga sila.

"Kaya nga, sir. Tsaka nasubukan na din niyang magdecimate ng bomba noong nagretreat kami. Siya nga lang po ang nakagawa nu'n, eh."segunda naman ni Mark na ikinarap ko na lang sa isipan ko.

Isa rin 'to. Bakit ba ang binibida nila? Sa pagkakaalam ko ay pare-parehas lang kaming nag-aral patungkol doon.

"Talaga, Katryn?"nakangiting tanong ni PO1 Velasco.

Ngumiti na lang ako sa kanya ng awkward habang nagkakamot ng ulo. Di dahil may kuto, kundi dahil naaawkwardan ako sa mga pinagsasabi nila. Hindi lang kasi ako sanay na ako ang topic dito. Siguro kung si Bernadette at lola ang kausap ay malamang magmamayabang ako, pero kung ibang tao ay hinding-hindi ko magagawang magmayabang.

Tumigil ang sasakyan kaya napatingin kami sa harapan. May mga pulis na nagchecheck at may check point din na nakaharang dito sa highway.

Bumama ang dalawang pulis kaya sumunod naman kami sa kanila.

"Sir, nandito na po ang mga practice officers natin."wika ni PO1 Velasco at sabay pa sila ni PO1 Vallejos na nagbigay galing sa isang police.

Lumapit samin ang matabang pulis at PO2 pala siya. Kaya naman agad-agad kaming nagbigay galing. Ngumiti siya samin kaya napangiti na lang din ako.

"Good morning, Students!"

"Good morning, Sir!"

"Maaasahan ko ba kayo sa misyong ito?"tanong niya na sabay-sabay naman naming sinagot.

"Sir, yes, Sir!"

"Good kung ganun. Ngayon ay magtulungan na tayo para sa kapayapaan ng ating bayan."sabay-sabay kaming tumango sa kanya at sumagot ng 'yes'.

Excited na ko. Sana maging maayos ang unang araw namin sa misyong ito.

---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon