Katryn Pov
Napabalingkwas ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. The fudge! Bakit ba naimbento ang alarm clock? Tsk!
Imbis na bumalik sa pagtulog ay tumayo na lang ako sa kama ko. Kailangan ko ng magluto ng makakain namin ngayong umaga. Wala na si lola at kailangan ko ng umusad sa buhay kahit na masakit. Sabi nga nila, you must go with the flow. Lahat naman ng bagay ay may hangganan at may paliwanag. Siguro nga, at nakatadhana kami ni Bernadeth na mamuhay ng ganito. Hsst!
Ano ba 'tong iniisip ko?
Umiling-iling muna ako ng ilangn beses bago ako bumuntong hininga at naglakad palabas ng kwarto. Sakto at mukhang hindi pa gising ang mga yun. Makakapagprepare pa ako ng agahan namin.
*
"Bernadeth, April, May! Gumising na kayo!!"sigaw ko mula dito sa kusina.
Tapos na akong maghanda at nakaready na sa mesa yung mga pagkain pero hindi pa nagiging ang tatlong yun. Mga tulog mantika talaga.
Naglakad ako patungo sa kwarto nila at pinagkakatok ang pinto.
"Gumising na kayo!! Kapag hindi kayo gumising uubusin ko yung omellete!"sigaw ko sa kanila. Sana lang at magising sila sa mga pinagsasabi ko. Napakaantokin pa naman ng mga 'to!
knock! Knock!
Napatingin ako sa sala ng marinig ko ang paulit-ulit na katok. Sino ba yun at kung makaistorbo ay kay aga-aga? Psh!
"Gumising na kayo!"huling wika ko sa mga kasama ko bago ako pumunta sa sala at buksan ang pinto.
To my surprise ay isang malapad na pader---este dibdib ang bumungad sakin. Pag-angat ko sa mukha ako ay si.......
Bakit 'to nandito?!!!
"Good morning!"masiglang bati ng intructor namin na si Axl.
Tsk! Aga talaga mambwisit ng lalaking 'to.
"Anong ginagawa mo dito?"nakakunot noong tanong ko sa kanya.
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin bago mo tanungin yan?"mababakas ang pagkasarkastiko sa tono niya na inirapan ko naman.
"Hindi ka allowed dito."pagtataray ko na bahagya naman niyang tinawanan. Kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Pagtapos ng nangyari satin tapos hindi na ako allowed dito?"
"What the---!!!!?!!"napayukom ako ng kamao ko dahil sa sinabi niya.
Anong nangyari?!! Bakit may nangyari ba samin?!! Kilan?! Saan?!! Sa sementeryo?! Kwarto?! Chapel?! O sa KOTSE?!!!
"Wahahahaha!!!"napabalik ako sa reyalidad dahil sa pagtawa niya.
Nakuha na niya ako sa tumatawa lang siya?!! Fudgebar?!!! Bakit ko binigay sa kanya si maria'ng makiling?!!
"Stop that dirty thoughts, Mik."wika niya habang nagpipigil ng tawa. "I won't dare to get what's on your mind. Gusto ko ikaw mismo ang magbigay niyan sakin."
Parang lahat ng dugo ko ay napunta sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Damn! Nag-iinit na din ang pisnge ko at anytime ay makakasapk na ako ng tao. Grrr!
"Hahah--"naputol ang pagtawa niya ng sapakin ko ang mukha niya at tuhudin siya.
Kaya ayan, namilipit sa sakit! Buti nga sa kanya.
"Awww!! My precious junior! Paano na tayo makakabuo ng baby kung binatil mo na yung itlog!!"wika niya na may halong pasigaw pa kaya naman nasundan pa ang sakit na nararamdaman niya.
Tsk! Anong baby'ng pinagsasabi niya?! As if naman na gusto ko siya! The fudge!!
"O...My....Ghad!!"napatingin ako sa likod ko ng marinig ko ang boses na yun.
Nagmadaling lumapit si Insan kay Axl at tinulungan niya.
"Okay ka lang, kuya? Naku naman!"nag-aalala niyang wika habang inaakay paupo sa sofa si Axl.
May hindi ba ako nalalaman dito? Kilan pa kaya naging close ang dalawang 'to? Hsst! Bahala na nga sila sa buhay nila! Dapat masipa pa ang isang binti niyang Axl na yan para hindi na makalakad. Tsk!
Imbis na intindihin silang dalawa ay pumunta na lang ako sa kusina kasama ang dalawang bata. Masama para sa kanila ang makakita ng gwapong demonyo. Tsk! Tsk! Gwapo nga siya demonyo at manyak naman!
"Ate, hindi na po ba kami magkakaroon ng pamangkin?"inosenteng tanong ni May na ikinakunot ko naman ng noo.
Saan naman niya napulot ang tanong na yun?
"Pamangkin? Bakit buntis ba si Bernadeth?"yan agad ang tanong ko.
Bukod sa kami lang ni Bernadeth ang pamilya nila ay wala ng iba pang makakapagbigay sa kanila ng pamangkin. Unless, buntis nga si Bernadeth. Kasi, imposible naman na sakin manggaling yang pamangkin yan dahil hindi naman ako buntis.
"Hindi po buntis si ate Bernadeth. Narinig lang po kasi namin ate yung sinabi ni kuya Axl."yung mukha 'kong plane na plane ay biglang nalukot ng sabihin nila iyon.
My ghad! Bati ba naman bata ay idadamay pa ng pesteng Axl na yun?! Wala talagang kwenta yung lalaking yun! Kay bata-bata pa ng mga pinsan namin tapos kung ano-ano na ang napupulot nila sa kanya. Tsk! Bad influence!
"Wag niyo ng inisipin yun. Kumain na lang kayo dahil malalate na kayo sa mga klase niyo."paglilihis ko sa tanong nila.
Tumango naman ang dalawang bata kaya nginitian ko na lang sila.
Maganda na sana ang pagkain naming tatlo ng dumating si Axl na akay-akay ni Bernadeth. Tsk! Kainis!
Ngumiti sila sakin pero inirapan ko lang sila. Hindi ako nagseselos, ha?!! Hindi talaga! Naiinis lang ako sa Axl na 'to dahil napakapabebe! Parang natuhod lang naman, kailangan pa talagang magpaakay?! Tsk! Tsk!
Umupo sila sa harapan ko at ang kapal talaga ng Axl na 'to. Grr! Nagpunta ba ito dito para makikain ng agahan?! Tsk! Tsk! Nakakabwisi talaga!
"Wow! Omelette! Made of egg."
Parang iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya! Tsk! Issue pa rin ba dito ang ano niya?! Iba naman yang itlog ko sa itlo---- aiisssh! Ano ba 'tong pinag-iisip?! Bad influence talaga 'tong lalaking 'to. Pati utak ko ay nadumihan na!
"Insan!"
"Ay! Itlog niya!!!"sigaw ko ng wala sa oras at ilang segundo lang ang lumipas ng mapuno ng tawanan ang hapag kainan.
Puro mga tawa lang nila ang naririnig ko na siyang ikinakunot ko ng noo. Anong mali sa sinabi ko? Wait,,,,
ohh shit!!!
'Itlog niya' ba ang nasabi ko?! Fudge!! Bakit yun ang lumabas sa bibig ko? Nakakahiya tuloy?! Damn! Damn! Kabobohan mo talaga Katryn!!
"What kind of egg is that, Mik?"pilyong wika ni Axl na ikinapula ng mga pisnge ko.
Damn! Kailangan talagang itanong niya pa yun?! Alam niyang nasa harap ng hapag tapos magtatanong siya ng kamanyakan?! The fudge!!
"Maliligo na ko. Babye!"nagmamadali 'kong wika at tumayo na 'ko sa upuan ko.
Nakakahiya na nga ang lumabas sa bibig ko tapos sinundan niya pa ng pilyong tanong. Nakakainis talaga! Ang sarap niyang sapakin!!
Damn! Yun na talaga ang pinakanakakahiyang pangyayari na nangyari sa tanang buhay ko.
---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!
![](https://img.wattpad.com/cover/140777845-288-k474272.jpg)
BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
ActionWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)