MARY KATRYN POV
Biyernes na ngayon at tuwing thursday, friday, at saturday ay may C.A.T kami. Bukod sa OJT ay may ganito pa kami. Bukod kasi sa OJT, dito matratrain ang skills namin sa paghawak ng baril. Physical and Mental skill ang maaapply namin dito.
"Guys, may bago daw tayong instructor. Yung dating instructor natin ay lumipad na sa Korea."masiglang wika ni Loisa.
At dahil sa sinabi niya ay nagsisigawan lahat ng mga kaklase ko. Ako naman ay napangiti na lang. Syempre, sino ba naman ang hindi sasaya kung terror yung instructor mo sa C.A.T? Yung tipong unting mali mo lang fifty push-up agad. Minsan inaabot pa ng one hundred. Psh! Tapos madalas din kaming pinapainom ng military wine kapag hindi namin siya nagegets or nagkakamali sa pinapagawa niya. Hsst! Buti na lang talaga at umalis na yun.
Pero sino naman kaya ang bago naming instructor doon? Sana naman hindi kagaya ni Sir na mahigpit din. Psh!
"Loisa, sino daw ba ang ipapalit doon?"tanong naman ni Grace isa sa mga kaklase ko, pero nasa kabilang group siya sa OJT.
"Ewan ko. Basta ang pangalan daw ay Axel Ace Samonte. Name pa lang yummy na!"nangingil na sagot ni Loisa sa kanya.
Napailing na lang ako ng manggigil din si Grace at ang iba pang mga babae na kaklase ko.
"Hayyy naku! Taob yang Axel niyo sakin."pagmamayabang ni Mark at nilabas niya pa ang muscle niya.
Yay! Nakakadiri siyang tignan! Psh!
"Hayy naku, girls. Bakit hindi niyo gayahin si Katryn na napakatahimik. Sigurado akong walang interest yan sa mukha ng bago nating Instructor."
Napatango-tango naman sila sa sinabi ni Fred. Well, totoo naman kasi ang sinabi niya. Wala nga naman talaga akong interest diyan, dahil ang tanging atensyon ko ay ang studies ko at ang hustisya sa ina ko.
Napapilig na lang ako ng ulo ng maalala ko na naman ang ina ko. Hangga't maaari ay ayoko ko munang pag-usapan ang sa kanya, dahil mahina pa ang loob ko pagdating sa mama ko.
"Oppssss! Stop quiet na, guys nandiyan na siya!!!"sigaw ng isa ko pang kaklase na inilingan ko na lang.
Stop quiet daw eh! (-__-)
Agad na nagsi-ayosan ang mga kaklase ko at natahimik kaming lahat. Hinintay namin yung pagbukas ng pinto para makilala na namin ang bago naming teacher. Halos lahat ay excited at maging ako ay excited na din, pero syempre sa simple lang ang pagkaexcited ko. Hindi ako nagtatalon o ano-ano dahil sa excitement.
"Ayan na...."mahinang wika ni Grace na nasa harapan ko.
Ramdam ko din na tensyonado na ang lahat lalo na noong narinig namin ang pagtunog sa doorknob ng pinto.
Bumuka ito at iniluwa niya ang isang napakagwapong instructor sa buong mundo. Napakamakisig niya at ang hula ko ay nasa mid-20's pa lang nito. Grabi! Makakalaglag panty ang kagwapuhan niya.
"Hi.."medyo awkward niyang wika at sa paraang ito ay napabalik ako sa reyalidad.
Wait, ang familiar ng boses niya, ha?
Pinagmasdan 'kong mabuti yung itsura niya at unti-unting inaalala kung nakita ko ba itong lalaking 'to.
"Katryn, diba siya yung nagnakaw sa halik mo?"wika sakin ni Fred na katabi ko lang.
At tumpak nga ang sinasabi niya! Siya yun! Siya yung walanghiyang lalaki na kumuha sa first kiss ko!!!!! Yung hustisya ko?!! The fudgebar!! No way in a deep chocolate fillings na siya ang magiging instructor namin!
BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
AksiyonWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)