"Saan na ba yun?"tanong ko sa sarili ko.
Kaunting oras na lang kasi ang natitira samin. Gaya ng sabi kanina, limang minuto na lamang daw. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nagugol namin kakahanap, pero wala pa rin. Kapag ito wala malilintikan sakin yung taong nasa likod nito. Minsan na kaming naloko ng bomb threat kaya sana ay wag ng maulit pa ito.
"Katryn! Katryn! Halika dito!"sigaw ni Lealyn sakin na nasa kabilang side lang. Kaya naman tumakbo ako papalapit sa kanya .
"Nakita mo na ba?"tanong ko sa kanya na tinanguhan naman niya ng ilang beses. Maging ang iba naming kasamahan ay napasugod na din sa pwesto naming dalawa.
"Dito oh. Sa loob ng sasakyan."sabay turo niya sa loob ng sasakyan.
Sinilip namin iyon at nasa baba nga siya ng kotse. Isang minuto na lang ang nandoon na oras niya at kailangan na naming magmadali bago pa kami mamatay dito.
"Basagin niyo yang bintana!"utos ko sa mga lalaki na tinanguhan naman nila.
Ready na sana silang bumasag pero nabitin iyon sa ere dahil sa dalawang eksaheradong pulis.
"Bawal yang ginagawa niyo! Pwede kayong kasuhan ng may ari ng kotse dahil binasag niyo ang bintana niya."wika nitong pulis na mataba.
"Sir, nandoon yung bomba!"sigaw sa kanya ni Jessica at mukhang naiinis na rin siya dahil sa dalawang pulis na ito.
"Kahit na. Kailangan nating kumuha ng permeso sa may ari ng sasakyan."
"Ano ba! Tanga ka ba o bobo?!! Sasabog na tayong lahat tapos naisipan mo pang kumuha ng permit sa may ari?!!"sigaw ni Mark sa kanya na ikinainis naman nitong pulis na patpatin.
"Hoy bata! Wala kang karapatan na pagsalitaan ng ganyan si PO2 Canor!"singit nitong patpatin na 'to.
"Putang*na! Sasabog na tayo tapos mag-aaway pa ba kayo diyan?!! Tatlumpong segundo na lang ang natitira!"sigaw ni Lealyn kaya napatingin kami doon sa loob ng sasakyan at 29 seconds na lang.
Walang sabi-sabing binasag ni Edmar yung bintana ng sasakyan tsaka siyo sumuot doon at kinuha yung bomba. Samantalang, yung dalawang pulis naman ay puro reklamo at kung ano-ano ang pinagsasabi na hindi na lang namin pinakinggan. Bahala silang dalawa diyan.
"Kat, kaya mo 'to?"tanong ni Edmar na tinanguan ko naman.
Hindi ko alam kung simple o ano 'tong bomba na 'to. Basta ang tanging alam ko lang ay nakaencounter na ako ng ganitong klase noong naglalaro ako ng bomb squad. Tsaka naituro na din ito saamin noong nagretreat kami sa Camp Aquino. Iba nga lang ang porma nitong bombang hawak namin ngayon.
Kinuha ko kay Edmar ang bomba na may 15 seconds na lang. Kailangan naming bilisan dahil kaunting minuto na lang ang natitira samin.
"Hoy bata! Anong ginagawa mo! Wag mong papakialaman ang bombang yan!"suway ng pulis na mataba na PO2 Canor ang pangalan.
"Pwede ba? Tumigil ka kakadaldal diyan? Kung hindi ka pa titigil makakatikim ka ng sapak sakin!"wika sa kanya ni Mark at ready na siyang manapak kung hindi lang umawat si Lealyn.
"Hep! Tama na yan. Kailangan ni Katryn magfocus sa pagdidisseminate ng bomba."
"Go, Kat kaya mo yan."pagchechear nitong si Jessica habang kinakalikot ko ang mga wire nitong bomba.
Pitong segundo na lang ang natitira at kinakabahan na ako. Bakit ayaw pa rin tumigil nitong bomba? Nagpapawis na din ang noo ko dahil dito. Maging ang iba ay ramdam ko din ang kaba nila at malamang sa malamang ay nagtataka na din kung bakit hindi pa tumitigil ang oras.
"Sasabog na ba tayo?"mahinahong tanong ng patpating pulis. Maging siya ay kinakabahan na din.
"Kat, ayos ka lang. Magfocus ka lang."mahinahon nilang wika at yun nga ang ginagawa ko ngayon.
5
Sana naman tumigil na ang oras. Naalis ko na yung isang kulay black na wire niya. Isa na lang.
4
Itong bombang 'to ay may tatlong wire. Black, Blue, at Red. Naalis ko na yung black pero walang nangyari. Kaya kailangan kong mag-ingat dahil isang maling putol lang ay bibilis na ang oras nito.
"Hindi lahat ng bomba ay red wire ang kailangang putulin."
Parang nagflashback sa isipan ko yung sinabi ng disseminator noong retreat namin. Kaya naman kinuha ko yung kulay blue na wire at pinutol iyon.
"Katryn..."nanghihinayang nilang wika dahil sa pagbilis ng pag-andar nitong oras.
Shit! Mali ang naputol ko! Ang tanga ko talaga.
Sobra-sobra na akong kinakabahan sa mangyayari. Sa sandaling tumapat sa number 1 yung segundo niya ay sabay-sabay kaming napapikit.
Katapusan na ba namin ito? Bakit napakaaga naman? Hindi ko pa nahahanap ang mga taong pumatay sa mga magulang namin. Hindi ko pa nahahanap yung taong nanghit and run sa lola ko.
"Kat...?"pakinig 'kong wika ni Lealyn kaya napamulat ako. "Nagawa mo!!!"sigaw niya at halos sabay-sabay kaming mapatalon sa saya.
Akala ko katapusan ko na! Akala ko mamamatay na ako! Akala ko hindi na ako makakatikim pa ng fudgebar!
"Wohooooo!!! Ang galing mo talaga, Katryn! Idol ka talaga!"sigaw nila Mark na ikinatuwa ko naman. Pansin ko din ang dalawang pulis na nagyakapan, malamang dahil sa nerbyos.
"Nice one! Ang galing-galing talaga ng crush ko!!"sigaw naman ni Edmar na inilingan ko na lang. Kahit kailan talaga.
"Tara na. Lumabas na tayo."yaya ko sa kanilang lahat na tinanguhan naman nila.
Maingat naming kinuha yung bomba para maibigay na sa mga bomb squad. Siguro naman ay nakarating na sila.
Nanguna sa paglabas yung dalawang pulis at feeling artista ang paglalakad nila. May pakaway-kaway pang nalalaman ang 'to.
"Sir!!!"kinawayan namin si PO2 Vallercia na nakangiting sumalubong samin.
"Salamat sa pagtulong niyo mga bata."wika niya na nginitian naman namin.
"Wala yun, sir. Si Katryn po ang gumawa ng lahat kaya sa kanya po kayo magpasalamat."wika ni Lealyn sa kanya.
"Hoy! Anong ako? Lahat kaya tayo. Team work 'to, okay?"natawa sila sa sinabi ko at itong si PO2 ay ginulo pa ang buhok ko. "Ser, naman eh!"para akong bata na nakasimangot ngayon na tinawanan naman nilang lahat.
"Ayaw niya po kasing ginugulo ang buhok niya."bulong sa kanya ni Jessica na tinawan ni Sir.
"Hahaha! Pasensya na. Naaaliw lang ako sa sayong bata ka."wika niya na ikinakamot ko na lang sa ulo.
Bakit ba ang hiling nila akong tawaging bata? HSST! Nakakainis kapag bata pa rin ang tingin nila sakin. Psh!
Sa gitna ng tawanan namin ay may eksaheradong SIR ang dumating. Kinuha niya ang hawak 'kong bomba at ibinigay iyon kay PO2 Vallercia.
"Halika."deretso lang niyang wika ng hindi nakatingin sakin.
Ano bang problema nitong Axl na 'to? Nakakahiya tuloy sa mga kasamahan ko dahil sa pagkaladkad niya. Ba'ka nakakalimutan niyang mga estudyante niya ang mga kasama ko.
"Bakit ba---"
"Manahimik ka!"putol niya sa sinabi ko na agad kong ikinatiklop. "Sakay."utos niya pagkarating namin sa harap ng kotse niya.
Dahil sa takot ko na hindi ko naman dapat maramdaman ay ginawa ko na lang inuutos niya. Minsan hindi ko maintindihan kung anong saltik ang meron siya. Nakakainis siya kasama at napakasarap niyang batukan.
---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!
![](https://img.wattpad.com/cover/140777845-288-k474272.jpg)
BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
ActionWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)