"Ate, hindi po ba natin papapasukin si kuya Axl?!"muling tanong sakin ni April habang nasa labas siya ng kwarto ko.
Nilock ko kasi 'tong kwarto ko at sinabihin ko din sila na wag siyang papapasukin. Bahala siya diyan. Kapag pumasok siya, di ako magdadalawang isip na tumawag ng police.
"Ate, sobrang lalas na ng ulan ba'ka magkasakit si Kuya!"
"Hayaan mo siya! Wag mo siyang papapasukin!"sigaw ko pabalik tsaka ako nagtalukbong ng kumot.
Umiyak ako ng umiyak habang nakatalukbong. Bwisit! Nakakainis na talaga 'tong tadhana na 'to. Mas lalo niyang pinapagulo ang sitwasyon ko. Mas lalo akong nababaliw sa mga problema na dumadating. Tsk! Tsk!
"A-ate! Si kuya..... umuulan na!"si Mae naman ngayon ang nagsabi nu'n. Kainis! Pati mga pinsan ko ay kinakampihan na siya. Tsk!
Di ako sumagot sa kanya at pinagpatuloy ko lang ang pag-iyak. Ilang minuto pa ang lumipas at hindi na sila nagsalita pa. Nakatulog na siguro sila. Mabuti naman.
Inalis ko ang pagkakatalukbong ko dahil naiinitan na ako. Ramdam ko din ang lagkit ng pisnge ko dahil sa pag-iyak ko. Damn! Ang sakit eh. Hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin ang mga bagay na yun. Mga bagay na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ng bansa at maging sa batas ng diyos. Pero bakit ganun? Kahit na ganun ang ginawa niya ay heto pa rin ang puso ko. Naghuhumirintado pa rin kapag malapit siya.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama ko at naglakad patungo sa banyo. Agad na bumungad sakin ang repleksyon ko sa salamin at talagang nakakahiya na ang itsura ko. Ang singkit-singkit na ng mata ko dahil sa kakaiyak at ang gulo ng buhok ko. In short ang pangit ko na.
Napapilig na lang ako ng ulo dahil sa iniisip ko.
Binuksan ko ang faucet ko at dali-daling naghilamos. Nang matapos ako ay lumabas na ako. Napatingin ako sa verenda and still, umuulan pa rin. Sobrang lakas pa rin ng ulan at may kasamang kulog at kidlat pa. Buti pa 'tong langit, nakikisama. Samantalang yung tadhana ay ayaw makisama sakin. Tsk!
Tumungo ako sa verenda at nilock ang glass door ko nang mapasilip ako sa baba. Nandu'n pa rin siya, nakatayo sa tapat ng kotse niya at nakayuko. Di pa rin siya umaalis kahit na basang-basa na siya. Tsk! Anong akala niya sa sarili niya? Robot? Hindi nagkakasakit? Tsk! Tsk!
Umiling na lang ako bago ko nilock ang pinto at isinara ang kurtina. Wala ng puso kung wala! Bakit?! Di ko naman sinabi na magstay siya doon, ha?! Pinapaalis ko na siya pero ayaw niya. Tsk! Tsk! Kaya wala akong kasalanan kung magkasakit man yan.
Bumalik ako sa kama ko at inihiga na ang sarili ko. Magpapahinga na ako. Sobra akong napagod ngayong araw at talagang kailangang-kailangan ko ng irelax ang utak ko para bukas ay makakapag-isip na ako ng mabuti.
_____ _____ __ _ ____
*kring!* *kring!* *kring!*
Kinapa ko ang cellphone ko sa side table ng tumunog ito. Fudge! Bakit ngayon pa sila tumawag? Des-oras na ng gabi, ha.
Habang inaadjust ko ang paningin ko ay inislide ko na ang answer buttom bago nagsalita.
"Hello?"
["Kat, are you available tonight? We need you here. Something went wrong about the inheretance of Ms.Ramos."]
Kinusot ko ang mata ko bago tumayo sa kama at nagdiretso sa banyo.
"But I already process her inheretance. Why? What happened?"
["Her madrasta made something about her. Come here right now."]
"Hindi na ba makakapaghintay yan ng umaga, Zel?"

BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
ActionWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)