MTP#24:One-Sided

3.8K 52 4
                                    

"Magpahinga ka na, gabi na."wika niya ng makarating kami sa tapat ng bahay.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot at lalabas na sana ako sa sasakyan niya ng bigla siyang magsalita.

"Wait."kaya naman humarap ako sa kanya na hindi ko dapat ginawa.

Bakit? Kasi saktong pagtingin ko sa kanya ay dumampi ang aking mga labi sa labi niya. The fudge!!!

Agad akong lumayo sa kanya na siyang ikinangiti naman niya ng todo.

"Goodnight."masaya niyang wika na inilingan ko na lang sa aking isipan at dali-dali bumaba sa sasakyan niya.

Fudge! N-nahalikan na naman niya ako!!! That!!! Waaaaahh!!!

Pupusta ako, parang kamatis na siguro ang pisnge ko ngayon. Fudgerbar chesscake! Yung inis ko sa kanya kanina ay nawala na parang bula.

"Oh, andito ka na pala."salubong sakin ni Bernadeth habang kinukusot-kusot niya ang kanyang mga mata.

"Ah, kararating lang. Kumain na ba kayo?"tanong ko sa kanya para madivert sa iba ang kilig na nararamdaman ko.

"Oo. Gusto mo bang kumain?"

"Hindi na. Busog pa naman ako. Sige na matutulog na ako."wika ko na tinanguhan naman niya.

Dumiretso ako sa kwarto ko at agad na nilock ang pinto bago ako tumalon sa higaan ko at doon ko binuhos lahat ng kilig na nararamdaman ko.

"Kyaaaaaaah!!!"sigaw ko sa unan.

Wala din naman makakarinig sakin dahil nakatakip ang unan sa mukha ko. Damn! Parang gustong lumabas ang puso ko dahil sa kilig na nararamdaman ko. Yung pag-aalala ko tungkol sa bomba ay nakalimutan ko ng wala sa oras dahil sa ginawa niya. Ayeeee! Kinikilig na talaga ako!!

(♡¤♡)"

------ -- - ---
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha. Hindi ko pala naisara  yung bintana kagabi.

Arrg! Anong oras na ba? Ang sakit ng katawan ko.

Umupo ako sa kama ko at habang kinukusot-kusot ang mata ko. Nang maging malinaw na ang lahat sakin ay doon ko lang napagtanto na nakasuot pa ako ng gown. Pati yung heels na suot ko ay hindi ko na natatanggal. Ano ba yan! Sa sobrang pagod ko ay nakalimutan ko ng magbihis.

Tumayo ako at dumiretso sa banyo para makaligo na. Pero sa mga sandaling makita ko ang itsura ko sa salamin ay agad na nagflash back sa'king isipan yung nangyari kahapon.

Napakagat labi na lang ako dahil doon. Ito na naman kasi ako. Kinikilig na naman ako.

-
"Insan,alis na ako. Sige na babye!"nagmamadaling wika ni Bernadeth pagkalabas niya sa kwarto niya.

Saan ba pupunta ang babaeng 'to? Wala naman siyang klase ngayon, ah?

"Sa'n lakad mo?"tanong ko sa kanya.

"Sa school. Kailangan na kasi naming tapusin yung thesis namin para makagraduate na din kami."sagot niya na tinanguhan ko na lang. 

Hindi na ako nagtanong pa sa kanya ba'ka mamaya malate pa sita lalo. Kawawa naman ang pinsan ko.

"Sige ingat ka!"sigaw ko sa kanya habang papalabas siya ng bahay.

Nagwave lang siya bilang sagot na inilingab ko na lang. Hindi siguro nag-alarm yun kaya nalate siya ng gising.

"Ate, pasok na po kami."paalam naman ni April sakin.

Malas naman ng araw na 'to. Wala akong kasama sa bahay.

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon