MTP#22:Auction Party

4K 52 5
                                    

"You look so beautiful."papuri niya ng makarating kami sa aming distinasyon.

Akala ko, hindi na niya ako pupurihin. Buong byahe kasi siyang tahimik at ang tanging maririnig mo lang ay ang stereo. Actually, gusto ko na rin siyang tanungin kung may problema ba siya. Hindi kasi ganito ang Axl na nakilala ko. Masyado siyang tahimik ngayon at nakakaboryo siya.

"Let's go?"dugtong niya na siyang tinanguhan ko naman.

He offered his hand that I gladly accept. Ngayon lang siya naging gentleman kaya naman napapangiti ako ng palihim. Isa pa ay kinikilig din ako. Hihihi😍 Ngayon na lang ako lumandi kaya hahayaan ko na muna ang sarili ko. Ngayong gabi lang namin eh.

"Sir, do you have an invitation?"tanong ng guard na siyang nagpahinto samin.

Sosyal talaga ng party'ng ito. Invitation pa ang gatepass nila. Siguro, puro mayayaman ang nandito kaya sobrang higpit ng mga security guards. Ibang klase talaga kapag first class.

"Here."wika ni Axl at binigay ang invitation sa guard.

Nang makita ng guard at macheck ng recepionist ang pangalan ay pinapasok na nila kami. Dami talaga nilang alam!

Pagpasok namin ay isang napakalaking pasilyo ang tumambat sakin. Mula sa ceiling hanggang sa sementong inaapakan ko ay napakaganda. Punong-puno ng dekorasyon at parang may kasalan lang na magaganap dito. Sa gitna ng pasilyong ito ay may isang malaking stage doon. May nakalagay na 'Happy 51st Social Gathering'. Tapos may mga nakadisplay na item doon na nakalagay sa maliliit na table.

"What do you think about the party?"tanong niya na siyang nagpaharap sakin sa kanya.

Nakatingin pala siya sakin. Nakakaconcious naman.

"Ahh...eh..."fudge! Bakit ba ako kinakabahan? Nakatingin lang naman siya sakin eh. "Maganda and I really like it."

Napabuntong hininga ako sa isipan ko dahil sa naging sagot ko. Buti naman at straight hindi paputol-putol.

"What about me? What do you think about me?"muli niyang tanong na nagpakabog sa dibdib ko.

The fudgebar!! Bakit niya ba ako tinatanong ng ganya? Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag ganyan siya eh. Tsaka, ano ba ang ibig niyang sabihin sa mga salitang binanggit niya? Is he refering about hisself or something deeper than that?

Pero syempre, doon ako sa nauna 'kong naisip. Hindi naman kasi yan magkakagusto sakin and beside liking lang naman ang nararamdaman ko sa kanya.

"You look perfect."sagot ko sa kanya tsaka siya nginitian. Ngumiti din siya pabalik na siyang ikinaabnormal na naman ng sistema sa katawan ko.

Kanina puso ko lang ang tumutibok ng mabilis, tapos ngayon pati ang tyan ko feeling may paru-paro na din. Ano 'to? K-drama lang ang peg?

"That's great. Alam ko naman na pogi ako at talagang mas naramdaman ko ang pagiging pogi ko ng mabati mo ako."confident niyang wika na siyang ikinakamot ko na lang ng batok.

Bumalik na naman kasi ang pagiging mahangin niya eh. Nakakabwisit siya kapag nagbubuhat siya ng sarili niyang bangko although totoo naman na may itsura siya. Pero sana naman nausuhan siya ng salitang humble. Hsst!

"Tara na nga. Medyo malamig na dito sa pwesto natin eh. Parang may masamang hangin lang na dumaan."wika ko sa kanya na siyang ikinasama naman niya ng tingin sakin. Kaya  natawa ako ng bahagya at nagpeace sign na lang.

Naglakad-lakad kami hanggang sa may makasalubong kaming kakilala niya.

"Hey, Ace!"bati ng isang sexy at magandang babae.

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon