Nakangiti akong lumabas ng bahay dahil gusto 'kong simulan ang araw na 'to ng masaya. Syempre, last day na kasi ngayon ng aming OJT. Tsaka ilang linggo na lang ay gragraduate na rin ako sa wakas.
Habang pasakay ako sa jeep ay napansin ko yung isang lalaki na nasa bukana ng sasakyan. Ang aga-aga nakakunot ang noo niya. Hsst! Siguro hindi niya araw ngayon kaya bugnot ang pagmumukha niya.
Habang pinagmamasdan ko din yung ay nakita ko ang pagpindot niya sa kanyang cellphone bago ito itapat sa kanyang tenga.
"Hello?"bungad niya sa kausap niya.
Hindi naman sa chismosa ako pero sadyang lumalaki lang talaga ang tenga ko kapag nagiging curious ako sa isang tao.
"Oo... Malapit na... Sige pumuwesto na kayo..."yan yung mga narinig kong winika niya bago niya ibaba ang cellphone niya.
Napatingin sakin yung lalaki kaya naman dali-dali 'kong nilihis ang patingin ko. Ba'ka mamaya ay kung ano ang isipin niya.
"Para!"wika ng lalaki kaya huminto naman yung jeep.
Tumingin ako sa lalaki at saktong pagtingin ko ay nakatingin din siya. Agad akong kinabahan dahil sa paraan ng pagkakatitig niya. Fudge!
Aalis na sana yung jeep ng may makita akong matanda na patawid. May ibang tao na tumatawid doon pero di man lang nila tulongan yung matanda.
"Kuya, dito na lang po ako."wika ko sa driver na agad naman niyang inistop.
Bumaba ako at tumawid sa kabilang kalsada para tulungan yung matanda. Kawawa naman kasi
"Ako na po magdadala niyan."
"Salamat apo."wika ng matanda tsaka ako nginitian. Nginitian ko din siya pabalik bago ko siya inalalayan na makatawid.
Saktong pagtawid namin ay dumating naman ang mga apo niya.
"La, si Jayboy po ba nakita niyo? Nawala po kasi siya kanina eh. Ba'ka sumunod po sa inyo."nag-aalalang wika ng isang apo niya na babae. Siguro siya yung panganay.
"Hindi ko siya nakita apo. Saan ba nagpunta ang batang yun."nag-aalala na din si lola at hindi ko mapigilan ang sarili ko na di maalala si lola namin.
Ganito rin kasi siya kapag nag-aalala siya sa amin eh. Hsst! Miss ko na si lola.
Binalingan ako ng tingin ni lola na tinulungan ko.
"Apo, maraming salamat. Sige na mauuna kami dahil hahanapin pa namin ang isa kong apo."
"Salamat ate."segunda rin ng dalawnag bata.
Aalis na sana sila ng magsalita.
"Tutulong na din po ako sa paghahanap."nginitian ko sila para pumayag.
Nang tumango sila ay mas lalo akong napangiti.
"Maraming salamat talaga apo. Mukhang maaabala ka pa namin."
"Naku, hindi po lola. Okay lang ako."sagot ko sa kanya tsaka ko siya inalalayan sa paglalakad.
Hindi pa man kami nakakalayo ng may marinig aming sumisigaw habang nagtatakbuhan sila.
"May hostage taking sa convinience store!! Dalian niyo may mga baril sila!!!"napatingin ako sa dumaang lalaki ng sabihin niya iyon.
"Naku ang apo ko... Sana naman wala siya doon."nag-aalala ng wika ni lola. Maging ang mga bata ay nag-aalala na din sila.
"Ahm.. ikaw muna umalalay sa lola mo. Titignan ko lang yung nangyayari doon."baling ko sa panganay niyang apo.
Tumango naman siya tsaka niya inalalayan ang lola niya.
BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
ActionWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)